Chapter 5

0 0 0
                                    

Nasa school ako ngayon at katatapos lang ng aking klase at naisipan ko munang pumunta sa mall para bumili ng vacuum flash. Ang hirap kase kapag hinihintay naming kumulo yung tubig ehh dalawa na kaming gumagamitvng stove. Bale dalawa itong binili ko para hindi naman unfair pero at the same time extra na rin. Hindi kase sanay tong si Mark maligo ng malamig na tubig sa umaga kaya nagpapakulo siya.

Pumunta na rin ako sa 7/11 para bumuli ng isang soju, alam niyo na pampawala konti ng nararamdaman. Broke hearted ngayon si Mark eh kaya kinuhanan ko nalang even I don't know kung umiinom ba siya nito haha.

Saktong 6:00 pm na akong nakarating ng apartment at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang umiiyak sa study table ko pero hindi naman yung sobra, yung konting iyak lang. Nilagay ko kumuna yung mga vacuum flask sa lababo at soju sa ref tsaka ako naglakad palapit sa kanya at tinapik ang kanyang likod.

"Nakauwi kana pala, nakaluto na ako ng kanin. Mamaya ko nalang lutuin yung ulam hehe inantay kase kita baka lumamig" sabi niya habang pinupunas ang kanyang luha.

"I know na you are broken, relax kalang muna. Ako na bahala sa lutuin"

"Hindi ako makapaniwala na ganun siya, all this time talaga, all, this, time"

"Alam mo, wag mo na siya isipin. Wag ka masyadong magpaapekto kase baka ikaw pa masira tsaka dika naman nagiisa ehh" Sinabay ko na ang pagkuha ng mga lulutuin sa ref.

"Hindi niya alam kung gaano ka kabait at hindi niya alam kung sino sinayang niya. Tska come to think of it, magtapos ka kaya muna bago ka mag-jowa hahaha" pabiro kong sabi. Napatawa ko naman siya kahit papano.

"Ui tulungan na kita"

"Nako Mark, kasasabi ko lang, relax kalang muna, ako na bahala"

So makulit siya talaga kaya ang ginawa ko nalang ay nagpakulo nalang ako ng tubig sa isang side ng stove na ilalagay sa mga vacuum flask na binili ko. Tinignan ko sa ref yung binili kong soju tska ko nilapag sa lamesa, sakto namang nakita niya ito kaya agad niya itong nilapitan.

"Kuha kana baso mo alam ko takam na takam kana haha"

"Opooooo" agad siyang kumuha ng kanyang baso at siya na ang unang bumukas at uminom nito. "Ahhh" masarap na ba yun?

"Ikaw John Rey, tagay ka na rin"

"Nahh di ako umiinom, binili ko yan para sayo" sa sinabi kong yung ay ngumiti siya sa akin at tumagay pa ng isa.

Basta madivert lang niya ng kaunti ang iniisip niya para di siya masyadong maapektuhan. Pumunta muna ako sa study table ko at icheck yung phone ko. Pagka-on ko ng wifi ay nagpop-up na ang maraming nonfictions kasama na dun ang text ni mama.

Mama: Kumusta ka anak? Are you ok ba? If ever you need something magtext or chat kalang sa akin ahh? I love you nak!"

Napangiti nalang ako sa text ni mama kaya nagreply ako.

Me: Opo ma, I am fine naman. I love you too ma"

Pagkasend ko ng message ko ay sinunod kong chineck tong mga notification ko sa FB at instagram. May friend request at nagfollow lang sakin na kaklase ko.

"Hoy Mark yung priniprito mo sunog naaaaa"

"Ay sorry haha napasarap lang ng inom hehe" haha nabihag na ng soju.

Kinagabihan ay nakaplano na mago-omegle ako hehe. Naliligo si Mark habang ako ay nagtitimpla ng kape ko habang hinihintay na mag-on laptop ko.

Pagkatapos kong matimpla ang kape ko ay umupo na ako sa study table ko at binuksan ang bintana. Papapasukinnko yung malamig na simok ng hangin sa aking kwarto. Clinick ko na yung browser ng laptop ko para makapag-simula na ako hehe. So eto nagstart chat na ako.

A stranger that I met onlineWhere stories live. Discover now