CHAPTER 10

8K 353 89
                                    

Kinabukasan maaga ako na gising ganito lagi routine ko, maaga ako nagigising para mag luto ng almusal nila at mag linis.

Pag tapos ko mag luto at mag linis ay kumain na ako, at naligo na dahil ayaw kong naaabutan nila ako tuwing umaga.

Nakala ligo at naka ayos na ako humarap ako sa salamin napansin ko may bakas pa rin pala sampal ng tatay ko naging pasa ito kaya hinayaan ko nalang, wala naman ako concealer para pang takpan sa pasa.

Lalabas na sana ako ng makita ko si mama elena at ngumiti siya saakin ng makita niya ako, pero nawala din 'yung ngiti niya ng tignan niya 'yung nasa gilid at baba ng labi ko na may pasa.

"Jusko bata ka may concealer ka ba para pang takpan dyaan sa pasa mo?" Tanong sakin ni mama elena. Umiling lang ako at niyakap niya ako.

"Hayaan mo na ang ama mo basta nandito lang si mama elena mo, h'wag kana malungkot ok?" Sabi ni mama elena ngumiti nalang ako sa kaniya at yumakap ulit.

"Salamat mama elena, aalis na din po ako baka makita ako ng tatay ko. Alam niyo naman na mainit dugo non saakin, ayaw na ayaw niyang nakikita ang pag mumukha ko." Sabi ko kay mama.

"May pera ka pa ba dyaan?" Tanong ni mama Sakin at akmang kukuha sa wallet niya, pero pinigilan ko agad ito. May natira pa naman akong pera dito. Kase sumasideline ako minsan sa university.

"Meron pa po ako ma, nag sideline naman po ako sa university." Naka ngiting sabi ko sa kaniya.

"Basta kapag wala kanang pera dyaan, h'wag kang mahihiya mag sabi saakin. Hindi ako mag dadalawang isip na bigyan ka." Niyakap ko ulit siya, dahil naappreciate ko siya kahit na hindi kami magka dugo, lagi niya akong tinutulungan.

"Aalis na po ako." Paalam ko sa kaniya.

Aalis na sana ako ng makita ko ang nanay ko. Tinignan niya lang ako, pero may na pansin ako tumingin siya na malungkot ang mga mata niya. Ewan ko kung guni-guni ko lang ba 'yung nakita ko.

Hindi ko nalang pinansin at umalis na ako. Nag lakad palabas ng subdivision namin para mag antay ng taxi papunta condominium ni Nat.

Alam niyo naman ito ang routine ko every morning, ang kasabay siya pumasok.

Habang nag aantay ako ng sasakyan ko ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

Tinignan ko kung kaninong sasakyan ito, parang familiar kase eh.

Ibinaba ng may ari ng kotse ang bintana at nagulat ako, dahil si Nat ang nakita ko. Naka ngiti siya saakin, kaya hindi ko maiwasan hindi ngumiti sakaniya.

"Get in, ako na ang susundo sa'yo dahil ang tagal mo." Inirapan pa ako, kaya naman napa kamot ako sa ulo.

"Sorry na, alam mo naman may trabaho ako. Kailangan ko mag luto ng almusal ng mga amo ko at mag linis ng bahay. By the way ang ganda mo, bagay sa'yo ang suot mong dress." Nakita kong namula siya, kaya hindi ko maiwasan hindi matawa sa isip ko.

Ang cute niya.

"Bakit ganiyan suot mo, kinalimutan mo pa mga binili ko sa'yo. Here suotin mo 'to, ang panget ng suot mo. What is that bakit may butas 'yang pantalon mo, ganiyan kana ba ka cheap mag suot ng damit?" Grabe nilait pa, uso kaya itong pantalon na may butas at tastas.

"Grabe ka naman sa pantalon ko, staka uso kaya ito." Pinakita ko pa sa kaniya iyong ibang tastas ng pantalon ko.

"What ever, here bilisan mo mag palit." Sabay abot niya ng paper bag.

Napa kamot naman ako sa ulo, kase sa loob ng sasakyan. Baka may makakita saakin, lalo na sa private part ko.

"Teka lang, dito ba talaga sa loob ng sasakyan mo? Baka may maka kita saakin, staka hindi ako sanay na mag palit ng damit kapag may kasama ako." Nahihiyang sabi ko.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon