CHAPTER ELEVEN

86 8 6
                                    

"Your lovelife was dead in the water kaya huwag ka na mag-aksaya ng oras sa kaniya. Akala mo naman i-c-crush back ka non ni Prof!" Tarantadong Reign 'to! Parang hindi kaklase kung payo ah.

"Shut your foul mouth off, Ulan! Aga aga mong mangbwisit!" Letche talaga ang isang 'to kapag nakakasagap ng chismis eh. Imbis na I-cmfort ako ayon pinapasama pa ang loob ko.

Kawawa naman ang magandang ako! Mahal na mahal ni tarantadong kupido na hindi mapagbigyan na magkalovelife ulit!

Choss!

Laplapin kita diyan Ma'am--- Oopps! Bastos ang king inang keyboard 'to!

Sorry na po Ama! Magsisimba po ako sa susunod na linggo.

Hindi ko na pinansin si Reign sa pang-aasar niya. Isinalampak ko na lamang ang sarili ko sa upuan. Nasa General Hall kami ngayon may meeting ang lahat ng 4th year students for internship sa susunod na buwan.

Im not ready para sa internship namin. Gusto ko pa muna lumandi kay Ma'am Luis kaysa mag-intern.

Sa ngalan ng langit, ng lupa, ni San Pedro at ni Satanas bigyan mo ako ng sangkatutak na kalandian at dakilang kupido pakipana ang nagyeyelong puso ni Miss Calli, Amen. Dalangin ko sa mga santo habang nakapikit at ipinatong sa mahabang mesa ang aking ulo. Inaantok ako eh.

Napaaga ang dating namin ni Reign dito sa University, wala pa yung ibang kaklase namin at ang ibang section. Kinuha ko ang phone at airpods ko sa bag at tsaka nagpatugtog.

While searching on Spotify kung anong papakinggan tsaka naman unti unting umingay ang hall sign na nandiyan na ang iba.

Now playing - Until Do Us Part
By Christian Yang.

Hey, it's been years
We've been friends for so long but there's something you don't know
Something inside me that I've been keeping for quite some time now

Ipinikit kong muli ang aking mga mata matapos kong i-off ang phone ko. Ang bigat bigla ng mga mata ko para bang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Paano puro ka harot at landi kagabi! Hindi ka pa rin naman crush ng propesora mo. Sabat bigla ng isipan ko. Tila pinagtaksilan nito ang sarili ko. Napakunot ang noo ko sa naisip.

I'm too afraid to say it out loud
Cause it might change the way we are
But if I keep this to myself I know that it's no good so

Yeah, that's right. It might change the way we are kahit wala naman tayong closeness ng nakaraan. Tss lintik naman kasi eh! It went me crazy that time nung hindi ko pa sayo inaamin Miss-Ma'am. I really wanted to tell you how my feelings before lalo na nung time na narealize kong I deserve to let it out... But you rejected me. Sino nga naman kasi ako para i-accept yung nararamdam ko, eh dihamak na student niya lang naman ako tapos professor ko siya. Tss.

I'm just gonna wing it I'm not gonna keep it to myself
So listen up and hear me cause I'm only gonna say it once

You already know it Miss-Ma'am. You already know it.... Hindi ko na yon uulitin pa sayo. Gaya ng liriko sa kantang pinapakinggan ko. Dapat nakinig kang mabuti n'on kasi isang beses ko lang aaminin sayo kung anong nararamdaman ko para sayo.

Well... You listened very well naman... Narinig mong maigi at naintindihan din siguro. Nareject mo nga ako eh!

Galing! Potek!

I want to wake up next to you
I want to spend all my life with you and you alone
I want to be the one that you can lean on for the rest of your life

Twenty Minutes Of SummerWhere stories live. Discover now