Chapter 9

15K 412 2
                                    

"Hindi naman ako natutulog eh" sagot nya pa sakin habang nakapikit at nagsasalita pa rin sa kama habang ako ay nakasandal lang sa pader at pinapanood syang magsasalita ng parang ewan.

Pinigilan ko na lang ang tawa ko ng makita kong nakapikit na sya sa kama habang naka kunot ang noo. Agad agaran kong kinuha ang cellphone ko at pinicturan ang nakabusangot nyang mukha.

Para syang hot na sobrang sungit.

"Ang sungit pa din ng mukha mo oh!" Bulong ko habang medyo natatawa sa pagkuha ng litrato nya. Nakakunot ba naman kasi ang noo.

Sino bang hindi masusungitan sa lalaking yan.

Umupo na ako sa kama habang tinitignan ang noo nya na may konting pawis pa. Napakapeaceful na ng mukha nya kahit na may amoy alak dito sa kwarto. Medyo itinaas ko ang pwesto nya at naglagay ng unan sa may bandang uluhan nya.

"Uuy.." Bulong ko at ginilid ang ilang hibla ng buhok nya na sadyang nakaharang sa mukha nya.

Hinawakan ko ang malalambot nyang pisngi habang nakatingin sa perpektong mukha nya. Halintulad na dito ang pagkakabisado ko ng mukha nya. Mga detalye kung bakit naging ganito ka gwapo ang nilalang na ito.

"Mahal din kita" bulong ko pa sakanya. Yes! Nasabi ko din. Sya kasi ang sabi ng sabi nun habang ako tumatango lang. Kawawa naman tong ugok na ito kung di ko sasabihan ng ganun.

Medyo na kaawang pa ang pesteng labi ng lalaking to.

wala naman sigurong masama noh.

Ah! Bad gail! Baaaad!

Inilapit ko ang mukha ko sakanya at muling kinabisado ang mukha nya. Kung tutuusin mukha na yata akong rapist dito.

Nakangiting pinikit ko ang mata ko. Aba! Eh sa kinikilig ang lola nyo!

*tsup*

"Pfft. Huli ka!" Natatawang sabi nya at napaupo pa sa kama habang tinatawanan ako ng unggoy na yan.

"Akala ko tulog ka na" pag iiba ko agad ng usapan. Oh, kita nyo kung gano ako ka sutil ano!? Playing safe.

"Hindi nga ako natutulog..."

Nakangisi sya. Peste!

"Wag ka ngang ganyan" naiiritang sabi ko sakanya tsaka kunwari'y nag aayos ng latag ng higaan. Ayokong nakikita yang lintik na ngising yan.

"Si gail~~*sundot tagiliran*"

"ANO!?" Pinandilatan ko pa sya ng mata ng mapalingon ako sakanya. Bakas sa mukha nya na natatawa parin ang gago.

"May balak kang masama sakin noh" natatawang sabi nya sabay yakap sa sarili. Pati ako natawa sa inasta nya. Ah! Mukhang lasing pa nga sya. Nakakainis!

"Parang kang bakla" sabi ko habang pinapalawak ang kumot na hawak ko. Gusto ko na ding matulog pero sadyang pinapatawa ako ng lalaking to.

"Di ako bakla" sagot nya at umayos ng upo. Natatawa pa rin ako sa nasaksihan ko kanina kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko ng mahiga na ako kasama tong kumot.

Ng makahiga ako nakita ko pa rin syang nakaupo sa kama at nakabusangot ang mukha. Napatawa tuloy ulit ako ng mahina.

"Iniisip mo bang bakla ako,Gail?" Nakabusangot parin ang mukha nya. Di ko na lang pinansin ang tanong nya, baka kung anong masabi ko.

Pinatay ko na lang ang lampshade na katabi ko at isa na lang ang natirang liwanag malapit sa lampshade na katabi nya. Kanina pa nakapatay ang ilaw na nasa kisame kaya ang mga lampshade lang kanina ang nagsisilbing liwanag para samin.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon