Chapter 11

1.4K 68 27
                                    

"Where have you been, Katniss?"

"Glad to know that you're finally here. Akala namin ay ipapahanap ka pa namin sa mga knights."

"Mabuti naman at umuwi ka pa."

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng Haven's Palace ay sinalubong na agad ako ng tatlong lalaki na puro tanong.

Una si Kaiser, sumunod sa kaniya si Kaiden at panghuli naman ay walang iba kundi ang panganay na si Kairos. Nandito rin si Catherine na walang ibang ginawa kung hindi ang samaan ako ng tingin. Kulang na lang ay balatan niya ako ng buhay gamit ang dalawang mata niya.

Isa-isa ko lamang silang tinignan at naglakad na upang umakyat sa sariling kwarto. Pagod ako kaya sana ay manahimik muna sila dahil gusto ko magpahinga kahit saglit lamang. Mamaya uumpisahan ko na rin hanapan ang tatlong babaeng kapatid nung powerpuff boys.

"See that, brothers? She just totally ignore the three of you." Si Catherine.

Napairap nalang ako sa narinig. Huwag na sana siyang magsalita pa dahil wala ako sa mood ngayon makipag-argumento sa kaniya. Siya ba hindi napapagod. Wala ata siyang pinapalampas na oras.

"Katniss!" Hindi ko siya pinansin.

"Katniss!" Nope. Not now, Catherine.

"You have no plan on apologizing to our brothers, huh?!"

"Hey! I'm talking to you, disrespectful brat!"

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang huminto ako at nilingon siya. Walang buhay ko siyang tinignan ng deretso sa kaniyang mga mata. Nagulat naman siya dahil sa ginawa ko. Ilang beses pa siyang napakurap ng mata.

"What? Pinansin na kita, hindi ka ba magsasalita?"

Mabilis niya akong sinamaan ng tingin matapos marinig ang sinabi ko.

"Wala ka talagang galang! Maski ang mga nakatatanda nating kapatid na kanina pa naghihintay sa'yo dito ay hindi mo man lang pinansin!"

Huminga ako ng malalim saka binalingan yung tatlo na may kaniya-kaniya ng ginagawa. Si Kairos na nakaupo sa pang-isahan na sofa at umiinom ng kung ano sa tasa. Si Kaiser naman na may hawak na mga papel na hindi ko alam kung ano ang laman. Si Kaiden naman na pinapanood kaming dalawa ni Catherine.

"I'm home." Maikli kong saad bago muling binalingan si Catherine. Ngunit bago 'yon ay nakita ko pang natigilan 'yung dalawa sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa akin. Ganoon rin si Kaiden.

"Satisfied? Pwede ka na bang manahimik upang makaakyat ako sa kwarto ko na walang naririnig galing sa bibig mong madada?" Sarkatikong pagkakasabi ko.

"M-Madad... What?! What kind of word is that?!"

Ah... oo nga pala, wala pala ako sa mundo ko kaya kung meron man akong sabihin na kung anong galing sa mundo ko ay paniguradong hindi niya maiintindihan. Well, iyong iba lang.

"Madada is ano, nakakaakit ganon."

Hindi maipinta ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Napairap nalang ako sa kawalan saka siya tinalikuran pero nagsalita nanaman siya kung kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa pag-akyat.

*

Lumipas ang kalahating oras ng bumaba ako. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Naalala kong mula kaninang umaga ay wala pa akong kain kaya naman ganito na lang ang pag-aalburoto ng aking tiyan.

Bahagya kong itinaas ang suot kong dress dahil nahihirapan akong bumaba sa hagdan. Nakasuot ako ng white long-sleeve dress. Iyong sleeve niya ay see through kaya naman kita ang balat kong makinis at maputi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as the youngest daughter of Haven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon