Chapter 9

21 2 11
                                    

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong kaba, inis, at galit, lahat ng iyon ay dahil kay Alexei. Anong pinagsasabi niyang hindi niya kilala kung sino si Alexei? Nababaliw na ba siya? Nauntog ang ulo at nagkaamnesia? Patawa 'to.

Imbes na maintriga ay umalis na lamang ako roon at bumalik na sa pwesto namin ni Frank. Baka mamaya hindi pa makapagtrabaho iyon kakaisip kung saan ako pumunta. Kargo de konsensya niya pa. Saka hindi rin ito ang tamang lugar para magliwaliw. Bukod sa napakaraming PSG at military personnel, nandito pa iyong taong magiging dahilan ng pagputok ng ugat ko sa utak. Mabuti nang nag-iingat.

"Saan ka nagpunta? Ang tagal mo!" reklamo ni Frank habang naglalakad ako papalapit sakaniya.

"Ang haba ng pila sa CR. Halos pumutok na nga 'yung pantog ko, e." pagsisinungaling ko. Nagiguilty talaga ako kapag nagsisinungaling pero wala naman akong choice. Sana lang hindi niya mahalata.

"Hindi ba available 'yung iba?"

Umiling ako. "Sarado."

Pagkatapos ng event ay pinayagan na kaming makalapit sa pangulo para mainterview ito. Ako ang nagpresintang maghawak ng camera para kay Frank habang nakikipagsiksikan kami sa dami ng mga journalist at reporter na kasama namin. Mabuti na lang hindi ako claustrophobic.

Sa hindi malayong dako ay natanaw ko si Alexei. He's not wearing his aviator shades anymore so now I can see his face. His clean cut hair complimented the shape of his chiseled face. Everything in him looks perfect not until I remember what kind of man he is. I rolled my eyes but then got startled when he caught me doing that. He tilted his head. His brows furrowed.

Nag-iwas ako ng tingin at nagfocus na lamang sa trabaho. Halos hindi na magkaintindihan ang lahat dahil sabay-sabay na nagtatanong ang mga reporter at journalists. Natigil lamang nang pinaayos sila ng staff.

"Kilala mo ba 'yung sundalo na 'yun?" nginuso ni Frank iyong direksyon kung saan nakatayo si Alexei. "Kanina ka pa tingin nang tingin doon. Nawawala ka sa focus."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi ah! 'Yung mga aircraft ang tinitingnan ko. Pangarap ko kasi makasakay d'yan balang araw."

I should've just said no and added no more. Mas naging defensive lang ako.

Kahit na pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, binalewala ko iyon at mas piniling gawin ang trabaho ko. Ano bang mapapala ko kung pansinin ko man iyon? Oo, si Alexei ang tinutukoy ko. Nakikita ko kasi siya sa peripheral vision ko. Tingin nang tingin sa akin. Tanga ako, oo, pero hindi ako bulag. Siya, ewan ko na lang.

Ang laki talaga ng galit ko sa kaniya. Nakakaguilty isipin pero mas malala pa nga iyong ginawa niya sa akin. Nang-iwan siya sa ere! Okay lang sana kung tinext niya ako pagkaalis niya, maiintindihan ko pa. Pero hindi, e. Akala ko lalabas lang siya para sagutin iyong tawag pero hindi na siya bumalik. Sumabay na lang ako kay Sheena pag-uwi kasi hindi naman ako sinundo nila papa noon kasi akala nila si Alexei ang maghahatid sa akin. Wala tuloy akong masabi noong naabutan ko silang naghihintay sa akin sa sala.

"How's the ball?" masayang tanong ni papa Bailey habang nagtatanggal ako ng heels ko. I sighed.

"Fine..."

"Seems like she didn't enjoy it." komento ni Candy bago tumawa. "Was Alexei bad in dancing?"

No, he's not. In fact, he swept me off my feet.

"Not really, but he's good. He just need more polishing."

"Pfft. Does that mean you're looking forward to dance with him again?"

I glared at her. I'm already not in the mood and now she's adding fuel to the fire. Kung hindi ako makapagtimpi ay baka masapak ko siya kahit nasa harapan kami nila papa.

Enigma (Dauntless Series #4)Where stories live. Discover now