Chapter 2: As It Grows

8.9K 318 47
                                    

TW: Mentions of panic attacks, anxiety, and stress.


September


Boring. This part is too cringey to read. Corny naman ng scene na 'to. Erase. Erase. Erase.


I am writing a novel in a queer genre and with a theme of a tragic romance. It's a story about Miles, a gay character who went for a vacation trip in a province where the person who adopted him grew up. Being a stranger to the family, he felt unwelcomed, but there he met Lewis, a guy who is very mysterious to him and caught his attention. There's a growing tension between these two conflicting characters together with all the problems and traumas they had before. But this whole summer, they get to know each other and find out that they aren't so different at all.


I finished plotting halfway through the book. Now I am writing four chapters of it, but I'm already stuck. And I have no title yet.


Hindi ko maitatanggi na talaga ngang burnout na ako. Sa mga ganitong pagkakataon, gugustuhin ko na lamang na mahiga at matulog sa aking kama, pero dahil may naghihintay na mga school works, kailangan ko munang gawin ito.


Whenever I am having this slight panic attack because of stress, anxiety and tiresomeness, I overthink a lot. Most of the time, I question my overall existence and my life itself to be exact. Am I really a good writer? Or do I really mean something to my readers? Or if my story isn't good enough for them? But with hundreds of question from my mind, none of these are answered.


Lumabas na lang ako ng aking kuwarto suot ang aking oversized shirt at sweatpants. Inilagay ko naman sa aking tote bag ang tumbler at ang isang Jane Austen book na kasalukyang kong binabasa. Napagpasiyahan ko na pumunta na lamang sa park at doon magpalipas nang oras. Hapon na at medyo marami ring tao. Umikot muna ako gamit ang aking bisikleta para makakuha ng maaliwalas na hangin.


Pagkatapos kong i-lock ang kadena ng aking bike, dimeretso na ako sa parke para maghanap ng bench na pupuwede kong upunan. Dahil walang bakanteng upuan, naghanap na lang ako ng kalapit na puno kung saan may masasandalan ako, pagkatapos ay inilabas ko na ang aking headpones at libro saka nagpatuloy na sa pagbabasa.


This became my nice routine whenever I am experiencing mental crisis. It isn't easy, and it will never be, so I tend to remind myself to take it slow. Though most of the time, I really can't.


My phone suddenly rings from receiving a call. Sinagot ko naman ito kasabay ng aking paglunok para linawin ang aking boses. Napatawag si Mama para kamustahin ako. Pinadalhan niya na rin ako ng allowance para sa susunod na buwan, at ganoon din si Papa.


[Kapag hindi ka busy sa school, bumisita ka rito.] sabi niya bago ko tinapos ang tawag.


Pagkatapos, nagpatuloy ulit ako sa pagbabasa. Inabot na ako ng dilim sa daan bago ako makarating sa apartment. Sa pag-akyat ko papunta sa third floor, nakasalubong ko si Tita Alicia.


"Mabuti nandito ka na, Mauv," masiglang pagbati niya, "may delivery ka kanina, kaso ako na ang tumanggap," pagpapaliwanag niya. Sinundan ko naman siya papunta sa kanilang kuwarto.


Nagtaka ako kung saan galing ang package, at saka ko na lamang nabasa ang message sa phone ko na galing pala ito kay Timothee. Pinahiraman ko nga pala siya ng ibang mga libro bago siya umuwi noon sa kanilang probinsya.


"May kabigatan ito, ano ba ang laman nito?" itinulak na lang ni Tita Alicia ang kahon na nasa sahig mula sa pinto.


Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now