Chapter 2

0 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa canteen kumakain ng lunck kasama ang barkada ni Jake. Lahat sila ay masayang nagkukwentuhan habang ako ay pinapanood ang lalaking nakita ko kagabi. Panay ang aksidenteng tingin namin pero ewan ko ba, nagugustuhan ko yung pa-iwas niya ng tingin agad. Gusto ko tuloy siyang makilala kung magkakaroon man ng pagkakataon.

"John, punta muna tayo sa tambayan namin" bumalik ang sarili sa ko sa boses ni Rose at dali-dali kong binuhat ang bag ko. Sa aking pagtayo ay alam kong nakatingin siya sa akin at pinagsawalang bahala ko nalang yun. Hindi ko na siya tinignan para malaya niya akong tignan lol.

Pagkarating namin doon ay naupo kami sa isang table malapit sa isang malaking puno ng mangga. Malapit siya sa covered court kaya malaya kang makakanood ng mga naglalaro ng basketball. Kalaunan ay nadivert ang kanilang atensyon sa mga naglalaro maliban sa lalaking BF ng isa sa mga barkada ni Jake.

Kalmado lang nanonood si Jake ng basketball kasama nung apat, kung matindi lang siguro itong si Jake baka naghihiyaw na to.

Biglang tumabi sa akin si Shina at biglang nagtanong sa akin ng hindi ko inaasahan. "Ui John, single kaba?". Nako, out of the blue ganyan ang tanong niya sa akin haha. "Ahm wala pa hehe, biglaan naman tanong mo haha" sabi ko.

"I am wondering lang naman kase John, you have looks then wala kang girlfriend? It makes me confuse lang" sabi niya?

"Hindi ko nga alam ehh, maybe there will be in the future if ever" kung alam mo lang na hindi ako on to girls.

"Even in Ilocos? Wala kang ex ganern?" Tanong niya ulit. "Wala ehh, strikto kase lola ko dun tsaka gusto niyang walang kahati ang atensyon ko sa pag-aaral kaya siguro ayun nasanay na ako" sabi ko nalang.

"Ansad naman haha, if I were you now nandito ka na sa Manila, why not to try magkaroon ng girlfriend? may lover kana at the same time companion sa mga bagay-bagay" she's right when you have a lover, dika na nagiisa at may karamay ka in all situations pero seryoso. I'm not in to girls talaga.

Hindi ko na sinagot si Shila kundi nginitian ko nalang siya. Nakakakaba yang mga tanong niya sa akin and I feel something different the way she ask me about those things. I'm not jumping into conclusions but I think she has a crush on me. Hays anyways nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na ako sa huli kong klase ngayong araw.

Katatapos ang aking klase at palakad na ako ngayon palabas ng gate ng marinig ko ang mga usapan ng mga kapwa ko estudyante.

"Haha alam mo sis try mo kaya magneargroup haha"
"Gaga alam mo na limited lang makakachar mo sa isang araw?"
"Well try niyo omegle kaya or tinder"

What if I'll try those too? mukhang di ako mabobored kung sakali man. Try lang naman hehe.

Bago ako pumunta sa apartment ko ay bumili muna ako ng lulutuin for dinner kaya sa market muna ako. Pagkarating ko dun ay bumili ako  na ako ng mga instant noodles, mga delata, karne at gulay. Alam ko magluto kase tinuturuan ako ni lola tsaka always ko kase siyang tinutulungan si lola.

Naaalala ko nga noon pagkabangon namin pareho sa umaga ay nagluluto muna kame pagkatapos ay kinocover muna namin. Magzuzumba kase kami every 6 am pero minsan diko siya nasasamahan pero mas maraming times na sabay kame nagsasayaw. Gusto niya kase na maging healthy kame kaya ganun lang then after ay magpapahinga kami tas kakain na. Hays, I miss you talaga lola.

Pagkabili ko ng mga kinakailangan kong bilhin ay naglakad na ako papunta sa mga tricycle. Ayaw ko kase na sumisigaw ako or pumapalakpak gaya g iba eh. Wala lang, nahihiya ako ee kaya lalapitan ko nalang sila haha.

Sa daan ay di ko inaasahan na makikita ko na naman siya. Actually kumakain siya ng street foods ng mag-isa. Napapaisip ako kung may mga barkada ba siya or what? seriously nakakaawa lang. Hindi naman siya yung kawawa kase for me gifted siya, matangkad tsaka he has looks i-add mo nalang na mabait siya or what? Wait diko pa pala kilala to haha. I mean masipag ganun.

Nakita ko din si Shila na naglalakad papuntang dorm ng  tita niya and kumaway nalang ako sa kanya at ngumiti siya. Hindi kase kami pareho ng time of classes at subjects kase nagtransfer lang ako.

Nung nakarating na ako ay nagluto muna ako tas ini-on ko yung home yung wifi ko para magkaroon na ako ng internet. Actually may load ako pero wag muna sayang yung regular load ko. Nakaplan kase tong wifi na binigay ni mama e sayang naman. May kaya naman ako kase need parin maging practical.

So time check, 9:00 pm, hindi pa ako antok so inopen ko muna ang laptop ko para dito na ako maginternet. If I heard it right, tatlo yung naaalala kong narinig ko sa usapan ng mga students sa harap ng gate ng school. Neargroup, tinder at omegle ata yun. Well I am not sure sa mga spelling kaya kailangan ko ng tulong ni genius google.com.

So itong si tinder at neargroup is available sa appstore pero itong si neargroup is pwede rin sa messenger. Itinray ko tong si tinder muna pero natawa ako, hindi instant kase tsaka pwede naman lagyan ng picture pero ayaw ko ilagay litrato ko haha. Kailangan may match na maganap para may kachat. Diko mun siya i-auninstall kase baka may makausap ako ngayon or bukas depende haha.

Sunod kong sinubok ay si neargroup, pero nadisappoint ako kase may limit kase. Every day, meron kang parang four keys para makipagusap, every conversation with a person kase yun. Nakakatama kase ako ng mga taong ineend agad kaya sayang yung isang key ko. Then pag ubos na you'll need to stop and wait for it reload again.

Ok last na to talaga, so eto na nga. According kay google sa browser mo siya magagamit and wala siyang app sa appstore. Intended siya for phones browsers and at the same time pwede sa desktop computer or laptop. Dito nalang ako sa laptop para mabilisan lang yung pagtatype ko hehe. Mabilis kase akong magtype sa actual keyboard.

Para daw manarrow downg yung sakop ng omegel mo is maglagay ng mga interest mo. Kanina kase wala ako nilagay ehh puro foreign na nakakausap ko wala nang Pilipino haha.

Yung inalay ko sa interest ko ay Philippines, Manila tsaka kind haha and yung nandito sa ***** university. So heto na nagart na maghanap ng chat. Hinintay ko muna then meron nang nahanap, magkapareho kami ng interest na manila din.

Stranger: hi there
Me: Hello
Stranger: M24

Anu daw diko gets yang m24, banda ba yan?. Napaka ignorante ko naman haha

Me: anu?
Stranger: male 24 yrs old.

Ahh haha ganun pala yun, pinaliit lang. Grabe tinatamad ata magchat mga to.

Magrereply pa sana ako pero inend na niya, naboboringan na ata to. Ipagpapatuloy ko nalang to bukas, inaantok dahil inaantok na ako. Maaga pa naman bukas yung klase ko.

Goodnight Self...

A stranger that I met onlineOn viuen les histories. Descobreix ara