Chapter 36

15 2 4
                                    

Every waking moment, I always wake up with my cheeks wet. I don't even realize that I've cried while sleeping until I remember what I dreamt the night before. Then I zone out. That's what happens every morning.

Pinipilit ko namang magfunction na para bang normal lang ang lahat. Inaasikaso si Theo, nagtatrabaho, nakikipagcooperate sa imbestigasyon, at iba pang mga bagay na maaaring makapagpadistract sa akin. Kapag wala akong ginagawa, matutulala at iiyak lang ako buong maghapon at babalik lang sa huwisyo kung may makakapansin sa akin.

Sa totoo lang, nakakapagod na. Ayokong palagi na lang akong ganito pero hindi ko naman kayang itigil ito. Natatakot ako na sa pagdaan ng panahon, tuluyan ko nang makalimutan si Niko. Ayokong magmove-on, pero alam ko na unti-unti ko ring makakalimutan ang presensya niya. Ni hindi ko na nga maalala nang maayos ang boses niya kaya sa tuwing nangyayari iyon, pinapanood ko ang mga video kung saan naroon siya para lang marinig ang boses niya.

It's hard to wait for someone who's never gonna come back to you. No amount of prayer and crying will convince God to give me the man I love back.

Everything happened so fast. I wasn't even ready to say goodbye to him but now I have no choice but to accept what happened and move on.

Sinubukan kong bumalik sa trabaho para tapusin ang mga pending reports ko. Hindi muna ako sumalang sa mga field reports at nagvolunteer na lang na magtrain ng mga bagong journalist na katatanggap lang sa agency. Mas matututukan ko nang husto si Theo dahil hindi na masyadong mahaba ang oras ko sa trabaho.

"Miss Takeuchi-Albrecht?"

Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin sa tumawag sa akin. My eyes squinted behind my glasses to get a better glimpse of the person standing on the doorway. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng aking mata bago pa man makalapit sa akin ang intern.

"Just put your paper here," iminuwestra ko ang bahagi ng aking mesa kung saan naroon ang ilang dossier na pinagawa ko rin sa ibang intern. Tumango ang intern at ginawa ang sinabi ko. Akala ko aalis na ito pagkatapos ngunit kumunot ang noo ko nang makitang tumayo pa siya sa harapan ko. Nakalagay ang magkabila niyang braso sa kaniyang likuran at nakatingin sa akin na para bang naninimbang ng reaksyon ko.

"Is there anything you want to say, Mr. Bautista?"

Hindi ko napigilang magtaas ng isang kilay at gumamit ng tonong hindi pamilyar sa akin pwera na lang kung kinakailangan. Kaya naman medyo nabigla si Mr. Bautista sa paraan ng pagsasalita ko. Tumikhim ito at umayos ng pagkakaupo.

"W-wala naman po, Miss..." his body moved as he was about to return to his cubicle, but then he suddenly turned to me again. I sighed. This time, I gave him my full attention.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. You see, I have too much on my plate right now. I have no time for a small talk with you, Mr. Bautista."

He nodded. "I understand, Miss. Napansin ko lang kasi na medyo matamlay kayo at laging wala sa mood. Would you like something to eat? I can buy one right away."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Sa ilang buwan kong pagttrain sa kanila, isa siya sa mga tumatak sa akin. At hindi sa magandang dahilan. Masyado siyang padalos-dalos mag-isip, mayabang, at hindi nauubusan ng sasabihin. Kahit sino kinakausap niya kahit oras ng trabaho. Minsan nahuhuli ko pa itong nakikipaglampungan sa cafeteria. Kaya hindi ako magtataka kung madami na siyang niligawan na mga katrabaho niya sa ilang buwan niyang pananatili rito.

At bilang supervisor, trabaho kong ilagay sila sa tamang landas para maging mahusay na mamamahayag ng bansa. Hindi pwedeng pa-easy easy lang sila. Kailangan ng bansang ito ang mga mamamahayag na mayroong malasakit sa mga tao at makapagbigay ng totoo at walang kinikilingan na balita.

Enigma (Dauntless Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon