Chapter 4

0 0 0
                                    

Pagkagising ko ay nakita kong nakapwesto ang higaan ni Mark sa diding katabi ng mga cabinet ko. Bumangon na ako at naalala kong holiday pala ngayon so walang pasok. Nakita ko ang lamesa na merong mga nakahandang pagkain na niluto niya. 

Ngayon ay nood siya sa banyo at sa tingin ko ay naliligo siya dahil sa tunog ng tubig sa loob. Habang kumakain ako ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mark na half naked kaya medyo napatigil ako pero pagkakuha ko nang senses ko ay agad akong nagsalita. "Mark bat dika pa nagpalit diyan sa loob"

Well I don't care if he knew kung ano talaga ako ngayon, I don't have any intention to him or even green intention.

"Pasensiya na, nasanay na kase akong ganito maligo. Hindi ko nadadala yung mga damit ko sa loob" sabi niya.

"Ok  pero sanayin mo nalang, it makes me uncomfortable" antanga ko talaga promise, what on the world na nasabi ko yun. Ngayon hinulog mo ang sarili ko by giving him clue.

"Sorry, diko naisip yun agad hehe, sa susunod dito na ako sa loob magpapalit. Pasensya na" what? So this means alam na niya from the start na nakita niya ako? Well merong guys naman na ganun, madaling mangkilatis.

Nung nakapalit na siya ng damit ay nagtanong ako if nasabi na ba niya na nandito siya sa apartment.

"Actually di na kami nagkakaintindihan, I already open up my situation to her pero nagaway lang kami"

"Huh? Nag-away? Bakit?"

"Hindi ko maexplain pero ang naiintindihan ko sa usapan namin ay hindi niya talaga ako mahal. She refuse to help me and hindi ko na sinabi na nandito ako. Baka magaway pa kayo"

"Dika kita maintindihan Mark, are you telling me na parang she used you?" Walang ideyang tanong ko sa kanya.

Napabungtong hininga nalang siya saka nagsalita "Parang ganun na nga siguro, for one year hindi ko akalain na ganun lang pala ako sa kanya. Di niya ako tinulungan ngayon nangangailangan ako. Ang masaklap ay ikaw pa na kakakilala ko lang ang buong loob na tumulong sa akin"

"Alam mo Mark kung ano man ang nangyayari ngayon sayo, huwag mong isipin na miserable na buhay mo. Kung pinagsamantalahan yang kabaitan or pagmamahal mo, di sana yun ang way para hindi ka magpatuloy. Sabi nga ng lola ko, lahat ng mga nangyayari, pwedeng masama o mabuti. Nagiging aral yun para maging matatag ka at malagpasan ang mga susunod na pagsubok sa iyong buhay. Tska nandito naman ako na tutulong sayo, basta kapit lang"

Kaya pala kagabi ay parang malungkot siya. I never thought na ganun pala si Tiff, makausap nga minsan si Jake tungkol sa mga barkada niya. Kawawa naman tong si Mark.

Nakatitig ngayon siya sa akin at tila may namumuong luha sa kanyang mga mata. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Alam mo, napakabait mong tao tska mahal na mahal ka siguro ng lola mo" pagkasabi niya yun ay unti-unting lumabo ang paningin ko at nagsimulang lumabas ang luha sa aking mga mata.

"Halla ui" pagkasabi niya yun ay agad siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry for bringing that up, hindi ko kase alam na sobra kang attached sa lola mo" sabi niya.

"No I'm fine, naalala ko lang siya. Pero ang masasabi ko sayo Mark, let go of the things that makes you hard to go forward. Nu bayan angdrama naman to" pagkasabi ko non ay tumayo na ako at kinuha ko na pinagkainan ko para hugasan ito.

"Ako na boss haha" sabi niya.

" Hoy wag ka mang-agaw ng trabaho. Umupo ka nalang doon mag-Internet" pabiro kong sabi.

"Ehh alangan naman na palamon ako? Nakakahiya naman yun ehh"

"Baliw ka haha, hindi naman kita inaalipin ahh? Baka anung isipin mo ahh. Wala kong hinihingin kapalit tska bukal sa loob ko na tulungan ka" sabi ko.

"Ok ok po sir pero akin nalang yan haha, ikaw ang umupo tsaka mag-Internet. Relax kalang dun hahaha"

"Kulit mooooooo, sige na nga"

Tumatawa nalang siya habang hinuhugasan ang mga pinagkainan ko. Binuksan ko nalang tung laptop ko para manuod ng movies sa Netflix.

