13

17.4K 75 0
                                    

umagang ud. time check, it's currently 1:13 AM. happy reading!
____________________

Kahit na ilang araw na akong pagod ay kailangan ko pa ring bumangon ng maaga. Ngayon na kasi ang graduation day namin. Ginising ko na rin si Khalil na ilang araw ko na ring katabing matulog.

"You don't look like a father in your outfit." sabi ko habang tinitingnan ang aking sarili sa salamin. Napansin ko lang siya dahil nakita ko siya sa salamin, sa likuran ko.

"'Cause I'm not your real father." he seriously answered. "At wala rin naman akong balak mag-anak."

"So you just love f*cking." may bahid na sakit na usal ko.

Kinuha ko ang purse ko sa kama at nauna ng maglakad sa kaniya. Sasakyan niya ang gagamitin namin papunta sa dadausan ng graduation namin. Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto dahil ako na ang gumawa.

"Don't avoid my gaze." he said in a low voice when our eyes met.

"I'm not avoiding your gaze." pangsisinungaling ko.

In-open ko nalang ang cellphone ko para magpanggap na busy. May iilang kumongratulate na sa akin. Ang iba ay kasama at kaibigan sa business nila Mommy. Mga kaibigan ko mula sa loob at labas ng school. Mga ex-flings, ex-fubu at ex-boyfriends ko. Si Jeo lang ang naiiba ng text.

From: Jeo

otw ka na ba? kanina pa kami rito

To: Jeo

otw na. dito lang din naman sa mnl ako galing

From: Jeo

sugar daddy mo daw kasama mo sabi ni nicole? legit ba? pakitanong nga kung saan tayo kakain

To: Jeo

tanginamo

Ako at si Yohan ang gagraduate ngayon. Architecture kaming dalawa at schoolmates pa. Sa ibang eskwelahan kasi nag-aral sina Niicole kaya hindi kami sabay-sabay na gagraduate.

"Stop texting," sabi niya at saka biglang inagaw sa akin ang telepono ko. Pabagsak niya 'yung inilagay sa ilalim ng upuan niya.

"Baka maapakan mo 'yung cellphone ko! Ano ba?!" inis na wika ko saka hinanap ang telepono ko paanan niya.

"Huwag kang malikot kung ayaw mong mabangga tayo, Azhia." saway niya. "At saka hindi ko naman didiinan 'yung phone mo kapag naapakan ko."

"F*ck you," bulong ko.

"Mamaya ka sa 'kin." he said which made my face turn into red. "Sabi mo gusto mong graduation gift ay s*x. Bibigyan pa kita ng bonus."

Nang makarating kami sa pagdarausan ng graduation ay naroon na ang mga kaibigan ko. Kaagad silang kumaway sa akin hanggang sa bigla silang natigilan ng makita kung sino ang kasama ko.

Binalingan ko ang walang pakialam na si Khalil. Nanatili siyang nagcecellphone kaya napairap ako. Anong kabastusan 'to?! Hindi man lang ba niya babatiin ang mga kaibigan ko?

"Uy, Doc! Good day!" bati ni Jianna na kararating lang.

Napaangat ng tingin si Doc sa amin. "Nurse Jianna." balik na pagbati ni Khalil ng walang emosyon sa mukha.

"Ang tagal mo ng hindi pumapasok ah, Doc!"

Nang dahil sa sinabi ni Jia ay napaisip ako. Ang mga doctor, kulang nalang ay magpakasal na sa hospital dahil mas madalas silang naroon kaysa sa bahay nila. E bakit si Khalil ay para hindi gano'n? Bakit ang tagal na niyang nasa bahay? Bakit parang walang ginawa ito sa buhay niya kundi ang lumantong?

Xyro Club Series #4: Hi There, Stepdadजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें