Chapter 8

1.5K 90 17
                                    

Marahas kong binaling ang aking ulo kay Leah at sinamaan siya ng tingin. Agad naman siyang napatakip sa bibig niya upang pigilan ang namumuong ngiti.

"Stop smiling, will you?" Naiirita kong usal.

Agad naman siyang napayuko ngunit nandoon pa rin ang nakakalokong ngiti sa labi niyang ang sarap tapyasin gamit ang patalim.

"I'm sorry, my lady, but I can't help it every time I remember what happened earlier---"

"S-Shut up!" Pagpuputol ko sa sinasabi niya. Pakiramdam ko uminit ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina na siyang nadatnan niya. Dahilan para asarin niya ako sa pamamagitan ng nakakalokong ngiti.

"Alright, my lady."

Hindi ko na lamang siya pinansin at mabilis na tumalikod bago lumakad. Nauna na akong lumabas ng kwarto. Naramdaman ko naman siyang sumunod sa akin na nasa likod.

Palihim akong napabuga ng hangin. Pinigilan kong matampal ang aking noo nang muling maalala ang sinabi ni Leah kanina matapos kong magising mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Wala pang ilang minuto matapos kong kiligin dahil nasa harapan ko si Tyler, nang magising ako. Ramdam ko ang kamay na mahina akong tinatapik na tila ginigising.

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita si Leah na siyang bumungad sa paningin ko na may nag-aalalang tingin. Napakusot-kusot muna ako ng mata bago bumangon. Saka ko siya binigyan ng nagtatakang tingin.

"Are you okay, my lady?"

"Huh?"

"You are mumbling something while you are sleeping, my lady. Are you okay?" Pag-uulit niyang tanong sa huli.

Mumbling?

Ngunit nang maalala ang panaginip ko ay agad akong napasinghap dahilan para magulat at mapaatras si Leah. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. Iyong tipong lalabas na ang eyeballs ko.

"Anong sinasabi ko?!" Paghy-hysterical ko.

"I don't understand but one things clearly, my lady, you mentioned a name."

"N-Name? A-Anong name?"

"The name of the Pendleton family's eldest son and heir, my lady. It's young lord Tyler."

"A-Anong pang sinabi ko? D-Did I do something? What?"

Bahagyang pumiling patagilid ang ulo niya at napakamot sa gilid ng noo habang ang mga mata naman niya'y napasingkit na tila nagdadalawang-isip kung dapat ba niyang sabihin ang nakita at narinig o hindi.

Binigyan ko siya ng determinadong tingin para ipakita na gusto ko talagang malaman ang pinaggagagawa ko. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang ipalikot ang mata sa paligid.

Nakikita ko na rin ang labi niyang nagbabalak na umangat ang bawat sulok na para bang gustong ngumiti pero pinipigilan lang.

"Uhh... You're making strange faces, Lady Katniss. You're pouting your lips as if you were kissing someone."

At matapos non, bigla na lang akong napatulala habang bahagyang nakaawang ang labi dahil sa sobrang hindi makapaniwala na ginawa ko ang bagay na 'yon habang tulog ako.

Ang malala pa don ay may binaggit akong pangalan! Ugh! Kaya nga ngayon itong si Leah ay hindi magkamayaw sa pagngiti dahil sa nasaksihan.

Nag-alala daw siya dahil habang kumakatok siya sa pinto at tinatawag ako, hindi ako sumasagot. Baka daw kung ano na ang nangyari sa akin kaya agad na siyang pumasok. Na-trauma ata sa sunod-sunod na nangyari sa'kin.

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon