Chapter 34

23 2 8
                                    

I was staring into oblivion the whole time. I had to call my family and Niko's family because I can't do all of these alone, especially that I have a child to take care of. I gave Theo to the maid in the meantime while I try to process everything.

My whole body is in a state of shock. The words of those uniformed men kept playing in my head like a broken record. My husband is dead. I can't count how many times I slapped myself just to see if this is just a dream. It's not. Niko's gone, the authorities are working hard to retrieve his body, and his corpse will be here in no time.

Hindi ko ata kakayaning makita iyon. If I could just lock myself in our room and cry until there were no tears left, I would do it in a heartbeat. But I know I can't. I have to be strong for Theo.

"Where is Gwyneth?" rinig kong tanong ni Papa Harper nang nakarating na sila. Tinuro ng kasambahay ang kinaroroonan ko. Ni hindi ko man lang inayos ang sarili ko kahit no'ng nakalapit na sila sa akin. Hinarap ko ang pamilya ko nang nanghihina at punong-puno ng luha ang mga mata.

Agad akong niyakap ni Papa Bailey. Umiyak ako sa bisig niya. It reminded me of my childhood years, when I always run to his arms when I can't take the pain anymore. Whenever my schoolmates bully me for having gay dads. Or not having a mother. Siya ang naging sandalan ko sa tuwing sumusuko ako.

Humiwalay sa pagkakayakap si Papa para makita ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit kitang-kita na nasasaktan ako, hindi ko kayang dalhin niya rin iyon. Ngunit alam kong imposible. I was like this to Theo. I'm in pain whenever I see my son suffering so I'm sure, my father feels the same way. He wiped my tears away and made me look at him.

"Anak..."

I shook my head continuously and cried even more. Hindi ako makapagsalita. Bukod sa nahihirapan akong huminga dahil sa paghagulhol ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. What should I tell him? Can he bring Niko back if I beg him so? Can he do that?

I have long accepted this. Niko's line of work is dangerous, and death is inevitable. Only that even if I steeled myself for this situation, it still hurts. No one wants to lose their loved ones. It's shattering.

"Gusto mo bang magpahinga muna? Kami na muna ang bahala rito---"

"Kaya ko, Papa," pagsisinungaling ko. Gustong-gusto kong mapag-isa sa ngayon pero mas lalo ko lang maiiisip ang nangyayari sa paligid kapag ginawa ko iyon. "Kaya ko..."

Bumuntong hininga si Papa. Nilingon niya si Papa Harper na seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa at pinunasan ang luha ko. Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumating na rin sila Kuya Huxley, Alexei, at Natasha. Pati sila ay nagulat sa nalamang balita. Mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin si Natasha.

"Ate Gwyneth...is it true?"

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Nanlabo ulit ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Napasinghap si Natasha at humagulhol. Lumapit sa kaniya si Alexei at hinila para mayakap ang kapatid. My eyes were fixated on Alexei for a while.

It was hard seeing him, especially in this situation, because he looks just like Niko. A softer version, but still identical.

A stifled cry escaped my mouth. My tears fell nonstop. Umawang ang bibig ni Alexei para magsalita pero hindi niya na nagawa nang niyakap ako ni Kuya Huxley ng mahigpit. I tried to stop myself from crying but it only got worse.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak. Nagising na lamang akong masakit ang ulo at namumugto ang mga mata. Nasa kwarto na ako. Akala ko bangungot lamang ang nangyari ngunit nang masilayan ko na madilim na sa labas at malumbay ang paligid, unti-unti na namang dumaan ang sakit sa puso ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago tuluyang bumangon sa kama.

Enigma (Dauntless Series #4)Where stories live. Discover now