CHAPTER 3

8.8K 365 63
                                    

Natapos na ang dalawang subject namin ngayon ay break time na namin at pinuntahan ko na 'yung demonyita, baka magalit nanaman 'yun nag tatransform pa naman 'yun demonyita to dragon. Siguro kapag nag ka anak 'yun demonyita din kagaya niya kawawa naman magiging asawa niya.

Tumayo na ako at tuluyan na lumapit sa kaniya, nakita naman niya agad ako at ibinigay saakin ang bag niya sabay irap.

Luh sige irap pa papatirikin ko talaga 'yan tignan natin 9 months kang iiyak sinenyasan ko na mga kaibigan ko na sumunod, sumunod naman sila pero na pansin ko si Hazel, na ang sama ng tingin sa isang kaibigan ni Audri sino nga ulit 'to hindi manlang ako pinaka kilala ng bruhang ito.

Habang nag lalakad kami papuntang cafeteria ay maraming naka tingin saamin o sabihin natin kay Audri, sino ba naman hindi titingin dito, eh ang ganda ganda ang amo ng mukha, pero nakakatakot pag nagalit nagiging dinosaur tapos mag t-transform bilang dragon natawa nalang ako sa na isip ko ng biglang tumigil si Audri, at naka kunot ang noon na naka tingin saakin.

"Ano tinatawa mo diyaan ugly?" Luh maka ugly naman 'to, maganda naman ako kapag nag ayos ako sadyang wala lang akong pera pang bili ng mga damit at make up kit.

"W-wala po miss Audri." Kinakabahan at utal kong sagot inirapan niya lang ako at nag lakad na ulit habang nakikipag kwentuhan ako sa mga kaibigan ko ay nakita namin si Enrico, kasama ang barkada at bagong girlfriend niya na masayang nag bibiruan, biglang tumingin samin ang groupo nila Enrico.

Nagulat naman ako nang bigla akong hilain ni miss Audri at kumapit sa braso ko, tinignan ko siya ng nag tataka bigla siyang bumulong ng "Makisabay ka nalang tandaan mo slave kita, kaya wala kang karapatan na mag reklamo."
Tumango naman ako bilabg tugon.

Nag lakad kami ulit papuntang cafeteria ng biglang humarang si Enrico saamin "So, pumapatol kana ngayon sa tomboy?" Tanong ni Enrico, nakita ko naman napa irap si Audri kaya napa irap na din ako gaya-gaya ako eh.

"Pake mo ba atleast ako may taste hindi gaya mo panget na nga at mukha pang clown pinalit mo saakin. Wala kana bang taste?" Sagot naman ni Audri, bigla akong natawa sa sinabi niya kaya nakita ko ang sama ng tingin nung kurimaw na Enrico saakin.

"Ano tinatawa mo diyaan!" napailing nalang ako. "Masama bang tumawa may batas na bang bawal tumawa, judgerist ka ba?" nakita ko naman nainis si Enrico sa sagot ko. Aba dapat lang.

"Sa ngayon hindi kita papatulan pero sasusunod, babasagin ko na 'yang mukha mo kahit babae ka at mas matangkad ka saakin." Hindi ko nalang siya pinansin.

Tumuloy nalang kami pa cafeteria at binitawan na ni Audri pag kapit niya sa braso ko, kaya naka hinga ako ng maluwag kanina pa ako hindi maka hinga, dahil sa kaba.

"Ahhh miss ano po gusto niyo ako na bibili ng pag kain niyo." Nakita ko naman siyang napataas ng kilay. "Blueberry cheese cake and pineapple juice lang."

Binigay niya naman ang bayad at dumeretso na ako kasama ng mga kaibigan ko na sinabay na din ang order ng mga kaibigan ni Audri.

"Beh nakita kita namumula aminin mo nga may gusto ka ba kay miss Audri?" Biglang tanong naman ni hazel.

"W-wala ha mainit k-kase alam mo naman sa p-pinas diba?" Kinakabahan at utal-utal kong sagot habang si Aimee natatawa nalang dahil alam niyang may gusto ako kay Audri. Staka crush lang naman, hindi naman siguro masama magkaroon mg crush.

Bumili nalang kami ng pagkain alam kong hindi naniniwala si hazel dahil malakaa instinct ng bruha na ito. Siguto sasabihin ko nalang sa kaniya mamaya. Nang naka bili na kami ay dumeretso na agad kami sa lamesa nila at kumain ng mapayapa. Mabuti naman dahil gutom na ako, baka siya makain ko pag inaway nanaman ako.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Where stories live. Discover now