Chapter 6

12 2 2
                                    

6

Gabi na ng magising ako, I mean kunware nagising dahil hindi talaga ako nagpahinga. Iniisip kung panaginip ba talaga iyon. Iniisip kung totoo ba talaga siya.

Umupo ako sa higaan at niyakap ang aking mga paa.

Tumingin ako sa harap at nakita ang aking violin, kaya naisipan kong tumayo at kunin ito.

Pinaglandas ko ang aking mga daliri sa string bago ito kunin.

Hinawakan ko ito at pinatong sa balikat at susubukan ko na sana ng biglang kumatok si Papa at pumasok.

Nakita niya akong hawak ang violin at lumapit sa akin.

"Kaya mo na bang tumugtog?" Tanong nito.

"Pa. . ." I called him, not answering his question.

"Hmm?"

"Totoo siya, 'di ba?"

"What do you mean?" Takang tanong niya at napa-isip.

"May lalaking nag-aalaga sa akin n'ong nasa hospital tayo. Nakita mo siya 'di ba?"

Tinignan niya ako ng seryoso.

"You mean, the guy who left you?"

Lumiwanag ang muka ko dahil nalaman kong hindi iyon panaginip at totoo siya. Ngunit napaisip ako sa huli nitong sinabi.

"Pero totoo po siya, hindi ba?"

"Yes, but he just left without even checking you."

Bigla akong nalungkot sa kaniyang sinabi. Ngunit, bakit ako nalulungkot kung hindi ko naman alam kung ano siya sa buhay ko?

"Why, Anak?" His brow furrowed.

"Ah, wala po." Pagsasawalang bahala ko dahil nagsisimulang mamuo ang aking mga luha.

"Punta lang po ako'ng C.R." Ibinaba ko ang hawak ko sa kama at nagmamadaling pumunta sa banyo, hindi na hinintay ang susunod na sasabihin niya.

Binuksan ko ang pinto sa banyo at dali-daling sinara ang pinto. Inopen ko ang faucet at naghilamos upang hindi ako umiyak ngunit hindi ko ito napigilan kaya tumingala ako.

I blink many times at naghilamos ulit. Nang mahimasmasan tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Namumula ang aking mga mata and what my father said echoes in my head.

"Yes, but he just left without even checking you."

Sumikip ang aking dibdib kasabay ng pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mas lalong bumigat ang aking dibdib kaya hinawakan ko ito.

"You mean, the guy who left you?"

Napaupo ako at pinalo-palo ang aking dibdib umaasang matatanggal ang sakit ngunit ng dahil sa narinig ko mas lalo itong bumigat.

I was crying silently, hoping to ease the pain. But it was all nonsense. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ano na bang nangyayari sa akin?

Sa araw-araw na pagmulat ng aking mga mata, kalungkutan ka agad ang aking nadarama.

Na para bang may hinahanap ang aking pusong nasasaktang hindi ko naman alam ang dahilan.

Na para bang may kulang sa akin.

Na para bang may hinihintay ako na wala.

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa pag-iyak ngunit may naaninag akong lumiliwanag sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin.

Gleam In My GloomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon