>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>vote muna! Uy! XD
"Fvck! Diba sabi ko sainyo bantayan nyo Si Danzell! Walang kwenta mga p*ta" Sumabog na ang lalaking kanina pa nagpipigil ng galit ng libutin na nya ang buong mansion para hanapin ang batang babaeng si Danzell.
Hindi mabilis ang pasensya ni Leigh pero kung para sa malaking bagay na ito kung saan damay ang anak nya ay ibang usapan na. Makakagawa sya ng bagay na hindi napapag isipan. Nagkakaroon na ang isipan nya ng mga maling desisyon.
"Hanapin nyo sya, walang titigil" nasabi na lang ni Leigh sa sampo ng mga tauhan nya na kanina pa hinahanap si Danzell sa mga possibleng lugar na pwedeng makita ang bata.
Walang ano ano'y mabilis na tinungo ni Leigh ang mansion kung saan kinabibilangan ni Miara. Malakas ang kutob nya na si Miara lang ang makakagawa ng bagay na yun, lalo na't magkalaban na sila sa mga oras na ito.
Matahimik pa ang kalakhan ng bahay ng mapadating sya ng maayos sa bahay ni Miara. Tulad ng inaasahan ang ilang mga tagapag lingkod na bampira ang nakasalubong nya. Mga maid o kung ano pa ang meron sa bahay na ito.
"Leigh" nasabi na lang ng isang boses sa may bandang likod ng binata dahilan para hindi nya mapasok ang silid ng dalaga na wala naman talaga sa silid sa loob.
"Bakit?" Tanong agad ni Travis ng makita sya sa bahay ng kasintahan ang isang kaibigan na ngayo'y naging isang kaaway na.
"Nasan si Miara?" Kalmadong sabi ni Leigh. Pinipigilang sumabog ang kakaibang emosyon na maaring makapatay ng isang lapastangan na nasa harap nya.
"Inutusan ko lang"
Napangiti na lang ang Binatang si Leigh ng lagPasan lang sya ni Travis papunta sa silid ng dalagang si Miara na malapit lang sa pwesto nya.
"Isa kang tanga" nakangising sabi ni Leigh ng mapasok ang malaking silid ng dalagang si Miara. Napaupo na lang si Travis sa sinabi ng matalik na kaibigan nya noon na ngayo'y nagsasabi na lang ng kakaibang salita sakanya.
"Lapastangan at walang alam.." Dugtong pa ni Leigh na nakapag pa pula ng mata ni Travis. Nagpipigil ng galit ang binata sa sinasabi ng dating kaibigan.
"Akala ko ba wala kang gagawin sakanya ng makita mo syang walang malay? Ano sa tingin mo ang kagaguhang ginagawa mo?" May halong pang aasar pa ang boses ni Leigh habang walang emosyong tinitignan ang mukha ni Travis.
Tukoy tukoy ng binata ng makita na lang nya sa daan ang babaeng nanghiram pa kay Weine na nakakaakit sakanya. Alam nilang pareho na gustong gusto ng isa sakanila ang makakuha ng babaeng yun. Gustong gusto ngang makuha ni Travis ang babaeng si Gail.
Kasalanan ba nyang mahulog na ang loob nya sa babaeng yun? Inalagaan nya ang babaeng si Gail habang lumuluha sa daan gawa gawa ni Kleigh.
Ang araw kung kailan hindi sya nanabik sa dugo na nasa leeg pa ng dalaga habang umiiyak pa sa daan, pinagaling at inalagaan habang ang diwa ay nasa lalaking nanakit pa sakanya nung araw na yun. Walang iba kundi Si Kleigh na ninais makatikim ng dugo sa dalaga.
"Di mo ko masisi" naiinis na sabi ng binata na may matalim na tingin sa lalaking nasa harap nya.
Tumalikod na lang ang lalaking si Leigh. Pag aaksaya sa oras ang makausap ang isang tanga. Mas mabuti pang hanapin ang anak nya kahit na may kinalaman ang lalaking iniwanan nya sa silid ng babaeng kumuha sa anak nya.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
SHEREINA GAIL TAMONTE POVNanginginig pa ang kamay ko habang umaandar ng mabilis ang kotse papunta sa bahay ni Danzell. Sabi pa daw ni Kleigh, nawawala pa daw ang batang yun.
BINABASA MO ANG
Chase her Innocence
Vampire"He owns me with a touch of a lover but his eyes hides the lie of what he truly is... a monster."