C44

53 1 0
                                    

Abel's Pov

Matyaga akong nag hintay sa labas ng ER kong nasan si Cy hanggang sa makalabas ito at laking gulat niya ng makita ako.

" Abel anong ginagawa mo dito?. Nasa office lang si Jobel ahhh " sabi nito.

" Ikaw talaga ang sadya ko Cy. Pwedi ba tayong mag usap?." Sabi ko at tumingin mo na siya sa relo niya bago siya tumawag ng nurse at iniwan mo na dito ang ibang trabaho niya sakanya.

" Ok sige. San ba tayo mag uusap?." Tanong nito.

" Sumunod ka nalang sakin " sabi ko sakanya at gaya nga ng sabi ko nakasunod lang ito hanggang sa makarating kami sa lugar kong san ko unang dinala si Jobel.

" Wow. Ang ganda ang sarap ng simoy ng hangin. Pano mo nalaman ang lugar na to?." Sabi nito habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

" Natagpuan ko ang lugar nong mga panahong marami pa akong pinoproblema. At ikaw palang tsaka si Jobel ang dinala ko rito " Sabi ko sakanya at tumango naman ito.

" So?. Ano ang gusto mong pag usapan?. Baka sabihin mong na iinlove ka na sakin ha?. Wag ganun Abel mahal na mahal ko si Carlos " sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" Di na ako mag paligoy pa Cy alam kong nakita mo ako kanina." Sabi ko dito kaya napabuntong hininga siya.

" Narinig mo ba lahat ng napagusapan namin?." Tanong nito kaya tumango ako.

" Training abroad ang matagal ng pinapangarap ni Jobel. Di lang ito pangarap ng mga magulang niya kundi pangarap rin ito ng lolo at lola niya sakanya bago sila mawala. Bata pa non si Jobel kaya di pa niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi sakanya ng mga Lola niya noon. Nong makapasa kaming dalawa bilang isang doctor ay subrang saya niya kase ang Sabi niya matutupad na niya ang pangarap ng pamilya niya sakanya. Pero dahan dahan lang raw kase mahihirapan siya pag binigla niya ang lahat kaya nong 1year nanamin sa pagiging doctor ay may nasagap siyang balita galing sa  mga mataas saamin tungkol sa pag training abroad. Di tumigil si Jobel non para makapag submit ng file na kinakailangan ipasa. Ilang taon ang hinintay niya para don at ngayong araw na mismo na paunti unti ng matutupad ang matagal na niyang pinapangarap pero nag dadalawang isip siya " sabi nito at tumingin mo na sakin bago niya ituloy ang sasabihin niya. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya sakin.

" Nag dadalawang isip siya kung itutuloy pa ba niya o hindi na dahil ayaw ka niyang iwan at ayaw niyang malayo sayo dahil subra ka niyang mahal Abel. Next week na ang nakatakda niyang alis pa America pero nag dadalawang isip siya dahil sa kalagayan mo ngayon. Ayaw ka niyang iwan gusto niyang iparamdam sayo na nawala man ang mga magulang niyo si Dante at Dianne pero siya hinding hindi ka niya iiwan. Na kahit ipagtabuyan mo siya ay hinding hindi siya aalis sa tabi mo. Dahil ganun ka niya kamahal na kahit masaktan siya ng paulit ulit tatanggapin niya maiparamdam lang niya sayo kung gano ka niya kamahal " sabi nito sakin. Napapikit nalang ako sa mga naririnig ko sakanya.

" Kailangan ang flight niya?." Tanong ko dito.

" 6days mula ngayon " sabi nito sakin kaya bumuntong hininga naman ako bago ako tumango.

" Makakaalis siya papuntang America " sabi ko dito na ikinabigla niya.

" Ayukong maging hadlang sa mga pangarap niya. Masakit saakin na malalayo siya sakin pero kinakailangan. Sa gagawin kong to segurado akong masasaktan ko siya pero yon lang ang tanging alam kong paraan para makaalis Siya ng bansa. Ako ng bahala sakanya  " sabi ko at tiningnan siya na di makapaniwala sa sinabi ko.

