Chapter 21

6.7K 189 7
                                    




   *few days later*

"Pfft.. Di naman talaga ako natutulog eh" sumandal sya sa pader dito, at parang tangang sumunod ako sakanya,. Nakakatakot kaya makakita ng itim na kabaong. Wala naman akong nakikitang ganyan eh. Puro white lang ang palagiang nakikita ko.

Kulay pula lahat ng pader. May ilang kulay itim din naman.

"Anong hindi? Nakahi--"

"Isang buwan akong matulog.. Pero pwede ding abutin ng taon."

Grabe naman.

"Kaya nga di ako natutulog eh" sabi nya sabay ngisi at tumingin pa sakin.

"..anong hindi?"

Oo ako ng slow.

"Syempre kaylangan kasama ko asawa ko" paliwanag nya tsaka ngumiti.

Asawa mo mukha mo.

"Kaya pala bastos ka parati tuwing gabi.." Pabalang na tugon ko sakanya nakarinig naman ako ng mahinang tawa kasabay ng paghila ng bewang ko papunta sakanya at ang paglapat nanaman muli ng labi nya sakin.

"Gail" madiing sabi ni kleigh na makikita mong nagpipigil ng galit kay Gail na mabilis na nagpupunta sa kwarto. Hindi manlang lumilingon kay Kleigh na sumusunod sakanya sa oras na ito. Agad syang humiga sa kama para maiwasang magtanong ang binata sakanya.

Ayaw nyang kausapin ang binata dahil alam nyang iiwan sya nito. Kung hindi buwan, taon naman. Matutulog para makakuha ng lakas, walang alam si Gail sa nangyayari.

Hindi nya alam na ang hindi pagtulog ng matagal ni Kleigh ang ikakababagsak nya,.

Nanghihina na sya, ito ang iba pa nyang kailangan bukod sa pag inom ng dugo.

Magagapi sya ng ibang kaaway kung hindi.

"Gail kausapin mo nga ako" naramdaman na lang nya na medyo gumalaw ang kama, nakatalikod ito sa kama habang balot na balot na makapal na kumot.

"Uy.." Naramdaman pa ng dalaga ang pag ugoy ni kleigh sa balikat nya. Masakit sakanya na maiiwan nanaman sya, na aalis pa si Kleigh sa tabi nya.

Andami ng nawala sakanya kahit hindi nya naging ka close. Ang kapatid ni Kleigh, ang tatay nito maging si Danzell ay nawala pa.

Tapos isama pa tong si Kleigh na gusto ding mawala ng ilang buwan.

"Kung ayaw mo naman, di ko na lang itutuloy. Saglit lang naman eh" pagpapaliwanag pa ni Kleigh habang naka upo sa kama at nakatingin sa kumot na binalot ni Gail sakanya.

Ayaw man nya, pero kailangan eh.

"P*ta. Anong saglit ka dyan? 3 buwan ka lang naman matutulog. Anong problema dun? Edi matulog ka! Wag ka nang magising, peste ka!" Nayayamot na sabi nito.

Napangiwi na lang si Kleigh. Ilang araw ang nagdaan at pa iba iba ang ugali ni Gail. Minsan nagiging mabait at amazona kung hindi nagawa ang gusto. Minsan pa ay nanahimik.

"Gail naman" malambing na saad ni Kleigh tsaka yinakap ang kasinatahan. Nakatanggap lang sya ng paniniko dito tsaka isang malakas na sigaw.

"Wag mo nga akong ma gail gail dyan! Sapak you want?!"

Agad na napaupo muli si Kleigh sa kama tsaka tinignan si Gail na naka side view pa din. Naka pout ito na parang bata pero parang matanda na kung manigaw at mag dikta.

Napakunot na lang ulo ni Kleigh ng may makitang isang pack ng marshmallows sa kinauupuan nya ngayon. Wala na tong laman tulad ng inaasahan nya.

Ewan nya pero nakahiligan na ni Gail ang pagkain niyo kahit na hindi nya ito hilig. Bukod sa malambot kasi parang wala pang lasa ang iba pero nag iba na yata ang pananaw ni Gail sa marshmallow.

Chase her InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon