Chapter 17: Hard Decisions

2.9K 121 11
                                    

November


A part of me want to shift into a new course and apply to another university. Matagal ko ng pinag-iisipan ang tungkol dito, pero hindi ko alam kung papaano sisimulan. Anong dapat kong sabihin sa parents ko? Tama ba ito? Practical nga ba talaga ang magiging desisyon ko?


I sent a request form of application to the same university that I applied to. I also applied to their scholarship offers. But, I am not really expecting anything, not only if I finally decide to choose this path.


"Sunduin na lang kita bukas," pagbibilin ni Cael sa akin. Mayroon kasi kaming friend's night out ngayon dahil nag-aaya si Lara. Hindi na sana ako sasama, pero pinilit ako nila Eli.


"Bukas, after lunch," sambit ko sa kaniya. Halos isang araw niya lang akong hindi makikita pero kung makadikit na siya ay parang mawawala na ako. "Nakapag-apply ka na ba?" tanong ko habang namimili ng dadalhin kong damit. Sa beach house rin kasi kami tutuloy.


"Oo, nakapagpasa na ako ng mga papers, hintayin ko na lang email nila," sagot niya. Napagdesisyonan niya na mag-apply sa kabilang city para sa napili niyang course.


A part of me envy Cael, though not in a bad way. I appreciate how his parents accepted him and allowed him to choose the path that he likes. Samantalang ako, hindi ko man lang magawang sabihin sa kanila ang gusto kong gawin sa buhay.


Hinatid ako ni Cael sa beach house na nasakay sa kaniyang bike. Before I let him leave, I gave him a hug and kisses. He pouted like a little puppy, making me stay for minutes because of how irresistible he is. When I entered the manor, I could already hear the music from the living area. Wala kasi ang parents ni Lara, mukhang nasa out of town, kaya sinusulit niya na ang mag-invite sa amin.


Nasa pool silang lahat, busy si Eli at Zee sa barbeque station, si Sol at Lexi naman ay kakaahon lang sa tubig, at nakababad pa rin si Chin at Lara. "Halika na dito!" pag-aaya ni Chin sa akin sa tubig.


"Mamaya na ako," sagot ko naman. Pumunta ako kanila Eli para tulungan sila sa pag-iihaw. Nagpapak naman ako nito ng kaunti, at nawalan din ng gana pagkatapos ng tatlong stick ng barbeque.


Umalis naman si Zee at sumulong ulit sa tubig, habang naiwan kaming dalawa ni Eli. "Nasabi mo na sa parents mo?" pabulong niyang itinanong.


"Hindi pa," maikli kong sagot. Nagkausap kami ni Eli tungkol sa pagshi-shift ko ng course. Sinabi ko rin sa kaniya na ayaw ko talagang mag-abogado. Hindi ito 'yung nararamdaman ko at gusto kong gawin sa buhay ko.


"Mm... Si Cael? Nasabi mo na?" tanong niya ulit. Hindi ako kaagad nakasagot. I feel guilty that I am hiding something like this for Cael. He is really genuine whenever I am having a problem, but with this, I think it's much for him to take care of me this time. Saka, excited na siya sa darating niya course, ayoko namang sirain 'yon.


"Hindi pa," I answered honestly. Maliban kay Cael, hindi ko rin nasasabihin ang mga kaibigan ko ng ganito, pero gusto kong malaman ito ni Eli. Hindi naman sa hindi nila ako naiintindihan, pero alam ko kasing si Eli ang mahinahong tao na malalapitan ko sa mga ganitong bagay.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now