c21

57 2 0
                                    

Jobel's Pov

" Kumain kana mo na. Ayan inorder na kita ng pagkain at alam kong di kapa kumakain " sabi ni Bessy na halatang inaantok pa.

" Janin bat ka andito?. Diba partner ka ni Abel? Diba dapat magkasama kayong umalis?." Tanong ko sakanya.

" Kagaya ng apat ganun rin ang ginawa nya sakin" walang ganang sabi nito.

" Kung tatanungin mo kami kung bat kami andito ay sagutin mo muna ako. Anong ginagawa mo dito?. Sapag kakaalam ko 9 pa ang pasok mo and it's 6am may 3hours kapa para gumulong gulong sa kama mo" sabi ni bessy.

" Pagkaalis ni Abel kanina di na ako nakatulog kaya naisipan kong pumasok ng maaga." Sabi ko nalang at tumango sila.

" Kayo?. Anong ginagawa niyo dito?. Janin?. Diba dapat sa HQ ka?." Tanong ko sa kanila

" Lahat kami halos wala ring tulog kulang pa nga kami ng isa ehhh. Si Alex. " Sabi naman ni Sam.

" Bakit?." Tanong ko.

" Si Carlos naglasing at iyak ng iyak dahil sa ginawa ng boss niya " Sabi ni Bessy.

" Si Mark galit na galit at halos wasakin ang lahat ng gamit sa bahay " sabi naman ni Janin.

" Si Nicole naman nagwawala. Halos di ko na alam gagawin ko kung pano siya patigilin pati ako muntik na niyang saktan." Sabi naman ni Sam.

" Ako?. Wala lang napaaga lang kami ni Kyle dahil alam naming kailangan nila kami kaya kami nandito" sabi naman nitong si Abby.

" Magiging ok rin ang lahat. Kinausap ko na si Abel tungkol dyan kagabi. Ayaw niya lang talagang mapahamak ang mga kaibigan niya kaya niya nagawa yon." Sabi ko ng tumawa si Janin.

" Team kami. Isang team kami na handang mamatay para sa bayan pero binagsak niya kami mula sa itaas. Alam mo?. Kung wala lang akong respito sakanya bilang boss namin at nagkataon na mababa siya samin?. Sasapakin ko talaga siya kahit nandyna kapa sa harap niya. Subrang sakit ang binigay niya saamin kaya di niyo kami masisisi kung bakit kami nag kakaganito" sabi ni Janin.

" Tama na mo na yan. Kumain mo na tayo at may mga trabaho pa tayong naghihintay satin " sabi ni Kyle.

" Janin pagkatapos ba nito aalis ka?." Tanong ni bessy.

" San naman ako pupunta?. Wala yong boss ko dito alangan naman na papasok ako. Baka meron pakung mabogbog don pag nakarinig ako ng bulungan na kung bat ako Nandito samantalang yong boss ayon. Nakikipag patayan sa mga pangit na taong yon " gigil na sabi nito kaya napailing nalang kami.

" San ka ngayon?." Tanong ko sakanya.

" Pwedi bang dito mo na ako?. Matutulog lang naman ako baka pag umuwi ako di nanaman ako makatulog sa ingay ni Mark " sabi nito at humibak pa.

" Pwedi naman. Kaso mamaya baka may pumasok at magising ka. Don ka nalang sa room ko para walang istorbo" sabi ko sakanya na ikinangiti niya.

" Hay naku. Sana ganyan rin si boss " sabi nito at umiling pa.

" Mabait naman si Abel ahhh " sabi ni bessy.

" Pagkasama kayo. Pero pag kami kami lang na anim. Naku parang pinaglihi sa sama ng loob. Laging nakasimangot kahit saan mo siya tingnan napaka seryoso niya. Ang lalim lagi ng iniisip akala mo pasan pasan niya ang mundo sa laki ng problema niya " sabi ni Janin kaya nag taka naman ako.

" Napapansin ko rin yan at minsan napapahawak sa ulo niya at parang may iniindang sakit pero nagiging ok rin naman " sabi pa ni Abby.

