Chapter 3

0 0 0
                                    

Kuma-kain kame ngayon ng lunch sa isang fast food, puno na kase daw yung canteen ng college namin tsaka mahaba pila kaya we just agreed na sa fast food nalang. Nagaadjust pa ako kaya insted na magisa ako ehh sumama nalang akonsa kanila since hindi pa ako gaanong pamilyar sa lugar dito sa manila sa tagal ko sa ilocos.

Sa totoo lang kanina ko pa napapansin ang BF ni Tiff na napapatingin sa akin and when I am catching his stares, ay napapatingin nalang siya sa ibang direction. This kind of situation really bothered me lalo nat lalaki to, ayaw kong magkaroon ng bad thoughts about sa kanya as possible. If he wanted to ask something or tell me something, kinausap na sana niya ako even nandito friends ng girlfriend niya.

Malapit na kaming matapos pero nagpaalam muna ako na magsi-CR muna. "Guys CR muna ako" pagpapaalam ko sa kanila. Tumango naman sila habang si Jake ay nginitian ako. Yung BF ni Tiff ngayon ay nakatitig sa akin and it really makes me uncomfortable.

Papasok na ako sa CR and I can assure na siya ang sumusunod sa akin ngayon. Sa ngayon ang masasabi ko bahala na, sa part ng may toilet nalang ako pumunta para makaiwas ng konti sa kanya dahil may sara. Sa kalagitnaan ng pagiihi ko ay bigla siyang nagsalita.

"John Rey right?"

"Ahh oo, bakit Mike?" Pagtatanong ko na parang ok lang ako.

"Kakapalan ko na mukha ko sayo, kailangan ko lang kase ng tulong eh nahihiya akong sabihin kay Tiff to" Now we're talking. Lumabas muna ako para harapin ko siya.

"Anu ba yun Mike?" I can see na wala naman siyang balak na masama and siguro humanap lang siya ng timing just to approach me.

"Honestly John, tinakbo ospital mama and lahat ay napupunta sa medication niya. Ngayon financially, nahihirapan na ako kase wala akong alam pagkuhanan ng allowance tsaka napalayas na ako sa dorm ko. Kinakapalan ko na mukha ko kase sa tingin ko may kaya ka. Pasensiya na talaga" Nakatingin siya sa baba while telling me that his really in need.

"Bakit yung mga friends mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala ehh, pareho kaming nangangailangan ng pera tsaka sapat lang yun sa kanila. Please, kahit anong ipagawa mo gagawin ko, oras na makahanap ako ng part time, I'll pay you back"

"Look Mike, hindi kita gaanong kilala but sige. I'm willing to help you and you don't need to pay me back. Ngayon meron ka bang lugar na pagpapalipasan ng gabi?"

"Wala na, dala ko na ang mga gamit ko" nahihiyang sabi niya.

"Kaya pala mejo malaki bag mo kanina haha" patawa kong sabi sa kanya. Napakamot nalang siya sa kanyang batok.

"Sige, doon nalang tayo sa apartment mamaya, doon nalang tayo sa harap ng school magkita?" Sabi ko.

"Salamat talaga John Rey, promise gagawin ko lahat ng ipapagawa mo sa akin"

Tinapik ko nalang yung balikat niya at sabay na kaming lumabas ng CR. Pansin ko na hindi gaanong kinakausap ni Tiff and BF niya, ngayon alam ko na kung gaano kabigat itong pinagdadaanan ni Mike. Since may kaya naman ako, hindi ko na ikakailang na tulungan nalang siya. Kawawa yung tao talaga and sa nakikita ko there is a possibility that he will loose Tiff. Sana magkaayos sila soon.

Pabalik na kame sa school at iniisip ko yung naging desisyon ko if tama ba. Ewan ko kase pero talagang naawa ako sa tao lalot walang wala siya. Siguro nahalata niya ata na may kaya dahil sa mga kasuotan ko. Basta bahala na talaga, wala sanang masamang mangyari sa aking pagtulong, hays bahala na talaga.

Uwian na at talagang medyo marami nang mga requirements pero kaya naman hehe. Ay oo nga pala baka hinihintay na ako Mike, nako kinakabahan ako. Pagkarating ko sa harap ng university ay nakita ko na nakaupo siya sa loob ng guard house. Mukhang nagkakatuwaan sila ng guard.

A stranger that I met onlineWhere stories live. Discover now