Chapter 38

170 22 2
                                    

Meero's POV

Makalipas ang dalawang araw na natanggap kona si dad, oo dad na ang tawag ko sakaniya dahil siya naman ang tunay kong ama. Iyon nga pagkatapos ng dalawang araw na iyon patuloy na hindi nag papakita si Charley, nag isip nalang ako na baka umiiwas kay kila mom upang hindi nila malaman na boyfriend ko siya, pero alam naman na ni mom ang kaso si dad (Rod) hindi niya pa alam, ako naman ayos lang saakin kung hindi muna siya pumupunta naiintindihan ko.

Narito ako sa Hospital at nag babantay ako kay Tomas, hindi pa bumibisita si mom at patuloy akong nag hihintay upang may kasama akong mag bantay.

"Ano ba yan ang tagal ni mom, para naman nakakaloko ahh!" Bulong ko saaking sarili.

Habang nag aayos ako ng pinag higan ko rito kaninang umaga nararamdaman ko saakin likod na may gumagalaw nang pag lingon ko gumagalaw na uli si Tomas, nagulat ako at nilapitan ko siya at nakikita kong minumulat niya paunti unti ang kaniyang mga mata.

"Tomas! Tomas wag ka pipikit hah! I'll call the doctor" saad ko

Tumakbo ako sa nurses counter at agad naman silang pumunta sa kwarto. Pinalabas muna nila ako at pinag tutulungan nilang suruiin si Tomas. Tinawagan ko si mom at sumagot naman siya ang sabi niya pa ay papunta na raw siya.

Makalipas ang 35 minutes nakarating na sila mom, pilit niyang gustong pumasok sa loob pero sinusuri pa ng nurses at doctor si Tomas.

"Mom! Mom! Chill lang walang mangyayari kay Tomas in fact he is already awake, wala kana dapat pang alalahanin mom" paliwanag ko

Kaba at takot ang aming nararamdaman sa araw na iyon pilit kaming nag aalala para kay Tomas, pero napaka laking ginhawa saamin ito, dahil sabi saamin ng doctor he is already awake from coma. Ngayon hindi pa siya nakakapag salita dahil sa tubo pero napansin kong ngumiti siya nang makita niya si mom na papalapit sakaniya. Hinawakan ni mom ang kamay niya at mahigpit na hawak hawak ni Tomas ang kamay ni mom. Nang makita ni Tomas si Dad (Rod) naluha siya na parang gusto niya mag salita o mag paliwanag, panigurado ako mag kaka ayos na sila at baka panibagong yugto nanaman ito ng buhay namin.

Tinawagan ko si Charley, pero hindi siya sumagot, naka ilang ulit na ako pero hindi parin sumasagot. Hinayaan ko nalang muna siya at baka may mga gagawin.

3 weeks later...

Ngayon sobrang saya namin nila mom dahil magaling na si Tomas, pwede na siya umuwi pero kailangan niyang naka wheel chair muna kahit mukhang malakas na ang kaniyang pangangatawan. Maaring magaling na si Tomas, pero sobra ang aking pag tataka kung bakit hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag usap ni Charley, kaya pag katapos namin i uwi si Tomas dederetso na ako ng condo ni Charley.

12 hours later...

Nasa bahay na kami ngayon nai-uwi na namin si Tomas, inalalayan siya ni Mom na maka upo sa kanyang kama, si dad naman ay nag peprepare ng makakain naroon siya sa kusina at nag luluto.

"Mom? Ok na muna ba kayo dito? Ikaw Tomas are you comfortable here?" Tanong ko

I'm ok here meero don't worry about me! - Tomas

Ok lang din ako dito, bat mo natanong? - Mom

"Lalabas kasi ako ngayon pupuntahan ko lang si Charley" saad ko

Sige mag ingat ka hah! - Mom

"Yes Mom!" Tugon ko

Umalis na ako at kinuha ko ang jacket ko at bag.

Imee's POV

Who's Charley? - Tomas

"It's your sister's boyfriend" saad ko

Our Contrary LifeWhere stories live. Discover now