21

6.3K 41 0
                                    

I just wear a skinny jeans then blue shirt on top. High school student look, like I'm gonna attend a intramurals. I don't need to wear a dress or what just for our dinner 'cause we'll just gonna talk.

"Am I late?" he asked saka umupo sa harapan ko.

"No, you're not."

Sinenyasan niya ang waiter para lumapit ito sa amin. Gusto ko siyang pigilan sa gusto, ang kaso nga lang ay nakakahiya din naman kung mag-uusap lang kami dito sa restau tapos aalis na, 'di ba?

"You don't have to order too much." bulong ko ng sunod-sunod ang sinabi niya sa waiter. "I won't stay here for too long."

Hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pag-order kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Fix your thing with my Mom." panimula ko kaya natigilan siya sa astang pagdukot niya sa bulsa.

He sarcastically chuckled. "You want us to broke up and then here you are?"

"Just... come back to Mom."

"No, Azhia. I won't do that."

"Are you kidding me?" sarkastiko pa akong tumawa. "Para kasing may nakapag sabi sa akin na a-attend ka daw ng party mamaya kasama ang nanay ko?"

Natigilan si gago. I knew it. A f*cking cheater. A liar.

"I won't come, Azhia."

"Oh, really?"

"Are you jealous?" Ang kapal ng mukha! Grabe naman oh.

"Paano ka nakahugot ng lakas ng loob na ganiyan, Doc? Grabe naman..." sarkastikong saad ko.

Hindi nalang ako sumagot pa sa kaniya. Mukhang maling desisyon 'tong naisip ko. Mukhang wala itong patutunguhan.

"I won't come back to your Mom, baby..." masuyong saad niya mayamaya. Halos kapusin ako ng hininga ng kuhanin pa nito ang dalawang kamay ko para hawakan sa itaas ng mesa. "You're the one I love so don't push me to your Mom, please. You're hurting me." he honestly said.

"H-hindi nga kasi t-tayo pwede." wika ko, nakaiwas ng tingin sa kaniya. "I don't love you."

"Kung gano'n, gagawan ko ng paraan para mahalin mo ako." seryosong wika niya. Hinawakan pa niya ang panga ko para bahagyang iharap sa kaniya. "I love you so much, Azhia. Please, don't push me away..."

"Ano ba sa 'hindi tayo pwede' ang hindi mo magets?"

"Wala na kami ng Mommy mo, Azhia. Pwede na tayo. Hindi na tayo nakagagawa ng kasalanan sa kaniya."

"But you're still my mother's ex!"

"F*ck. Kung alam ko lang darating ka hindi ko na pinatos pa ang Mommy mo." mahinang bulong niya.

"E malas ka." pambabara ko.

"Lets just eat our meal, baby..." he gently said when our food arrived.

Hindi nalang ako sumagot pa sa kaniya. We ate peacefully that we didn't used to do. Hindi talaga kami ganito. Kapag kumakain, sumasamabay siya sa kadaldalan ko pero ngayon para kaming hindi magkakilala na nagshare lang sa lamesa dahil wala ng bakante.

"I have to go," paalam ko at umastang tatayo ng hawakan niya ang kamay ko.

"No, please, Azhia."

"J-just go with my Mom later." mapait na wika ko. "Baka totoo nga 'yung sinabi nong kakilala ko na may a-attend-an kang party with my Mom. Siputin mo siya."

Biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko  kaya mapait akong pangiti. Narealize na siguro niya kung sino talaga ang gusto niya. Baka naguguluhan lang siya kaya kung ano-anong mga maling desisyon ang nagawa niya. Siguro nga ako 'yung gusto niya no'ng mga nakaraan kasi ako 'yung panay na nasa tabi niya. Ngayong wala na sa kaniya si Mommy, siguro narealize niyang hindi niya kaya. Gano'n naman, 'di ba? Kapag wala na sa iyo 'yung tao, doon mo nakikita 'yung worth niya kasi doon ka na magsisimulang manghinayang.

"Just take care, Azhia." he coldly said ng makatayo na ako ng tuluyan.

"Come back to my Mom's rest house, please. She needs you."

"I won't f*cking do that."

Nagulat ako ng biglang higitin ni Khalil ang braso ko. Hinatak niya ako palabas ng restau at saka tinahak namin ang dulo ng parking lot kung saan medyo madilim.

"N-nasasaktan ako, Khal..." naluluhang wika ko dahil sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko. As in hinatak niya ako.

"I'm sorry," nakaiwas ang paninging wika niya.

Hindi na ako tumugon sa kaniya. Tumalikod ako sa kaniya saka itinakip ang dalawang palad sa mukha ko. I started to cry. Hindi lang 'yung mahigpit na paghawak niya sa braso ko ang nanakit sa akin. Parang ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat ng nangyari.

Pinababalik ko siya kay Mommy kahit na alam kong masasaktan ako. Mukhang gusto rin naman niyang balikan si Mommy kaya para akong tinutusok ng paulit-ulit sa puso ko.

"H-hey, I'm.. sorry." sabi niya at astang yayakapin ako pero kaagad ko siyang itunulak.

"P-pauwiin mo nalang ako, please." umiiyak na wika ko. Natatakot akong tumakbo palayo sa kaniya dahil baka kapag nahuli niya ako ay mas saktan niya ako.

"I'm sorry for scaring you, baby."

"Hayaan mo nalang ako, please. Ayaw ko na nga, Khalil. Ayaw ko na sa iyo!"

"I won't hurt you again, baby. Forgive me, please." he tried to hold my hand but I immediately pushed him backward.

"Nagmamakaawa ako sa iyo, Khalil..." dahan-dahan akong lumuhod kahit na pinipigilan niya ako. Para siyang lantang gulay na nanghihina dahil siguro sa nangyayari. "Hayaan mo nalang ako, please. Ayaw ko na."

"G-ganiyan ka na.. kaayaw sa akin?" tanong niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya ng bigla itong manginig.

"Oo," seryosong sagot ko.

Umupo siya para kahit papano ay magpantay kami.

"Stand up, Azhia..."

"Tell me first that you won't bother me anymore."

"H-huwag naman ganito, baby." naluluha ng wika niya.

"J-just let me go, Khalil!"

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin matapos mag-usap. Mayamaya ay malalim siyang bumuntong hininga. Pinunasan niya rin ang kaniyang mukha gamit ang palad.

"Kung iyan ang gusto mo, I will let you." sabi niya at dahan-dahan akong inalalayan patayo.

"T-thank you."

"Ganiyan mo kaayaw na sa akin." mapait na usal niya. "Can I hug you for the last time, baby?" he asked which made me nod.

Masuyo niya akong niyakap habang humahagulgol.

"I love you, baby. I really do."

_____________

wala pa akong draft for chap 22 bc wala pa akong maisip huhu

Xyro Club Series #4: Hi There, StepdadWhere stories live. Discover now