22

6.1K 47 0
                                    

sorry walang ud kahapon
_____________________

From: Nicole

nakita mo ba 'yung mga pics na pinost ng mommy mo?

To: Nicole

saan n'ya ba pinost? ano ba 'yung nasa pics?

From: Nicole

um-attend sila ng party kagabi. sila ni doc

Hindi na ako nagreply pa kay Nicole. Sumubo pa ako ng isang kutsara bago in-open ang Instagram account ko para matingnan kung ano ba ang pinost ng aking ina.

There. May mga pictures sina Mommy at Khalil na sabay na pumasok ng club. Khalil's wrist placed on my Mom's waist. They also have a picture sitting in a couch together. Ang nagpasakit pa sa puso ko ay 'yung picture nilang nakakandong si Mommy kay Khalil at magkadikit ang mukha, tila ba naghahalikan.

Siguro gano'n nalang ako kag*go para buksan pa ang comment section. May mga kilala akong tao roon. May comment ang mga kabatch ko, mga kaibigan at ang iilan ay mga kakilala nila Mommy. Ang iba naman ay parang tamang kilala lang kami pero hindi ko kilala.

kiyo.rms: i though he was azhia's boyfriend

frnchsck: i also saw him with azhia in that club

xysuyu10: what's going on? last time i check, that guy and miss azhia are together?

kyl.ong: who is the mistres? is it mrs. iguico or miss iguico? what the hell

debora36: i know that guy. he is a well known in our county bc he operates a lot of people's head. btw, he is a neurosurgeon

Why don't they just mind their own f*cking business?!

Ang sabi niya ay ayaw raw niyang bumalik kay Mommy dahil ako na ang mahal niya. Sabi niya ay mahal niya ako kaya.. ano 'to? Bakit may ganito? Bakit hinayaan niya 'tong kumalat?

Parehas silang kilala kaya marami ng react at comment sa post ni Mommy sa Instagram na iyon. Kilala si Mommy bilang isang magaling at mayamang businesswoman. Si Khalil naman ay kilala dahil sa galing nitong doctor.

"Where are you going, Anak?" Dad asked ng maglakad ako patungo sa kwarto ko.

"I'll gonna change my clothes po 'cause I will go outside with Nicole." tugon ko saka nagtungo na nga ng tuluyan sa kwarto ko.

May naluto naman na akong breakfast kaya hindi na kailangan pang mag-utos ni Daddy na ipagluto siya.

Hindi na muna ako naligo dahil sa condo lang naman ni Nicole ako pupunta. Doon na muna ako tatambay maghapon.

I just wore a crop top and a cotton short. Nagtsinelas lang rin ako at saka binitbit ang wallet at phone ko.

Kaagad akong nagpaalam kay Daddy na aalis na. Ni nalimutan ko rin na magsabi kay Nicole na pupunta ako sa kaniya. Surprise visit nalang para kung may ginagawa man silang kababalaghan ni Jeo ay matigil sila.

"Ay g*ga!" gulat na wika ni Nicole ng pagbuksan ako ng pinto.

"Hi," simpleng bati ko.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon