C43

54 1 0
                                    

Jobel's Pov

Pagka out ko ay agad akong dumiretso sa bahay ni Abel nag aalala kase ako dahil di ito sumasagot sa mga tawag at text ko sakanya kanina. Pagdating ko sa harap ng bahay niya ay agad na akong bumaba at dali daling pumasok sa loob. Nilibot ko na ang buong bahay pero wala siya. Isa nalang ang di ko pa napupuntahan at yon ay ang kwarto niya kaya dali dali akong pumonta don. At yon andun siya sa isang sulok at may hawak hawak na beer.

" Love " pagtawag ko dito pero di man lang ito umimik. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto niya at don ko nakita ang mga bote ng alak na nakakalat sa paligid.

" Anong ginagawa mo dito?." Malamig na sabi nito.

" Love tama nayan lasing ka na " sabi ko dito at akmang kukunin ang hawak niya ng nilayo niya ito sakin.

" Umuwi ka na " malamig paring sabi niya pero di ako nag patinag.

" Love please. Dito lang ako di ako a-" di kuna natapos ang sasabihin ko dahil sa sunod niyang sinabi.

" Di kita kailangan kaya umalis ka na " sabi nito at tiningnan ako ng malamig.

" Baby please wag kang mag salita ng ganyan. Tama nayang inum akin nayan " sabi ko at pilit inaabot ang alak na hawak niya ng sumigaw itaw.

" ANO BA?. DI KA BA NAKAKAINTINDI?. UMALIS KA NA DI KITA KAILANGAN." sigaw nito nasasaktan na ako sa mga ginagawa niya pero alam kong epekto lang ng alak ito kaya niya nasasabi ang mga ito.

" Hindi. Hindi ako aalis. Baby please tama ng inum nakakasama sayo yan ehh. " Sabi ko at pilit ko na wag umiyak sa harap niya.

" Umalis ka na bago pa kita masaktan " malamig na sabi nito kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango.

" Aalis na ako. Pero babalik ako bukas " sabi ko at niyakap siya bago ako tuluyang lumabas ng bahay niya. Pagpasok ko sa sasakyan ko ay don na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinalma ko mo na ang sarili ko bago ako umalis.



Makalipas ang tatlong araw ay maaga akong nagising para makapunta ako sa bahay ni Abel ng mas maaga para maipagluto ko mo na ito bago ako papasok sa trabaho. Excited na akong makita siya pero ibang Abel ang naabutan ko.

" What are you doing here?." Matigas na sabi nito.

" Gusto ko sanang ipagluto ka mo na ng breakfast mo bago ako pumasok sa trabaho" sabi ko pero tiningnan lang niya ako ng masama.

" Diba sinabi ko na sayong umalis ka na?. Bat di ka nakakaintindi??. Anong di mo na intindihan sa sinabi at di ka makaintindi?." Matigas na sabi nito.

" Ang di ko maintindihan ay kung bakit mo ako tinataboy palayo. Abel naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo pero di pa tapos ang laban. May mga tao pang naghihintay sayo may mga tao pang nandyan para sayo." Sabi ko dito.

" Umalis ka na " malamig na sabi nito.

" Abel p-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw ulit ito.

" ALIS " sigaw nito kaya don ko na di napigilan ang luha ko.

" Alam mo di ko maintindihan kong bat ka ganyan. Pero kahit mahirap iniintindi kita kase mahal na mahal kita. Pilit mo akong tinataboy palayo ng di ko alam kong anong dahilan. Kung yan ang gusto mo ang umalis ako. Wala na akong magawa ilang besis ko ng sinubukang intindihin ka ilang besis na akong nag papasensya sayo dahil mahal kita pero nakakapagod rin pala. Alam mo naka tanggap ako ng email kahapon don sa matagal ko ng hinihintay para makapag train abroad alam mo bang ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Di ko alam kong tanggapin ko pa kase ayukong malayo sayo. Di ko kayang malayo sayo pero ngayon may dahilan na ako para tanggapin yon. " Sabi ko at tumalikod na pero bago ako tuluyang makalabas ng bahay niya ay may sinabi pa ito.

" Ede umalis ka kung gusto mo. Wala namang pumipigil sayong umalis. Di mo ako magulang para pigilan ka " sabi nito kaya mas minabuti kong umalis nalang. Subrang sakit na sabihin niya yon sakin. Ano bang nagawa kong mali para gawin niya sakin to?. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin Siya pero bakit?.


Abel's Pov

Ng lumabas ng bahay ko si Jobel gusto ko siyang habulin para yakapin at humingi ng tawad sa mga nasabi ko pero ayukong maging hadlang sa mga pangarap niya. Masakit sakin ang mga sinabi kong yon pero wala na akong magagawa dahil nasaktan ko na ang taong mahal ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin at intindihin ako. Nakatanaw lang ako sakanya mula dito sa bintana ng kwarto habang umiiyak itong papasok ng kotse niya.

Napakasakit na makitang nasasaktan siya dahil sakin. Pano ko nalamang aalis siya?.

Flashback ..

Dali dali akong kumilos para puntahan sa hospital si Jobel para makabawi man lang sa mga nangyari tanggap kuna na talagang iniwan na kami ni papa. Pero wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin at maging masaya kase makakasama niya na si mama sa langit.

Papunta na ako sa office ni Jobel ng mapansin kong di ito naka sara ng maayos papasok na sana ako ng marinig ko ang usapan nila ni Cy tungkol sa form na matagal na niyang hinihintay. Pero ng malaman kong nag dadalawang isip siya ay nasaktan ako. Di dahil sa aalis siya kundi ang dahil sa ako ang dahilan kong bat siya nag dadalawang isip na umalis dahil ayaw niyang iwan ako. Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa umalis na sila pero di nila ako napansin dahil sa nagtago ako sa isang gilid. Nakita ko namang nakita ako ni Abby kaya nag kunwari akong parang may hinahanap.

" Abel ginagawa mo dito?. Si doc ba hinahanap mo?." Tanong nito ng makalapit sakin.

" Hindi. Si Cy kase ang hinahanap ko kase may pinapasabi sakanya ni Carlos at nakapag usap na kami ni Jobel. Tama, yon ang pinunta ko dito " sana maniwala.

" Ahhh. Ganun ba?. Si doc Cy na sa ER siya ngayong mga 9 pagkatapos ng rounds nila ni doc. Hayaan mo sabihan ko nalang siya pag nagkita kami  sa taas don din kase ako ngayon " sabi nito ng pigilan ko.

" Ahh. Wag na Abby aka makaabala pa ako sayo. Hayaan mo nalang mag kikita naman kami sa office niya mamaya. Di naman ako ng mamadali at gusto ko pang umikot ikot mo na dito " sabi ko at nakita kong napatingin ito sa relo niya.

" Sige. Ikaw bahala. Pero mauuna na ako at kailangan ko pang icheck ang ibang patients ni doc. " Sabi nito at tumango naman ako. Ng makaalis na siya ay don na ako napahinga ng maluwag. Muntik na ako don ahh. Mabuti nalang at nag mamadali Siya.

You're my HOMEWhere stories live. Discover now