Chapter 9: Cutting

306 13 4
                                    

A/N: Natapos ko na mag edit ng chapters. Scan niyo nalang ang mga binago ko! Ahihi! Sorry for the typo! Triny kong mag update kahapon since anniversary ko sa wattpad like kahapon lang. And kasabay din nun na NAGING 1K NA YUNG VOTES! HUHUHU! I'm so happpyyy! Keep supporting and stay tuned! More surprises to come! Ahihihi! Enjoy reading! HAPPY 31.6K READERS AND 1K VOTES!

Teen Clash Princesses Vs. The Kings

By VioletLoverForever

Since 2014

~~~~

Sunny's POV

Gah! Sa wakas! Natapos ko na 'din yung project namin! Lesheng mga nerds to! Matalino nga hindi naman tumutulong sa mga gawain! Aba naman. Swerte nila at kasama nila ako sa pisteng Physic's Concept! Seryoso, wag puro aral lang.

Tumayo ako sa silya ko at lumapit kela Camille. Mabuti pa mga kasama nila sa group, mga masisipag.

"Cams! Samahan mo ko sa canteen puh-leaseee!" At syempre bilang Sunny, nag pa-cute ako. Ahue~

"Eh saan ba?" Tanong niya habang gumuguhit 'dun sa papel na siguro naka-assign sa kanya.

"Sa cafeteria lang naman. Nagugutom ako~" Sabi ko sabay hawak ng tyan ko. Huhuhu, Mr. Stomach wag kang bibitaw. Ilang minuto pupunta na 'rin tayo at kakain.

"Ayaw. May ginagawa pa ko. Tanungin mo sila Naomi at baka tapos na 'rin sila." Wala na kong nagawa at ako nalang pupunta mag-isa sa cafeteria. Ayoko namang istorbohin sila sa ginagawa nila. Si Natalia kasama 'rin mga groupo niya, si Camille ayun rejected 'rin ako, si Naomi alam ko naman na busy na siya dahil malapit na yung Quiz Bee contest at si Steph naman hindi ko makita. Baka nandun na naman siya tumatambay sa locker room nila. Hayst.

Nang makarating ako dito sa cafeteria ay walang tao. Class hours kasi pero di naman ako nag cu-cutting ah! Sabi nung guro namin sa Physics na tapusin yung concept namin tas pwede na daw gawin ang mga gustong gawin basta ba nakatapos na kayo. 

"Ate, isang C2 nga po. Yung lemon lang." Sabi ko tas tumango lang si Ate at hinintay ko siya.

Habang naghihintay ako dito, akala ko ako lang yung nandito pero yung feeling na nandito 'rin yung crush mo? UWAH!

"Iha? Ito na yung C2 mo." Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakalabit ni Ate. Omo~ nakakahiya! 

"Ay! Hehehe! Sorry po." Paumanhin ko at nagbayad. Tumawa naman siya sakin.

"Nako, Iha! Crush mo siguro iyang si ser 'no?" Tukso sakin ni Ate. Huhuhu! Wag mo kong tuksuhin Ate! Kenekeleg ako!

"A-ah h-hindi po! Nagtataka lang po ako kung bakit nandito siya eh class hours pa naman po." Deny pa more, Sunny! Hindi ka naman masyadong obvious ano?

"Kanina pa siya nandito, Iha. Hindi ko nga 'rin alam pero mabuti at hindi siya nakita ng isang admin ng paaralang ito. Kilala mo ba siya, Iha?" OO ATE! CRUSH KO NGA 'YAN EH! 

"Ay opo. Sige po. Puntahan ko lang po siya." Tumango naman si Ate at naglakad na ko papunta sa kanya. Okay. Kalma, Sunny. Kalma.

"Nandito ka yata, Hapon?" SHET SUNNY. WHAT IS KALMA?! 

Napatingn siya sa'kin at mukhang nagulat pa yata. Nagugulat pa pala ang isang 'to?

"Pake mo?" Kahit ang cold ng boses mo, 'bat bumabagay naman sa aura mo? Huhuhu piste kasi! 'Bat mo kasi yun ginawa sakin nung Intramurals?! Madali pa naman ako magkagusto!

Bakit kasi ang pogi mo?

Nagulat ako ng biglang siyang napatingin sakin. Eh?

"Oh? Problema mo diyan?" Tanong ko sa kanya. Ilang minuto niya pa ko tinignan at umiwas naman siya agad ng tingin at biglang tumayo. Aalis na siya?!

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