Chapter 7: Guni-guni

1K 30 14
                                    


Naomi's POV

Time flies so fast at back to school na. It's monday morning and our subject for today is History. I suddenly want to sing the the song History from One Direction though. But kidding, mahiyain po ako!

Habang kumokopya ako ng notes ay may biglang may nag landing na crampled paper sa mesa ko. Kinuha ko yun at tumingin sa paligid at nakita kong nakatingin si Camille sakin. Ang tingin na nag sasabing 'Buksan mo!'  kaya tumango ako at binuksan yung papel.

'N! Gusto mo sumama mamaya sa mall? Mag sho-shopping kami nina Natalia at Sunny.'

'Shopping? Na naman? Noong nakaraang araw nag shopping din kayo ah? And how about Stephany?' Sulat ko pabalik at patagong hinagis ulit yung papel at ilang minuto ay may nag landing ulit. Buti nalang nakatalikod yung guro samin since nag susulat siya sa pisara.

'Hayaan mo na since ang ang boring naman ngayon. As for Stephany, alam mo namang may upcoming games siya diba? Kaya kailangan mag practice ang isang yun. So ano na?  Sasama ka?'

'Nope! May babasahin pa kasi ako sa library  since ilang months nalang din yung Quiz Bee kaya sa susunod nalang ako sasama =)'

At matapos nun ay hindi na ako nakatanggap ng papel. Naiintidihan niya naman siguro ako.

Matapos ang dalawang subject ay sa wakas! Ang paboritong subject ng lahat. RECESS

Nung nasa canteen na kami, syempre pinagtitinginan na naman ulit kami. Hindi ko alam pero hindi pa din talaga ako sanay. Ang awkward kasi. Alam niyo yung feeling kahit saan ka pumunta ay pinagtitinginan ka? Mygawd! Parang ang creepy lang dahil binabantayan nila bawat kilos mo!

"Ano kaya ang magandang kainin ngayon? Hamburger? Pizza? Salad? Or what?" Tanong ni Stephany sa kanyang sarili. "Akala ko diet mo ngayon dahil papalapit na games mo?" Tanong naman pabalik sa kanya ni Natalia. "Hayaan mo na. Minsan lang naman 'to eh. Hehehe" Sabi na nga ba. Wala talagang halaga ang salitang DIET!

"Sus! Minsan lang daw! Kahapon nga kain ka ng kain ng ice cream tapos biglang sisigaw tapos susubo ulit! Juice colored! Bakit kaya naging kaibigan kita?" Pabirong tanong naman ni Camille sa sarili kaya nabatukan naman siya ni Steph. Dalawang 'to talaga. Umagang-umaga nagbabangayan na. 

"Makapagsalita 'to akala mo di rin baliw! Aba! Baka gusto mo ipagkalat ko yung vid--!" Di na naituloy ni Steph ang sabihin dahil biglang tinakpan ni Camille ang bibig niya kaya napatawa nalang kami nina Natalia at Sunny.

"Tama na nga yan. Mag order nalang muna tayo." Sabi naman ni Sunny kaya sinunod namin sya. Inutusan nila akong ako nalang daw ang mag hahanap ng mauupuan namin kaya naman pumayag nalang din ako. Nakakapagod pumila dun eh.

Ng makahanap ako ay umupo ako at hinintay silang makarating. Hm.. Bakit kaya ang kati-kati ng  mga palad ko? Noong nakaraang araw pa 'to ah! Wala naman akong kinaing masama. Lahat ng kinakain ko ay chinicheck ko muna kung okay ba ito o hindi. Mabuti ng ligtas kesa sa hindi.

Habang nag-iisip ako ay napatigil ako ng biglang parang may sparks o maliliit na stars ang kumawala sa palad ng kamay ko. Hindi siya madami pero parang isang scoop ng isang maliit na maliit na cup na hinagis bigla sa ere. What the--? Totoo ba yun? O guni-guni ko lang? Pinagmasdan ko ng maigi ang palad ko ng dumating sila Natalia.

"Oh? Ano tinitignan mo dyan?" Tanong sa akin ni Steph kaya umayos ako ng upo at binewala nalang. Baka guni-guni ko lang yun. Nako! Nababaliw na ba ako?

"A-ah! Wala, wala! Wag mo na akong pansinin. Gutom lang talaga ako." Saka ako ngumiti at parang naniwala naman sila kaya naman kumakain na kami habang nag kwekwentuhan at bumalik na sa klase.

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon