Chapter 1: The beginning

4.3K 105 3
                                    

Natalia's POV

Hiiiii~! Kilala niyo naman siguro ako ano? Pero kung hindi then I'm Natalia Mae Smith. 15 years old at half British at half Filipina. So ayan na ha? Ang makakalimot sa akin ipapatapon ko sa... SA SUN! Oo! Sa sun ko kayo ipapatapon kung makakalimutan niyo ako! Hmp!

Btw, nandito pala kami ng mga girls (Camille, Naomi, Sunny and Stephany) ko sa Palawan. Sa monday na kasi yung opening ng school at friday na ngayon kaya uubusin nalang namin to ng adventure time! Habang tinitignan ko yung map ng isla, nakita ko yung isang zipline.

"Guys! Punta tayo sa zipline!" Anyaya ko sakanila. Mukha kasing maganda eh kaya let's try!

"Waahh! Tara!" Sabi ni Stephany at nagsimulang maglakad. Nang makarating kami nagbayad kami agad.

"Ito na po yung ticket niyo. Bigay niyo nalang sa nagbabantay doon sa taas." Sabi nung nag bigay ng ticket sa amin kaya tumungo kami agad sa taas. Shocks! Ang ganda talaga ng view dito!

"Kuya ito po yung ticket namin." Sabi ni Camille at binigay iyong ticket namin sa nagbabantay dito sa taas. Nung nakapasok na kami, tamang tama lang kasi bago lang lumipat sa kabilang isla yung isang lalaki. Itong zipline kasi patungong kabilang isla kaya medyo mahaba-haba.

"Mga ate, sino po yung uuna sa inyo?" Tanong nung lalaking may hawak ng helmet at belt.

"Natalia~~ Ikaw muna~~ Ikaw yung unang nagyaya eh!" Pilit ni Naomi sa'kin kaya pinipilit na 'rin ako ng iba. Pati yung nagtanong sa'min nakisama na 'rin. Aba naman!

"Aish! Oo na! Ako na mauuna!" And there! Susme! Ang gulo nila kaya naman gora na! Nung aakmang pupunta na ko sa harap ay--

"Kanina ka pa pinipilit may pa ayaw-ayaw ka pa dyan."

Napatingin ako sa lalaking.. Holy cow! Hindi yata ako na inform na model dito?!

"Pake mo?" Nakataas na kilay na sagot ko sa kanya. Aba naman! Kahit pogi 'to hindi ako magpapatalo 'no! FC!

"Wala naman." Simpleng sagot niya sa'kin. Wow naman ha?

"Tabi nga diyan!" Sabi ko at tinulaktulak siya para tumabi pero no use. Mas malakas katawan niya eh. Boys.

"Bahala ka diyan! Nauna ako dito eh." Sabi niya at nginitian ako ng nakakaloko. Aba't--!

"I'll see you again, Miss." Huling sabi niya at tinulak na siya.

"Haaayy.. What do expect from this generation? Marami na nga kasing GENTLEMAN ngayon." Sabi ko nang pabulong at pumunta sa harap.


Naomi's POV

"Oh? Nami, una na'ko ha? Goodluck!" Sabi ni Camille sa'kin at nginitian niya ko. OHMEGHED!! Gusto ko ng mag back-out! Takot ako sa heights!

"Miss? Ready na ho ba kayo?" Tanong ni Manong sa'kin.

Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ako!

"Miss? Sabi ko ready na ho ba kayo?" Ulit na tanong sa'kin ni Manong. Hindi pa din ako makapagsalita! Ghad, N! Magsalita ka!

"Miss, inu--" Hindi na natapos ni manong mangtutulak ng may nag-salita.

"Tch. Wag mo na nga pilitin kuya. Weak kasi!" At aba naman! Sino ang impaktong 'to?

"Hoy! Excuse me kuya! Hindi ako weak!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Sino ba siya? Siya ba may-ari nito? Pwes wala akong pake kung siya may-ari! Tao pa 'rin naman ako!

"Tch. Ikatatlo na sanang ulit sayo ni kuya oh. Pinigilan ko nalang kasi alam ko namang weak ka eh." Tukso niya na naman sa'kin. Edi wow.

"Psh. Ako unang sinabihan kaya ako ang mauna. Sige na kuya, ready na'ko" Lakas loob kong sabi kaya tumango nalang siya at inayos yung cable at position ko.

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Where stories live. Discover now