Pagkatapos niyang maghugas ay tinabihan niya agad ako. "Ui, mahilig ka pala sa Marvel. Pwede makinood? Hehe" tumango nalang ako.

"Ay nakalimutan ko palang ibigay sayo to" tumayo ako para kunin yung isa kong susi dito sa apartment sa aparador. "Heto, susi to ng apartment ko ito incase na mahuli kang umuwi or hindi tayo sabay na lalabas o uuwi"

"Salamat" nakangiti niyang sabi pero pinagsawalang bahala ko na yun.

Pagsapit ng gabi ay nagyaya si Rose, Jane at Jake pero diko alam kung pupunta ako. Meron kase silang ginawang GC sa amin at pansin ko na aware din si Mark dito kase nakatitig siya sa phone niya. Bale alam kong connected yan sa internet kase binigay ko kanina password ng wifi ko.

Biglang nagpou-up message ni Tiff sa GC, "Ofcorz girls, gora ako dyan" with matching happy emoji. This bitch, ewan ko pero ngayon ay naiinis na ako sa babaeng to. Parang di niya boyfriend tong si Mark. Sa pagkakabasa ko ay sa bahay nila Rose kami pupunta, hindi naman daw kalayuan bahay nila and sa pag-uwi ay ihahatid daw naman kami. Birthday kase ang kapatid ni Rose.

Biglang nagfriend request si Shila sa akin at nagmessage. "Ui sasama ka ba? Sabay na tayo? Wait ko reply mo in 3 minutes"

"Mark pupunta ka ba dun kina Rose?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko nga rin alam, pupunta ka ba? Kung oo sama nalang ako"

"Sige, punta nalang tayo"

Nagchat nalang ako kay Shila na mauna nalang dahil hindi naman pwede na malaman niya na nasa iisang lugar kami ni Mark. Baka kung anung maisip pa niya sa akin.

Pagkarating namin ay agad kong hinanap si Jake at nakita ko siya malapit sa pintuan. Medyo marami silang bisita pero ok lang, nakita ko si Tiffany na papalapit sa akin at hinawakan ako sa braso. "Lika doon tayo sa likod John Rey, nandoon sina Shila"

Minabuti kong pigilan ang inis ko dto kay Tiff at alam ko na nakasunod si Mark. So totoo lang medyo reveling tong suot ngayon ni Toff compare kapag nandoon siya sa school.

Sa kalagitnaan ng aming paguusap habang kumakain ay nagpaalam naman si Tiff para magCR. Palihi, na sinundan naman ito ni Mark pero di naman sa nacucurious ako. Concern lang ako kung anu yung nangyayari kaya tinanong ko kung saan ang CR nila Rose. Actually nakita ko na kung saan papunta sina Tiff at Mark pero nagkukunwari nalang ako para di halata na sususndan ko sila.

Nang makalapit na ako sa pintuan ay doon ko na unti unting narinig ang usap nila.

"Mark ayaw ko na sayo, I don't feel the same way na ok? So please tigilan mo na ako?"

"Tiff please, wag namang ganito, wag mo naman akong iwan oh"

"Alam mo Mark, sa totoo lang sawa na ako sayo ehh. This past few months wala ka naring ibang dada kundi nanay mo ehh"

"Tiff-"

"Shut up, Mark dimo na nga ako tinutulungan sa mga problema ko sa bills ko sa school ganyan ka pa. Siguro may babae kana ehh. Imposible na kailangan lahat ng mama mo yung pera mo, impossible naman na walang naititira sayo"

"I'm being transparent to you Tiff walang wala ako ngayon. Diba binibigyan naman kita half ng allowance ko para kahit papano may allowance kadin sa school"

Nako iba talaga itong si Tiff, nakaka-inis naman siya. Apaka-selfish.

"Yun nga ehh napaka-imposible na kase, lokohin mo na ang lahat Mark wag ako tala-"

Hindi ko na tinapos yung usapan nila dahil bumalik na ako kina Shila. Grabe hindi ko matake yung totoomh ugali ni Tiff. Nagtake-advantage siya talaga kay Mark financialy. Hindi ko na alam kung minahal niya ba talaga yung BF niya or what. Kung iisipin sana open minded sana GF niya at most of the time siya dapat nakakaintindi kay Mark pero baliktad talaga.

Bahala na talaga pero kahit anong mangyari I'll help Mark and sana maging ok siya sa maikling panahon...Kailan rin kaya ako makakapag-omegle no? Hays

A stranger that I met onlineWhere stories live. Discover now