"Gail.." Narinig kong bulong nya sa kabilang tenga ko.Napamulat ako, ni umiwas ako ng tingin ng makita ang mapang akit nyang mata, para akong nalulunod. Para akong tanga. Sa susunod siguro ay hahanap hanapin ko na ang presensiya nya. Ang halik at pagmamahal nya.
"Bakit?" Inosenteng tanong ko sakanya. Ngayon ko lang na realize na nasa pader na pala ako na parang nakaipit sa pagitan ng lalaking to. Natutunaw ako, ang umiinit ang pakiramdam ko.
"Bakit nga?" Natatawang tanong ko. Dinaan ko sa biro, di pa din nagsisink in sakin ang nangyari. Ngiting ngiti naman ang gago kaya hindi ko din maiwasang matawa sa inasta nya. Para syang mamatay na tao eh. Tingin nya palang tingin ko mabubuwag na ang ovary ko at bigla na lang mabubuntis basta basta dahil sa mga titig nya. Sobra ting nakakatunaw, manghihinayang ka kung hindi ka titig sa mga tingin nya.
"Wala.. " ako na agad ang umiwas ng tingin.
"..Mas okey kung sa kwarto ka na magbihis, baka mapahiga ka pa dito" dugtong nya pa. Natutuyo ang laway ko, ang dila ko ay ni ayaw magsalita. Di ko alam kung anong sasabihin. Nakakakaba.
"Aah" sagot ko na lang.
*end of conversation*
Napamura na lang ako sa isipan. Isang mahabang katahimikan ang naganap bago ko nanaman makita ang ngiti nya.
"Ah! Wag ka ngang ngumiti" naiiritang sabi ko sakanya sabay tulak sa may bandang dibdib nya na kanina ko pang hawak hawak.
Nakakairita diba. Ang init ko ngayon.
"San ka pupunta?" Tanong nya ng talikuran ko sya.
"Magbibihis na"simpleng sagot ko sakanya. Ayoko ko syang lingunin baka ako na mismo ang umakto bilang lalaki, baka ako na ang gumawa ng first move. Baka ako na ang maunang mangrape, mang akit at--
Shit! Bakit din ba ako ngumingiti? May problema na yata ako sa buhay kaya ko nagagawa to.
"Kunyari na lang di kita nakikitang kinilig. Kunyari na lang hindi." Natatawang banggit nya sakin.
Mabilis ko syang inirapan dala ng pakairita.
Inalis ko ang na ang manipis na kurtina dito para makaalis ako sa banyo. Ramdam ko namang sumunod sya sakin kaya nagpatuloy lang ako papuntang kwarto.
Buti na lang at nakabalot pa sakin ang pulang tuwalya na naibalot ko pa sa katawan ko bago sya lumitaw sa likod ko kanina.
Baka na rape na nya ako ngayon kung hindi.
"Wag kang pumasok ano ba!" Pagpupumilit ko sakanya tsaka hinila ang lalaylayan ng sleeves nya palabas ng kwarto.
Abnormal yata to eh. Pinapagbihis ako tapos susunod! Bulyaw ko sa isip ko.
"Tutulungan na nga kita, ayaw mo ba?" Sabi nya pa habang naka pose pa sa haligi ng bahay.
"Alis na" pagpupumilit ko sakanya habang naka pameywang.
Nakarinig lang ako ng mahinang tawa galing sakanya bago ko marinig na magsarado ang pintuang gusto ko ng magsara. Nakahinga papano ang ko ng maluwag, mabuti naman at napapayag ko na syang lubayan muna ako.
Mabilis akong kumuha ng mga damit sa loob ng drawer naming dalawa. Mahabang pajama, para di nya mahawakan legs ko mamaya at isang plain tshirt na kulay pink. Di ko na sinuot ung kulay pulang mga pinapasuot nya sakin.
Baka nasuotan na yun ng kalandian nya eh. Sipain ko sya eh. Napangiwi ako sa naisip ko, unang tingin ko pa lamang kay Kleigh ay alam ko ng may pagkamanyak sya kaya impossibleng ako ang una nyang minahal. Napaka imposible naman ata nun.
BINABASA MO ANG
Chase her Innocence
Vampire"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."