15 (SPG)

14.1K 48 0
                                    

"Where the f*ck you're going?" mariin na tanong niya.

Pupunta ako ngayon sa unit ni Nicole. May isang linggo na rin akong natutulog doon para makaiwas kay Khalil. Hindi ko naman inaasahan na maaga siyang uuwi ngayon galing sa hospital. Noong mga nakaraang araw ay hindi ko na siya naaabutan. Baka anong oras na siyang umuuwi no'n dahil babad siya sa hospital.

"F*cking answer me, Azhia!" he yelled which made me stop from walking towards the main door.

"Minumura mo ba ako, Khalil?!" sigaw ko pabalik.

"Ah, f*ck." mahinang wika nito. "Just tell me where are you going? I'm okay with that. I'm okay as long as I know you're safe."

"Just let me leave," malamig na tugon ko.

"Tell me first where you going." pagmamatigas niya.

"Hindi mo naman obligasyon na malaman pa."

"Just fucking tell me where are you going, Azhia! Gaano ba kahirap iyon, huh?" he yelled again. "Halos isang linggo kitang hindi naaabutan dito sa bahay tapos ganiyan ka pa?!"

"Don't f*cking yell at me again, assh*le!" sigaw ko pabalik.

"Just tell me where are you going."

Kung hindi lang ako nagpakaimmature, panigurado'y wala kami rito. Ako ang puno't dulo nito. Tama si Nicole. Nagalit ako kay Mommy at sa kabit niya no'ng nalaman kong niloloko pala nila si Daddy. No'ng nalaman kong iiwan na niya kami. Nagalit ako sa kanila pero ngayon, ako na ang pumalit sa pwesto ni Khalil. Ako na ang kabit ngayon sa relasyon nila ni Mommy na dating siya sa relasyon ng mga magulang ko.

"Sa kaibigan ko lang," sabi ko para makaalis na. Anong oras na kaya at pasilim na!

"Sinong kaibigan?"

"Si Nicole. Kay Nicole na muna ako matutulog ngayon." sagot ko kaya napakunot ang noo niya.

"Pasilim na, Zhia. Nasa La Union tayo at luluwas ka pa ng Maynila? Why don't you just sleep in here? I won't bother you, I promise you that." He worriedly said.

"I'll take care of myself, don't worry." sabi ko saka tipid na ngumiti. "Nagsabi na rin naman ako kay Mommy kaya hindi ka sesermunan no'n."

Kaagad akong naglakad palabas ng bahay. Patalikod sa kaniya.

Ilang oras na naman akong babad sa sasakyan ko kakamaneho mula La Union to Manila. Hindi ko alam kung bakit pa nga ba ako bumabalik pa sa rest house ni Mommy e matutulog naman ako kay Nicole. Hindi ko rin alam kung bakit pa umuwi si Khalil sa bahay e mukhang pagod na pagod siya. Baka naman habang wala ako, ginugugol niya sa hospital ang oras niya para hindi niya ako kulitin o kausapin pa.

F*ck, I'm being assuming.

"Oh. Look who's tired." salubong ni Nicole mg pagbuksan niya ako ng pintuan. "Bakit ka pa lasi umuuwi sa inyo e dito ka rin naman matutulog sa gabi?"

"Anong ulam natin?" pag-iwas ko sa tanong niya.

"Hindi ka pa kumakain? Namumutla ka oh! Huwag mo sabihing kagabi pa last na kain mo?"

"Then I won't tell you." sagot ko kaya napabuntong hininga siya.

Pinaghain ko ang sarili ko para makapag dinner na. Inaya ko si Nicole na kumain, ang kaso nga lang ay nag-early dinner raw siya kasama si Jeo.

"Beer oh," wika niya sabay abot sa akin ng canned beer.

Tatambay lang sana ako sa veranda niya, ang kaso nga lang ay nag-iinom pala siya rito. Akala ko kanina natutulog na ang bruha.

"Naabutan niya ako kanina." panimula ko.

"Ay lasing ka na kaagad? Nakakaisang lagok ka pa lang, naglalabas ka na kaagad ng sama ng loob." pang-aasar niya pero ng makita ang seryoso ang mukha ko ay napangiwi siya. "Tapos anong nangyari?" seryoso ng tanong niya.

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon