05

15.4K 103 3
                                    

"Ipu-publish kahit wala ng gustong magbasa".

________________

"Ganaps?" tanong ni Nicole.

"I have a kwento for you and I also have plan na."

"Tangina mo. Tigilan mo na iyang pagkaconyo mo. Marunong ka ng magtagalog pero bakit nababalik ka na naman sa pagiging conyo mo?" Iritableng reklamo nito kaya napairap nalang ako.

"So ito na ang kwento ko," panimula ko. "Ilang araw nawala si Mommy dahil sabi ni Daddy ay may business trip daw na pinuntahan pero alam kong hindi iyon totoo. Alam mo naman ang family namin... Napansin kong panay ang pagkukulong ni Daddy this past few days pero hindi ko nalang pinansin dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano. Then isang araw, nagulat nalang ako ng may marinig na kung ano sa kwarto nila Daddy tas iyon, naabutan ko si Daddy na may nakadiing cutter sa palapulsuhan niya."

"Inexpect mo namang mangyayari ito, 'di ba?"

"Noon, oo..." wala sa sariling tugon ko. "Akala ko kahit papaano ay okay na silang pamilya kami pero hindi pa rin pala."

"Kumusta naman si Tito? Nasugat ba? Saang hospital mo ba dinala? Dapat sinabi mo sa akin para ako mismo ang maggamot sa kaniya."

"Maliit na hiwa lang naman ang natamo niya kaya ako na ang gumamot." sagot ko.

"E anong plano mo ngayon?" seryosong tanong niya.

"I'm planning to live with Mom." tugon ko kaya napakunot ang noo ni Nicole. "Kung nagawa niyang saktan si Daddy, I can hurt her too."

"What? What do you mean, Azhia?"

"I know Mom and her new boyfriend are living in a same roof. If I chose to live with Mom, that means I can have her boyfriend whenever she's not around." paliwanag ko. "To simply what I'm trying to say, I will seduce his boyfriend. I will hurt her because she's too unfair to Dad."

"Are you damn crazy, Azhia?" hindi makapaniwalang tanong ni Diera. "You're also being unfair to your Mom. Why don't you just let her live her life? You're being immature."

"I don't care, Nicole." sabi ko saka bumuntong hininga.

"E paano mo sasabihin kay Tito na titira ka sa bahay ng Mommy mo? At saka knowing you, for sure marami ka ng nasabing masasakit na salita sa Mommy mo kaya magtataka iyon kapag sinabi mong sa kaniya ka titira."

"Bahala na... May pagkatanga naman si Mommy kaya malulusutan ko iyon." sagot ko.

"Be careful, okay? Hindi natin alam kung sino at anong klaseng tao ba 'yung pinakikisamahan ng Mommy mo ngayon."

"Malay natin baka mas mag-enjoy ako kapag pogi 'yung guy, 'di ba? Ang alam ko kasi ay mas bata kay Mommy 'yung jowa-jowaan niya ngayon e."

"Goodluck, then." nakangising sagot niya. "Use protection kapag naging marupok ka."

Nang natapos naming maggala ng maggala ni Diera ay kaagad akong nagtungo sa bahay namin para magpaalam kay Daddy.

"Bakit ka roon titira, Azhia?"

"Kikilalanin ko lang po ang boyfriend ni Mommy." I know Dad will understand me. "Don't worry, Dad. I will visit you always, okay po?"

"Just take care, okay? Huwag mong pasakitin ang ulo ng mga tao roon sa bahay ng Mommy mo." bilin niya pa.

Habang nag-e-empake ako ay tiniwag ko si Ate Raylie. Binilinan ko siyang mas bantayan si Daddy habang wala ako.

Ang sabi ni Daddy ay nasa rest house ni Mommy sa La Union ang magjowa ngayon. Hindi ko sinabihan si Mommy na patungo ako sa kanila 'cause I'll gonna surprise them.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadWhere stories live. Discover now