12

378 8 0
                                    

SA mahigit apat na oras na biyahe at sa wakas narating din nila ang sinasabing isla. Unang lumabas ang mga kasamahan nila na walang paligoy-ligoy dahil sa   exicitement na nadarama na kita din naman sa mga mukha nila.

Sunod na bumaba ang dalaga dahil sa hindi niya rin maiwasan na makita ang taglay na kagandahan ng isla. Habang ang kanyang nobyo ay naiwan sa sasakyan dahil ipaparada pa ito.

Sumunod ang dalaga sa kasamahan niya na  ngayon ilang metro din ang layo mula sa kanya. Kitang kita niya kung gaano kasaya ang kasama nila lalong lalo na ang kapatid nito. Kita rin niya ang dalawa na sila Lero at Kristine na nagkukulitan at habulan tila asot pusa. Bumaling ang paningin niya sa paligid dahilan para siya mapahinto at doon nakita niya kung gaano kahusay at kaganda ang isla,kulay puti ang buhangin at naghahalong asul at berde na karagatan dagdagan pa sa napaka-aliwalas na kalangitan. Kahit na mainit hindi mawari'y na maraming tao ang naliligo, marami rin ang mga banyaga na tila nagbibilad pa sa ilalim ng araw at ang iba nama'y nakahiga sa ilalim ng malalaking payong na ginawa nila, sadya upang maprotektahan ang kanilang katawan laban sa araw.

Isang minuto din siyang nakamasid sa mga tao gayon din sa lawak ng karagatan. Nang biglang may umakbay sa kanya dahilan para siya'y napawindang tsaka siya tumingin dito. Nang napagtanto niya na ito ang kanyang nobyo bigla siyang napasandal sa batok nito habang na nakatingin sa karagatan.

Ilang minuto din sila sa ganoong sitwasyon habang tinatanaw ang kagandahan  ng Isla wari'y isang paraiso na pinalilibutan ng tubig. Hanggang sa napagdesisyon ni Kyron na ayain ang kanyang nobya na pumunta na sa resort upang magpahinga dahil sa pagod na rin ito gayon din si Alexa.

Nang nakapunta na ang mag nobyo sa sinasabing resort, halos magulat ang dalawa dahil sa kanilang mga kasama na tila kanina pa nag iintay sa kanilang pagdating.

"'Bat ang tagal nyo? Saan ba kayo galing!?" inis na tanong ni kristine sa dalawa.

Agad naman nilapitan ni Alexa ang kanyang kaibigan na tila inis na inis subalit alam niyang mapapawi rin.

"Diyan lang sa tabi, nagpahangin?" sambit niya sa kanyang kaibigan.

"Aba malay ko sa inyo" kuryusidad nitong diwa.

"Sorry na" tsaka nag peace sign sa kaibigan na nakangiti.

Pumunta naman agad si Kyron sa Counter upang kuhanin ang mga susi. Sa katunayan ay bago palang sila pumunta rito ay nagpareserba na siyang tatlong kwarto para sa kasamahan din .

Ibinigay naman nong isang babae ang tatlong susi sa kanya tsaka pumunta sa kasamahan. Na agad din niyang ibinigay sa kay Nay Belen at kay Lero na kanyang kaibigan tsaka pumunta sa kani-kanilang silid. Si Nay Belen at Dodong ay sa isang kwarto habang si kristine at lero naman ay magkasama rin sa ibang kwarto at ang mag nobya't nobyo ay may sarili rin silid.

Dahil sa pagod at budlay na nadama ni Alexa hindi niya na malayan na mag tatakip-silim na pala, tumingin siya sa relo na bigay ng nobyo niya nong nag monthsarry ay eksaktong 5pm na pala. Nilibot ng dalaga ang pannigin niya sa kwarto na napagtnto niya na nag iisa pala siya rito.

"Talagang hindi ako ginisng ng mga 'yon" bulyaw niya sa sarili.

Agad siyang tumayo, sabay lakad papuntang pinto upang hanapin ang kasamahan niya lalong lalo na ang nobyo nito.Palinga linga siya habang lumalakad baka sakaling makita niya ang kanyang hinahanap. Nang makalabas siya sa resort may narinig siyang nagtatawanan.

Sa pagkakarinig niyang iyon alam niya na ito ang kanyang mga kasama. Kaya naman hinanap niya ito, lakad-linga ang knyang ginawa habang sinusundan ang tawanan. Sa di nagtagal natagpuan niya rin ito na kumakain sa isang cafeteria kung tawagin. Lumakad siya pa punta sa kasamahan niya bitbit ang hindi maipintang mukha.

"Hon, buti naman gumising ka na," masayang sabi sa kanyang nobya.

"Halika kana kumain kana" pagyayaya p nito. Muling pina upo niya ang kanyang nobya na kanina pa hindi mipinta ak mukha.

Kinuhanan siya ng pag kain ng kanyang nobyo, sari-saring pagkain ang inilagay sa kanyang plato muling ibinigay sa kanya. