Chapter 21

3.1K 66 5
                                    

Finally

Drew

I sighed as I looked at Lei and Andy that  was now sleeping. She's very different now. There's something the way she talks. Dati naman kapag galit na siya sinasabi niya agad. Mas natatakot pa nga ako kapag hindi niya ako binubungangaan. But now, I know that she is mad. Iyon ang problema. Alam  ko na nga, pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

"Ano ba nangyari sa atin,Lei?" I drank the half whiskey bottle on my hand. At tumalikod na ako sa kwarto nila. Tila takot ako ngayong harapin siya. Na kung ano man ang lumabas sa bibig niya ay tila isang realidad na sumasampal sa akin, how cruel I treat her.

Agad ko naman kinuha ang susi ng kotse ko. I need someone I can talk to...

And I know the person who can be..

"Oh bro, gabi na ah. Ano satin?" Si Adam. Kaibigan ko siya at kasama ko din dati sa tinayo naming Coffee Shop- "A taste of heaven" ang pangalan ng coffee shop namin kasosyo din namin ang kaibigan naming sina Yvo at Kean. Pero ngayon si Yvo at Kean na lang ang madalas na nandito dahil si Adam ay may sarili ng restaurant na kasosyo naman niya ang kaibigan ni Lei na si Diego.

"Ano balita?" Tanong naman niya sa akin at inabutan ako ng carbonarra. Nandito kami sa rooftop at garden ng restaurant niya.

"I'm a bad man." Sagot ko naman.

Ngumisi naman siya sabay kain ng carbonarra niya."Congrats! Nagising ka na! Alam mo na."

Kinuha ko naman ang alak na kanina ay binili ko sa convenience store na nadaan ko bago ako dumiretcho dito. "I guess I will not be a good father."

Humarap naman siya sa akin. At kahit punong puno ang bibig ay nag salita siya. "Anong guess? Gago! Hindi ka talagang mabuting ama."

Pinunasan ko naman ang mukha ko dahil sa mga tapon tapon na ginawa ni Adam.  "Hanggang ngayong chef ka. Ang kalat mo pa rin kumain."

"Lumayas ka na nga lang dito bro. Aba! Ngayon na nga lang ako kakain ng matino. Heto ka at nag bibigay ng negatibo sa  akin. Hala sige!" Pag tataboy niya sa akin. "Baka malasin negosyo ko sayo."

"Bro, is he a better man than me?" Tanong ko naman sa kanya.

"Lakas maka bading ng tanong mo bro. Sino ba?"

"Si Diego."  Saad ko naman at tinutukoy ko ang kasama niya sa negosyo at kaibigan din ni Lei at ang Tatay Ding na tinatawag ni Andy.

Nag tuloy naman siya sa pag kain at tila walang naririnig. "Bro naman. Ano? Kamusta yung gagong yun?"

"Oh eh bakit mo kinakamusta sarili mo?"

Binatukan ko naman siya. Kaya napa ubo siya dahil kakasubo lang niya ng pasta na kinakain niya. "Gago ka! Masakit iyon. At dahil jan..  Oo, mas mahusay sa iyo yun. Walang wala ka! Ipot ka lang!"

At tinuloy ang sasabihin niya kahit na punong puno ang bibig niya ng pasta. "Si Diego matinong tao iyon. Biruin mo ha! Hindi naman siya ang asawa ng mga babaeng na-anakan at iniwan ng mga iresponsableng hinayupak na gago na katulad mong mga lalaki." Sabay baling sa akin. At kinindatan pa ako. " Pero tinutulungan niya to cope up with the situation ng walang halong malisya. Tapos magaling pa makisama sa mga bata. Sabi nga ni Lei kahapon, nung binigyan siya ng surprise birthday celebration ni Diego. Takbuhan daw ng mga buntis si Diego." Humarap naman siya sa akin at inagaw ang hawak kong bote at inilapag sa gawi niya. "Kaya alam mo, yang si Diego. Perfect example yan ng good father to be." Sabay taas pa ng kilay niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi tungkol kay Diego na perfect father to be. Pero sa... "B-birthday ni Lei kahapon?"

Pinag patuloy naman niya ang pagkain niya. "Oo bro, hindi mo alam? Anak naman ng! Gago ka talaga!!! Siraulo kang hinayupak ka!  Hindi ka na nga umattend sa recital ng anak mo. Hindi mo pa alam na birthday ng nanay niya kahapon. Oh ano?! Sino gagawa ng ganun? Diba? Ikaw lang!" Yes. Maybe Adam was right. I was a one heck of an asshole guy.

Make you feel my loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon