Chapter 5.5: Intramurals (Day 2 Part 2)

1.3K 82 7
                                    

Natalia's POV

Ugghhh! Kapal naman ng mukha 'nun ah! Pero ano pa ba ang magagawa ko? A deal is a deal.

Pagkatapos ng incident na 'yun, hindi ko na siya nakita nung dismissal kaya umuwi nalang agad ako.

Pag-dating ko sa bahay ay pumunta na agad ako sa kwarto ko pero nagulat ako ng may nakita akong malaking box na nakapatong sa ibabaw ng kama ko.

"Ano kaya 'to?" Takang tanong ko sa sarili ko at agad na binuksan ang box at tumambad sa akin ang isang eleganteng short black tulle crystal white lace sheer cocktail dress. Simple but pretty.

Hindi na ako nagsayang ng oras at agad ding inayos ang sarili ko. Habang sinusuot ko yung dress ay biglang may nag text na unknown number kaya tinignan ko ito kung sino yung nag text at baka si kumag na'to.

~~~

From: +639123456789

I'll be there at your house at 7:00 PM sharp. Be beautiful, Baby ;) -Alexander Evans

~~

Matapos kong basahin ay napaikot nalang yung mata ko at hinagis yung phone ko sa kama ko at pinagpatuloy nalang yung ginagawa ko.


(6:55 PM)

Alexander's POV

Papunta na ako ngayon sa bahay ng mga Smith. Actually first time kong pumunta rito kaya hindi ko pa alam since hindi naman ako yung nag deliver ng suot niya sa bahay nila pero obvious naman na malaki din yung bahay nila kasi exclusive naman 'tong village na 'to.

Habang hinahanap ko yung bahay nila, biglang may tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko na ito ng walang tingin-tingin sa caller.

"Hello?"

[Anak! Nasaan ka na? Nandito na yung lola mo at hinahanap ka na at yung girlfriend na sinasabi mo sakin.]

"Ahh.. Papunta na po ako sa bahay nila— Ahh! Actually nandito na po ako. Sige po. Kita nalang po tayo mamaya." Sabi ko at in-end na yung call. Hindi uso samin yung paalam eh! Pero wait, ito na nga ba yung bahay nila?

*Beep beep!*

"Iho, anong kailangan mo?" Tanong sakin nung guard ng gate. "Ah.. Bahay po ba ito ng mga Smith?" Tanong ko kay manong guard at tumango naman siya at tinanong ako kung ako ba daw yung susundo kay Nathalia kaya tumango ako at pinapasok nila ako sa mansion nila. Oo, mansion yung bahay nila pero mas malaki yung bahay namin kesa sakanila. Hindi po sa nagmamayabang pero 'yun po ang totoo.

"Iho, ikaw ba yung susundo sa alaga ko?" Tanong ng isang matandang babae.

"Opo. Nasaan na po si Nathalia?" Sagot ko at ngumiti. Syempre! Pa good boy mode yata ako ngayon!

"Ah. Nandoon pa siguro sa kwarto niya. Sandali, tatawagin ko." Sagot niya kaya tumango nalang ako at umupo dito sa sofa nila. Habang hinihintay ko si Nathalia, tinignan ko yung paligid. Puro white and gold yung makikita ko dito. Obvious na obvious na nanggaling siya sa isang mayaman na pamilya.

Ilang minuto na ang nakalipas ay may narinig akong saradong tunog sa second floor nila at sure ako na siya na yun at hindi nga ako nag kamali. May isang babaeng anghel ang bumababa sa malaking staircase.

"Matutunaw ako niyan sa titig mo, Mr. Evans." At dun nalang ako bumalik sa katinuan kaya ngumiti ako ng nakakaloko.

"Ang ganda-ganda mo kasi baby eh." Sabi ko ng nakakaloko kaya hinampas niya ako sa braso. Sa totoo lang, sadista ba 'tong babae na 'to?

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Where stories live. Discover now