07

13.5K 57 0
                                    

"Ang lakas mag-aya tapos male-late." reklamo ni Jeo kaya umirap ako.

"Huwag mo akong simulan, Jeo." inis na turan ko. "Kung hindi dahil sa kagag*han ko wala tayo rito."

"Ay sige, KKB nalang." sabi ni Jeo kaya tuluyan ng napahagalpak sa tawa ang mga kaibigan namin.

"Ako, kahit pa anong sabihin ni Azhia, hindi ako makikipag KKB." sabi ni Jianna kaya natawa na rin ako ng tuluyan.

Tulad ng nakasanayan namin ay uminom lang saglit sina Yohan dito sa pwesto namin pero mayamaya ay sumakabilang table na. Ang natira tuloy sa table namin ay kaming mga babae nalang.

"Spill it, Zhi. Bakit ka biglang nag-aya?" sabi ni Nicole ng magpaalam sila Jianna at Shaianna na magpapakita lang raw saglit sa mga kaibigan nila pero babalik rin.

"Part of my plan," tanging tugon ko kaya napakunot ang noo niya.

"Success naman?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Hoy ano? Walang balak sumagot?"

"H-huh? Alam mo, lets talk about your new boyfriend!"

"Huwag mong iniiba ang usap, Azhia. Hindi mo ako madadali sa paganyan-ganyan mo." tinaasan pa ako ng kilay ng gaga. "Sasabihin mo o aagawin ko 'yang lalaki mo?"

"Luh, asa ka. As if magpapaagaw sa 'yo 'yon no!" sagot ko saka siya inirapan.

"Ay confident! May nangyari na no?" pag-aakusa niya kaya napakagat ako sa aking labi.

"Secret," sabi ko saka uminom ng shot.

"Lahat ng nakas*x ko, sinabi ko sa 'yo, Azhia! Lahat ng naging fubu ko, kilala mo. Lahat ng lugar na may nakas*x ako, sinasabi ko sa iyo. Dinedetalye ko kung paano kami gumawa ng kababalaghan ng mga nakas*x ko tapos ikaw, ganyan?! Anong klase kaibigan ka, huh?" pagdadrama niya.

"Kadiri 'yang bibig mo, Cole." sabi ko kaya napairap siya.

"Ano nga kasi? May nangyari na ba? Kumusta? May improvement na ba?" sunod-sunod na tanong niya.

Lahat ng gusto niyang malaman ay sinabi ko. Simula sa unang pagkikita namin ni Khalil hanggang sa may nangyari sa amin sa sasakyan nito no'ng paluwas kami rito.

"T*ngina mo, grabe ka na..." hindi makapaniwalang wika niya kaya napahalakhak ako.

"Be proud that I'm one of your friends, Cole." nakangising tugon ko.

"Hindi kaproud-proud 'yung gano'n, g*ga ka! Isipin mo, kakabitin mo 'yung jowaers ng Mommy mo." sabi niya kaya napairap ako.

"Don't make me guilty dahil wala ng talab iyan, Cole."

Hindi ko alam pero bigla kaming nakumpleto ulit na magkakaibigan matapos ang halos dalawang oras din siguro? Hindi ko na alam. Kaming dalawa lang kasi ni Nicole ang magkasama simula kanina. Scammer sila Jianna dahil hindi sila kaagad nakabalik dahil daw ayaw silang pakawalan ng mga kaibigan nila.

"Pakiayos naman ng lipstick, Shai." seryosong saad ko. Manghuhuli tayo ng gumawa ng milagro ngayong gabi.

"H-huh? N-nagulo ba?" nagpapanick na tanong niya. Sumabay sa trip ko ang mga kaibigan ko kaya ang g*gong si Jeo ay nag-abot pa ng panyo kay Shai para punasan kuno ang lipstick niya. "F*ck." bulong pa nito kaya tuluyan na kaming natawa.

"G*ga ka, Shai!" natatawang wika ng kapatid nito na literal na magulo ang lipstick.

"Matte liptint yata gamit mo e? So bakit ka nagpupunas diyan? Kahit anong gawing punas mo diyan ay hindi iyan matatanggal." sabi ni Yohan saka nagpatuloy sa pagtawa. Ang g*go, napahawak pa sa tiyan niya kakatawa.

"Buking," asar ni Nicole kaya nahihiyang napayuko si Shaianna.

"Okay lang iyan, Shai. Dalaga na ang bebe Shaianna namin!" proud na wika ni Jeo.

"Pero g*go ka, Jia. Ikaw ang literal na magulo ang lipstick." pansin ni Nicole.

Napahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa ng hindi maniwala si Jia. Kesyo niloloko lang raw namin siya.

"Did you check your face muna ba sa restroom before you came out, Ate?" seryosong tanong ni Shai kaya kaagad na binuksan ni Jia ang cellphone niya para buksan ang camera niya.

"F*ck! Putangina naman oh." halos maiyak na wika niya.

Tinawanan muna namin siya bago siya abutan ng panyo ni Yohan. Nang hindi maayos mag-isa ni Jia ang sarili ay tinulungan ko na. Ako na rin ang naglagay ng bagong lipstick nito.

"Saan ka uuwi? May dala ka bang sasakyan?" tanong ni Nicole ng makalabas kami sa club.

"Hatid mo ko."

"Saan ka ba uuwi?" tanong niya.

"La Union," sagot ko kaya napaawang ang labi niya at mayamaya'y binatukan ako. "G*ga ka! Inaano kita, huh?!"

"Ang layo no'n, Zhi! Baka nakakalimutan mong nasa Manila tayo ngayo—"

"Come home with me."

Nakita ko kung paano umawang labi ni Nicole, nakatingin sa lalaking nasa likod ko. Hindi ko pa man nakikita ang lalaki dahil nasa likod ko ito pero alam ko na kaagad kung sino ito. Tandang-tanda ko na ang  boses niya. Ni presensya niya ay ramdam na ramdam ko.

"H-hoy, hindi na! Ihahatid ako ni Nicole. 'Di ba, Cole?" baling ko pa sa kaibigan na ngayon ay nakatitig nalang kay Khalil habang nakaawang ang labi.

"I think I already saw you..." wala sa sariling wika ni Nicole, tila ba malalim ang iniisip. "Ah, 'yon! Sa Xyro!"

"Yeah... You're dancing with Azhia that time until someone approached you. Kilala rin yata ni Azhi—"

Nicole cut him off. "Ikaw na maghatid kay Azhia ha? Kailangan ko na kasing umuwi." biglang sabi ni Nicole. "Bye! Humayo kayo't mags*x ng marami!"

"Lets do that." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami ng sabay patungo sa kung saan, baka sa sasakyan niya.

"Huh? Ang alin?"

"'Yung sinabi ng kay kaibigan mo. Mags*x ng mara—" I f*cking kissed him.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon