CHAPTER 18

7.9K 379 158
                                    

Makarating kami sa pupuntahan namin, kung saan sikat na sikat na tourist spot ang sky ranch.

Sabi kase nila sikat daw ito kaya nag search talaga ako para dito at makapag enjoy din si Nat.

Bumaba na ako ng kotse at inalalayan siya maka baba "Welcome to sky ranch, sabi nila masaya daw dito eh." Nakita ko naman na masaya siya sa nakita niya.

"Thank you, ngayon lang ako naka punta sa ganito kahit dito naka tira ang lolo at lola ko, never akong pumunta dito." Nakita ko 'yung saya sa mata niya.

"Ngayon mag eenjoy lang tayo dito gusto ko makita na sumaya ka, habang nandidito tayo. Kung baga sulitin natin 'to, habang nandito tayo." Masayang sabi ko sa kaniya.

Hinila ko na si Natasha papasok sa loob. Nag bayad muna kami bago maka pasok, pag pasok namin nakikita ko sa kaniya 'yung hanga sa mukha niya.

"Tara sakay tayo sa rides na 'yun tawag dyaan sky eye." Nakita ko naman kinabahan siya "Hindi ba mataas 'yan?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, kaya hindi ko naiwasan hindi matawa. Pero agad niya itong tinanggal.

"H'wag ka mag alala kasama mo naman ako, ako bahala sa'yo." Paninigurado ko sa kaniya "Siguraduhin mo lang ha, kundi ihuhulog kita dyaan." pa8g tataray na sabi niya.

"Opo mahal kong reyna." Paninigurado ko sa kaniya, nilahad ko na ang kamay ko para iparating na hawak ko lang kamay niya.

Tinanggap naman niya agad ito at sumama na sakin. Sumakay na kami ng sky eye, pag sakay namin ay naka yakap agad siya.

Para siyang tuko ayaw niya akong bitawan, kaya niyakap ko siya pabalik.

Pag tapos namin sa sky eye ay nag pahinga muna kami bago kami sumakay sa nessi coaster.

"Humawak ka lang ng mahigpit ha or yakap ka sa likod ko." Sabi ko sa kaniya at agad naman niyang ginawa, kaya napangiti ako.

Umandar na agad naririnig ko pa siyang sumisigaw.

"Ahhhhhh fvck Luise, I told you pag na hulog ako dito sasakalin kita dyaan at ihuhulog kita!" Malakas na sabi niya kaya mas lalo akong natawa.

"Papaano mo ako mahuhulog kung nahulog kana, 'wag ka mag alala pag nahulog ka sasaluhin kita!" Paninigurado ko sa kaniya.

"Aba dapat lang saluhin mo ako, dapat panindigan mo 'yang sinasabi mo!" Sabi naman niya at natawa nalang ako sa isip ko.

"Opooooooo mahal na reyna!" sigaw na sabi ko sa kaniya.

Pag tapos namin ay naka baba na kami, yumakap naman agad siya at pinalo ako sa dibdib.

"Ayaw ko na doon, 'wag na tayo sa rides." Hinihingal na sabi naman niya kaya tumango ako.

Pag tapos namin sa sky ranch ay may pinuntahan pa kami isang place kung saan isang sikat na volcano.

Nakarating na kami sa taal volcano at hinila na siya dahil excited na ako, ngayon lang ako naka punta sa ganito sa libro ko lang nakikita ito.

Pero ngayon nasa harap ko na siya "Halika picture tayo memories din 'to." Sabi ko sa kaniya "Halatang excited ka masyado." Sabi naman niya.

"First time ko kase, sa libro ko lang nakikita 'to eh." Masayang sabi ko sa kaniya "Don't worry this is my first time too." Masayang sabi niya.

Lalo ako naging masaya kase first time din pala niya tapos ako pa kasama niya.

Pag tapos namin mag picture ay sunod na pinuntahan namin ay ang People's park in the sky.

Maganda din daw dito kaya dito ko rin napili "Wow ang ganda dito." Sabi ko sa kaniya "Yes maganda nga." sabi naman niya.

"Oo sobrang ganda talaga" sabi ko habang naka tingin sa kaniya lumingon naman siya saakin, kaya ibinaling ko agaad 'yung ulo ko sa ibang dereksyon.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon