Chapter 11 Nahanap na

3.1K 60 1
                                    

Nahanap na

Leighton

Naka tulala lang ako. Specifically naka tingin sa may kisame ng kwarto at nakatingin sa may mga glow in the dark ng mga bituin na pinakat ko dati.

I love stars..

I used to look at it every night. Kapag nag mumuni muni ako at nag papa antok. Tumunog naman ang alarm clock ko, I know it's weird hindi naman dating nauuna ako magising sa alarm clock, pero ngayon nauna na ako.

Tumayo na ako at nag hilamos, Thursday ngayon at wala akong klase kapag TTH. Pero meron akong gig mamaya.

Nag lalakad na ako sa may baba ng apartment ko. I don't feel going to my gig mamaya. Pakiramdam ko hapong hapo ako. At para akong zombie na nag lalakad sa may kusina ng mapa hinto ako.

Teka?

Ano ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? "Good morning. Breakfast na!" Si Drew, naka apron siya habang nag fli-flip ng pancake. He smiled at me. At tsaka sabay gaya sa akin papunta sa may dining table. "Pancakes. Egg. Bacon. Or me?" Napa tingin naman ako sa kanya, habang siya naman ay kumindat sa akin. Sabay talikod.

What's with him now? Anong ganap na naman ito!

Kagabi lang, parang babaeng hindi mapakali. At dada ng dada. Ngayon naman parang babaeng napakain ng asukal. Yes, ihinahalintulad ko si Drew sa babaeng bungangera!

Umupo naman siya sa tabi ko at sinimulan ng ang pagkain niya. Nakatingin lang ako sa kanya, habang hinahalo ko ang kape ko. "About last night?" Simula niya. Hindi na ako tumingin sa kanya at inabala na lang ang sarili ko. Maybe I should have a general cleaning some time.

"I'm sorry." Saad naman niya, hindi pa rin ako nag sasalita. Kaya naman hinawakan na niya ang kamay ko. "Sorry na. I shouldnt nag you last night. Sorry." At ng tumingin ako, nag yuko naman siya ng kanyang ulo.

Hindi naman ako galit sa kanya, nag kataon lang siguro na pagod ako at gusto ko mag pahinga tapos marami pa siyang tanong kagabi.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Kain na tayo?"

Naka tingin lang siya sa akin. Nang siguro ay maisipan niya mag salita. "Liligawan kita." Napa tingin naman ako sa kanya. Ano na naman bang pinag sasabi ng lalaking ito.

"Well, I am hoping to receive dozens of white and red roses Mr. Jack Andrew Interior." Sabay kindat ko sa kanya.

"Kahit everyday pa. Gagawin ko. Liligawan kita. Leighton Gale Suelto" Bakit kapag siya ang nag sasabi ng pangalan ko hindi nakaka pressure. Chill lang. Cool lang. Pero kapag nasa meeting ako at tinatawag na ako ng dean, kinakabahan ako. From him, it sounded so sensual and comforting at the same time.

"And it starts now." Now he sounds serious.

Pero bago pa ako maka pag salita, agad na niya akong nilapitan at sinakop ang labi ko at ang buo kong sistema.

He knows how to invade my whole being.

------
Lei

"Oh? Tapos ayun nga? Bigla kumanta ang alaga mo sa may field at sumigaw ng "I love you Romeo ng buhay ko!!!"Kasalukuyan kaming nag kwe-kwentuhan ni Ma'am Espina, habang nag lalakad kami sa may hallway ng university.

She's talking about the act that happened this morning. "Nako! Nakakaloka talaga yang si Allen, baliw na baliw kay Angelo." At sabay hawak ni Ma'am Espina sa ulo niya habang umiiling iling.

"Pag bigyan na natin ma'am. Living young, wild and free ang peg ng mga junakis mo eh." Nag kwentuhan pa kami ni Ma'am hanggang marating namin ang faculty na inabutan namin nag kakagulo.

Make you feel my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon