Chapter 18

3.1K 79 3
                                    

Drew

Naramdaman ko naman na may sumusundot sa ilong ko. I automatically smiled just the mere fact of feeling that touch. I used to feel happy whenever she touches my nose to wake me up.

"Wake up, papa." At kinurot na ni Andy ang ilong ko. False alarm. At ng nag mulat ako nakumpirma ko nga dahil nakita ko si Andy na naka bihis.

Saan pupunta ang anak ko? "Morning baby, Where are you going?" Tanong ko naman sa kanya.

Inayos naman niya ang backpack niya at tumabi sa akin. "Papa. Nakalimutan mo? Ngayon tayo manunuod ng Dora the Explorer dun sa malaking malaking stage." Nakalimutan ko nga.

Agad naman akong tumayo at binuhat ko siya at inupo sa may kandungan ko. "But wait, maaga pa baby."

Bumaba naman na si Andy ng kama ko at inayos ang dress niya. I smiled, she really looked like her. "Yes papa, sasama muna po ako kay Nanay may work pa siya sa shop eh. Tara na po. Breakfast na." At nag tatakbo na siya pababa ng bahay.

Nag hilamos lang ako at bumaba na rin ako. Naabutan ko naman na nag titimpla si Nanay Thelma ng kape. "Good morning nak!" Bati sa akin ni Nanay Thelma, habang si Lei naman ay naka talikod sa akin at nag luluto.

Hinihintay ko na humarap siya para batiin ako. Pero ng humarap siya hindi naman niya ako tiningnan at inilapag lang ang omelet na niluto niya.

I wanted to say sorry for all the things that I have said last night. Hindi ko naman alam kung paano. Hinawakan naman ni Andy ang kaliwang kamay ko habang hinawakan naman niya ang kamay ni Lei gamit ang isa niyang kamay.

Nag simula ng mag dasal si Andy habang naka pikit. "Dear God, Thank you kay Nanay, papa and nanay Thelma. Thank you po sa food na kakainin namin. Thank you for this day. Amen." At tiningnan na niya ako.

"Kain na papa." At nag simula na kaming kumain. Panaka naka ay tinitingnan ko si Lei, hinihintay ko na tumingin siya o mag salita man lang. Pero hindi niya iyon ginawa. I miss mornings that I was with Lei. The happy go lucky girl. And not the stiff one that I am with now.

"Tomorrow would be mom's birthday." Agad naman tumingin sa akin si Andy. "You're gonna meet your grandma, baby." Agad naman siyang ngumiti.

"Papa, mabait ba siya katulad ni mamang?" Ngumiti naman ako kay Andy sabay ayos sa nagulo niyang bangs.

"Yes, baby." Nag patuloy na kami sa pag kain habang si Andy ay patuloy pa din sa pag kukwento ng mga halaman na inayos nila ni Nanay Thelma. My daughter really loves plants, sigurado akong magugustuhan siya ni mama. Agad naman akong pumanik pag katapos ko namin kumain para maligo. And when I am done, pumunta ako sa kwarto ni Andy para sabihin na ako na lang ang mag hahatid sa kanila sa trabaho ni Lei.

Pag kapasok ko, naabutan ko si Lei na nag-aayos ng gamit ni Andy. Naka talikod siya sa akin at abala sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin na nandito ako. "Lei." Agad naman siyang humarap.

She was wearing a simple knee length sky blue dress while her hair is in a half pony. Walang make up si Lei. Kahit na dati. She was not fond of girly things. Damn! Just seeing her. What does she do to have an effect on me? Damn! All I wanted to do is to hold her cheeks and kiss her, just like the old times.

Nag baba siya ng tingin at bumaling ulit sa inaayos niya. "Hatid ko na kayo. Tapos sunduin ko na lang kayo para sa play." Nakita ko naman na tumango siya pero hindi siya lumingon.

Bumuntong hininga na lang ako. I know, I've done something. At ng matapos na siya ay kinuha ko na ang bag ni Andy. "Ako na." Pero hindi sinasadya na nadikitan ko ang kamay niya.

Make you feel my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon