Chapter 5

329 23 5
                                    

Rodrigo's POV

Natapos ako mag luto ng tatlong kakainin naming ulam, aayain kona imee na naka higa sa sofa nang nilapitan ko ay nakaidlip pala siya hindi kona siya ginising at tinitigan ko nalang siya habang tulog, nakabuka pa ang kaniyang bibig at ang kaniyang paa ay naka patong pa sa center table, inayos ko ang kaniyang buhok na halos makain niya na habang tulog at sabi kong pabulong ay...

"Ano ba tong attorney na ito kapag nasa labas at nag tatrabaho mukhang disente kapag nandito sa bahay at naidlip mukha paring anghel kahit magulo ang higa" pabulong kong sinabi pagkatapos ayusin ang kaniyang buhok

Bumalik ako sa kusina at tinakpan muna ang mga pagkain

Imee's POV

Nakatulog ako habang nag luluto si Rodrigo, nang magising ako dahil sa kaniyang yabag pero hindi ako kumibo at nag patuloy nalamang na nakapikit, naka buka ang aking bibig at halos makain kona ang aking buhok, naramdaman ko na inayos niya ang aking buhok at sabi niya..

Ano ba tong attorney na ito kapag nasa labas at nag tatrabaho mukhang disente kapag nandito sa bahay at naidlip mukha paring anghel kahit magulo ang higa - Rod

Habang sinasabi niya yun na halos isang ruler ang pagitan ng mga mukha namin nakikita ko padin dahil binubuka ko kaunti ang aking mata, nakita ko siyang nakangiti pagkatapos sabihin saakin iyon at mukhang bumalik siya sa kusina, minulat ko ang aking mata, at ngumisi nalang ako sabay sipa sa hangin

Tumayo na ako at naabutan ko si Rodrigo sa kusina kaya inaya na niya ako kumain at napangiti nalang ako dahil ang bango ng mga niluto niya

maka lipas ang araw na iyon doon parin si Rod namamalagi sa bahay ko, hinahayaan kolang siya dahil naawa din ako na mag isa lang din siya sa mansion niya

Awiii! Sabihin molang attorney inlove kana - AUTHOR

Linggo na ngayon at hindi ko alam kung iiwanan ko bukas si Rodrigo dito sa bahay dahil may pasok ako sa trabaho, nakahiga pa ako sa kama at napansin ko na 1:21 na ng hapon, ngayon lang ako nagising ng tanghali siguro dahil sa kaka basa ko ng libro kagabi ng madaling araw, bumaba ako at pumunta sa sala ng napansin kong ang tahimik ng paligid kaya sinubukan kong pumunta sa guest room kung saan doon muna natutulog si Rodrigo pero wala akong nakitang tao sa loob nag taka ako kung bakit wala siya sa kaniyang kwarto kaya umupo muna ako sakaniyang kama sabay sabi ko na..

"Hindi kaya umuwi na siya at di nag paalam? Hmm! Iniwan ba naman ako dito!" Pagalit kong sabi nang biglang bumukas ang pinto ng CR at di ko inaasahan na si Rodrigo pala iyon

Bakit attorney takot kaba maiwan mag isa dito? - Rod

"Ahhh! Di ahh mag isa ako ditong nakatira bakit ako matatakot?" Sabi ko sakaniya sabay lakad ko ng mabilis palabas ng kaniyang kwarto nang hinatak niya ako sa pulso ay nanlaki ang mata ko sa gulat

"B-bakit?" Tanong ko sakaniya

Wala lang! Sabihin kolang sana na ang cute mo pala pag magulo ang buhok! - Rod

"Ahhh! Hindi lang ako nakapag suklay kaya magulo! Sige labas na ako" dali dali akong lumabas ng kwarto at isinara ko ang pinto ng malakas, napa sandal ako sa pinto at napakagat ako sa aking daliri umakyat ako at pumasok saaking kwarto sinarado ko ang pinto at pabalik balik akong mag lakad habang winawagwag ang aking mga kamay

"Ano kaba imee! Bakit ka kinakabahan? Wait kinakabahan kaba talaga? Nako desperate times nga naman ohh!" Sabi ko saaking sarili inihagis ko ang aking katawan sa kama at napaisip

"Imee? Inlove kaba sa cliente mo? Ohh my gosh No! No! No! Wag! Sa dinami dami ng pwede mong magustuhan bakit ung cliente mopa na nasa kaso ay isang drug lord! Nako self umayos ka attorney ka diba? Dapat nag iisip ka!" Sabi ko saaking sarili habang hawak hawak ko ang aking nuo

Our Contrary LifeWhere stories live. Discover now