" Sana di kayo magagalit sakung anong gagawin ko. Lalo kana Cy dahil best friend mo si Jobel " sabi ko dito at tinapik ang balikat niya tsaka ko siya iniwan don at pumonta sa bahay ng mga magulang ni Jobel para kausapin at ipaalam sa gagawin ko.

Nong una ayaw nilang pumayag dahil alam nilang masasaktan ang anak nila sa gagawin ko at bilang magulang ayaw nilang nakikitang nasasaktan ang anak nila. Pero nong ipinaliwanag ko Kung bakit ko gagawin yon ay di sila makapaniwala. Kase mag sasakripisyo ako para sakanya. Para sa mga pangarap niya.

End of Flashback ..

Jobel's Pov

Mamaya na ang alis ko pero ni anino ni Abel ay di ko man lang nakita. Siya lang naman ang hinihintay ko ehhh. Siya lang. Hinihintay kong sabihin niya sakin na wag na akong umalis at dito nalang ay gagawin ko. Ayukong mapalayo sakanya. Pero wala wala akong nakita.

" Bes ano bayan. Masisira ang make up na nilagay namin sayo ohhh." Sabi ni Bes na nakaupo dito sa tabi ko. Naghihintay kase ako ngayon dito sa airport na tawagin ang flight ko paalis. Nandito silang lahat pwera ngalang kay Abel.

" Jobel ang bilin namin sayo ahhh. Wag na wag mong kalimutan. Kung Meron mang umaway sayo don. Tawagan mo kami at susunod kami don para sayo. Basta one call away lang kami " sabi ni Nicole.

" Wag masyadong mag tiwala agad sa mga taong bago mo palang nakikilala. Di mo alam ang mga tumatakbo sa isip ng tao kaya mag iingat ka don " sabi naman ni Ej.

" Kung may magiging problema alam mo na. Sinabi na kanina ni Nicole yon kaya dapat alam mo na ang gagawin mo kung saka sakali man " sabi pa ni Carlos.

" Wag kang mag alala. Kami na ang bahala sakanya. Di namin siya pababayaan dito. Basta ang gawin mo lang ay ang mag focus ka sa ma bagay na gusto mong gawin habang nandon ka. Wag kang mag isip ng kung ano ano na makakapag stress Sayo. Kung bored ka don at gusto mo ng kausap. Tawagan mo lang kami kahit anong oras pa yan. Kahit gabe na dito at natutulog na kaming lahat o nasa trabaho kami kung gusto mo ng kausap tumawag kalang. Dahil kahit nasan man kami ay sasagutin namin yang tawag mo. Wag mong isipin na magiging istorbo ka o magiging pabigat ka saamin. Dahil hinding hindi mangyayari yon. Basta alam mo na ang kailangan mong gawin. Lagi kang magiingat don. " Mahabang sabi ni Mark. Saaming mag kakaibigan siya lagi ang seryoso at laging inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya. Nagiging kuya at magulang siya saamin kaya nakapa swerte ni Janin sakanya.

" Opo mga ma'am at sir tatandaan mo po lahat ng sinabi niyo. Basta kayo narin ang bahala Kina mama at papa habang wala ako ahhh " sabi ko.

" Oo naman. Kami ng bahala sakanilang dalawa. Kung papayag nga si tito don na kaming lahat titira habang wala ka ehh. Para kahit papano may kasama silang makukulit sa bahay niyo " sabi naman ni Bes na ikinatawa namin. Hanggang sa tawagin na ang flight ko nagyakapan mo na kami bago ako tumalikod. Pero bago yon at iginala ko mo na ang paningin ko sa paligid nag babakasakaling nandito siya at nasa malayo lang pero wala. Tumalikod na ako sa kanila habang yong mga luha ko ay naguunahan nanaman.

" Kaya ko to. Bye for now Philippines " Tanging sabi ko lang at huminga ng malalim bago ako tuluyang umalis.

You're my HOMEWhere stories live. Discover now