Chapter 47

149 8 2
                                    

Narrator's POV

"Nasan naba yung tatlo, bakit hanggang ngayon hindi nag papakita saakin" Sabi ni Tomas sakaniyang sarili.

Tinawagan ni Tomas si Loren at tinanong kung nasaan sila Marjie.

"Hello Tita? Nasa bahay poba sila Marjie? Bakit hindi po sila sumasagot sa tawag ko?" Tanong ni Tomas kay Loren.

"Tinatawagan ko nga rin sila kanina hindi sumasagot, nag-aalala na nga ako hindi ko alam kung san sila nag punta" Tugon naman ni Loren sa telepono.

"Sige tita, ako na bahala mag hanap sakanila, nasaan poba kayo, nasa office?" Tanong ni Tomas.

"Yes hijo, I'm in my office signing the papers, may meeting pa ako mamaya with my investors" Tugon ni Loren.

"Ohhh sige po Tita, I'll call you back when I already found them." Saad ni Tomas.

Ibinaba ni Tomas ang tawag at nag tanong din kay Giselle kung alam niya kung nasaan ang tatlo. Hindi rin niya alam kung nasaan at patuloy na nangangamba para kay Desie.

Hinanap ni Tomas ang tatlo, hanggang sa nag punta na siya ng office ni Attorney Lie. Pumasok siya sa Office at tinanong kay Attorney Lie.

"Attorney Lie, pumasok ba kanina si Marjie sa klase mo?" Tanong ni Tomas.

"Actually hindi siya pumasok, pero hindi naman ako nag discuss sakanila kanina, I gave them an activity to do that time" Saad ni Attorney.

"Kanina kopa kasi sila Tinatawagan, hindi sila sumasagot" Sabi ni Tomas.

"Marjie? her sister and friend?" Tanong ni Attorney.

"Yes, kumikilos na nga rin sila Tita mga nanay nila, pero still wala parin, hindi parin namin sila makita" Paliwanag ni Tomas.

"Mahigit 24 hours naba silang  nawawala?" Tanong ni Attorney.

"We Don't know ngayon lang namin umaga napansin na wala sa bahay nila at hindi matawagan ung tatlo" Saad ni Tomas.

"Anong oras naba? It's already 7:34pm, hindi pa 24 hours pero tutulungan kitang hanapin sila, by the way ang hearing nga pala ay sa  kamakalawa" Sabi ni Attorney.

"Pero hindi pa nahahanap ung Pulis na pinag bilinan ng sulat ni Dad noon para kay Mom, mismong letter wala na dahil pinunit ni Mom noon yon, it could be a strong evidence para mapalaya sila agad" Paliwanag ni Tomas.

"Huwag ka mag alala, we don't need the Police we just need to find someone na pwedeng may matinong ebidensya para mapalaya sila agad" Tugon ni Attorney.

"Si Dad na siguro ang paraan para mapalaya si Mom, pero pano siya mismo?" Tanong ni Tomas.

"As long as maganda ang statement na makukuha ng korte galing kay Sir Rodrigo, they both have the possibility na makalaya, pero mas dehado si Sir Rodrigo because of his case almost 3 decades ago." Paliwanag ni Attorney.

"Ok! Atleast medyo mababawasan na ang sitwasyon kapag napalaya na si Mom" Sambit ni Tomas.

"Mas mabuti pa hanapin na natin sila Marjie" Tugon ni Attorney Lie.

Lumabas ang dalawa ng opisina, nag maneho si Tomas na katabi si Attorney Lie sa passenger seat. Hinanap nila ang tatlo ng 4 na oras, ang daming tinawagan, pinag tanungan, at pinuntahan ang mga lugar na maaring nadaanan ng trio. Inabot na sila ng madaling araw alas tres ng umaga, nasa kotse lang sila at nag papatakbo nito.

"Saan naba nag punta ung tatlong yun?" Sabi ni Tomas.

"Mahahanap rin sila" saad naman ni Attorney Lie.

Habang patuloy na nag hahanap ang dalawa, hindi nila napigilan na makatulog sa loob ng kotse na naka park lamang sa tabi ng  main road.

Habang sila Ela naman ay nasa puder nila Ches, at nanunuod na mag sanay si Ches, Patty, at Erie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Contrary LifeWhere stories live. Discover now