" Jobel kayo naman laging magkasama ni Abel wala ka bang napapansin sakanya?." Tanong ni Janin umilin lang ako.

" Wala naman at isa pag magkasama naman kami sa condo o sa bahay niya minsan natutulog lang siya o di kaya mangungulit at mambwesit " sabi ko pero napapaisip ako sa mga sinabi nila.

" Kesa mag isip kayo ng kung ano ano dyan. Ipagdasal nalang natin na walang mangyaring masama sakanya. Nasa mission yong tao ohhh. Sainyong lima lang siya may kasalanan kahit naiintindihan naman ko naman kung bat niya nagawa yon. Pero kaibigan parin natin siya at kailangan rin nating mag alala dahil buhay niya ang nakataya ngayon " sermon samin ni bessy kaya nanahimik nalang kami. Tama naman siya.

Pagkatapos naming kumain ay iniwan nanamin si Janin sa office ko at ginawa na ang trabaho namin. Pero may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko alam kong ano.

" Bess ok kalang?. Natutulala ka dyan?." Tanong ni bessy nasa isang room kase kami ngayon ng patient namin na kakatapos lang mag opera kaya naka monitor kami sa kanya.

" Ok lang ako. Para kaseng nakaramdam ako bigla ng kaba?. Hindi ko alam kung ano at bakit pero ewan ko ba. Basta kinakabahan ako " sabi ko kaya agad niyang tinapik ang balikat ko.

" Wag mong masyadong iniisip si Abel kaya niya ang sarili niya at alam naman nating matapang yon. Magtiwala nalang tayo sakanya at ipagdasal natin na walang mangyaring masama" sabi nito at tumango nalang ako.

Pilit kong inalis sa isip ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko at baliwalain ang kabang nararamdaman ko at nag focus nalang sa ginagawa ko. Mabuti nalang at andyan yong mga kaibigan ko na handang umalalay sakin.

Ng matapos kami sa mga patients ay agad naman kaming bumalik sa office ko at naabutan naman namin ang apat na nakaupo at mukang nakatulog ata. Si Janin naman ayon. Masamang nakatingin sa kanila.


" Anong mukha yan Janin?. At bakit nandito Sila?." Tanong ko.


" Pumonta lang naman sila dito para mag ingay kaya naistorbo yong tulog ko at ngayon tingnan mo. Sila naman ang nakatulog at ako naman nawala nayong antok ko " sabi nito kaya napailing ako.

" GGGGIIIISSSSIIIINNNNGGGGGG " sigaw ni bessy kaya halos matawa kami sakanila dahil biglang gumulong si Carlos sa lapag at biglang yuko naman si Nicole si Ej naman ay tumalon sa likod ng sofa at nagtago si Mark naman ayon nahulog sa sofa.

" ASAN. ASAN ANG KALABAN???." tarantang tanong ni Carlos.


" ASAN YONG BARIL KO MARK " Sigaw ni Nicole kaya dinanamin napigilan ang tumawa.


" HAHAHAHAHA EPIC NG MGA MUKHA NIYO " tawang tawang sabi ni bessy na sinang ayunan naman ni Janin at iba pa. Kunot noo naman silang nakatingin saamin.


" Sarap na ng tulog namin ehhh " reklamo ni Mark.


" Aba. HOY FUENTES SINONG NAGSABI SAYONG PUMONTA KA DITO PARA MATULOG??. EDE SANA DI KA NAG DRAMA KAGABE AT NATULOG KA EDE SANA DI KA INAANTOK NYON. DIBA?????." Sigaw sakanya ni Janin nakita ko namang namutla si Mark HAHAHA.


" HOY CARLOS TUMAYO KA NGA DYAN." sigaw rin ni Bessy kaya mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Carlos ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si LA na seryosong nakatingin saaming lahat at parang may hinahanap nakasunod naman sakanya si Alex na namumugto ang mata.

You're my HOMEWhere stories live. Discover now