Chapter 7

28 2 16
                                    

Hindi ako mapakali sa araw ng graduation ball. Alexei texted me last night that something personal came up but he will still try to make it to the ball. I don't know what to expect later. He promised that he will still come despite whatever business he has but the uncertainty is still there.

Kanina pa dapat ako naghahanda dahil kahit anong oras ay dadating na ang mga taong hinire nila papa para ayusan ako. Mas abala pa nga sila kesa sa akin. Ako, kumakain lang ng smoothie sa sala habang si papa Bailey at papa Harper ay pinagtutulungang ayusin ang gown na susuotin ko. Si Candy naman ay nanonood ng Killing Eve sa tabi ko. Female assassins are her favorite characters so when she heard about this show, she immediately told me about it and convinced me to watch it with her.

"Gwyneth Heloise, wala ka bang balak mag-asikaso riyan? Paparating na ang make-up artist mo. Saka ka lang ba maliligo kapag nandito na sila?" sabi ni papa Bailey habang nakataas ang kilay.

How can I tell him that I may or may not have a date tonight? They were so excited for me when I told them that Alexei is going to be my date. Papa Harper's suspicion of Alexei being my suitor grew even bigger but he didn't pushed me to tell him the truth. He trusts me so much and I can't afford to break that. Hindi ko naman ililihim sa kanila ang relasyon naming dalawa kung magkakatotoo man iyon.

Naligo na ako at nagbihis ng robe para mabilis akong makapagpalit ng dress ko pagkatapos akong ayusan. Pagbaba ko sa sala ay naroon na nga ang mga mag-aayos sa akin kaya naman naupo na ako sa tapat ng vanity table para maumpisan na ang pag-aayos sa akin. Inuna muna ang make-up ko at pagkatapos gawin ang eye makeup ko ay ang hairstylist muna ang nag-ayos sa akin. I told them to do a sleek straight hairstyle so it's not gonna take up much time. Nakailang tadtad na ako ng chat sa gc namin pero mukhang busy rin ang lahat dahil sineen lang ako ni Verona habang sila Guia at Sheena ay hindi naman naka-online.

I decided to send a message to Alexei to ask him how he's doing. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Ayaw ko kasing pinapaasa ako pero kapag may dahilan naman ay maiintindihan ko iyon. Yes, I will be disappointed but at I least I know the reason why.

thisisgwyneth:

Hi! How are you doing? What time are you gonna be here?

I waited for his reply until the hair stylist was done doing my hair but he still hasn't so I just put my phone over the table. I can't let my family know that I will go to the ball by myself, but they will definitely ask questions once Alexei doesn't show up. I need an alibi.

I immediately changed to my dress after half an hour of makeover. Alexei finally replied to me, saying that he's already on his way. My heart finally calmed down after reading his message. Isang oras na lang bago magsimula ang grad ball. Kung hindi pa siya nagreply ngayon ay mapipilitan talaga akong dumalo ng walang ka-date. Ayos lang naman iyon, pero umasa ako, e. Buti na lang natuloy.

"Anong oras daw dadating si Alexei, anak?" tanong ni papa Bailey pagbaba ko. Agad niyang binigay sa akin ang strappy clear heels ko.

"Papunta na raw siya."

Umalis na rin iyong mga nag-ayos sa akin pagkatapos i-retouch ang makeup at buhok ko. Hindi naman mapakali ang pamilya ko sa pagkuha sa akin ng mga litrato. Kuha rito, kuha roon. Kung saan-saang sulok ng bahay nila ako pinagpose para sa picture. Pinagbigyan ko na lang sila dahil minsan lang naman mangyari ito. Kahit isang gabi lang, hindi ako magpapakamaldita.

Hindi nagtagal ay may nagdoorbell na sa bahay namin. Si papa Harper na ang nagpresintang magbukas noon. Nilapitan naman ako ni papa Bailey para ayusin ang dress ko habang si Candy naman ay inabot ang corsage ko.

"If something's going to happen between you two..." papa Bailey shut his eyes tight before pretending that nothing's bothering him right now. "Don't forget to use a condom, okay? You can't be pregnant while you're still studying."

Enigma (Dauntless Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora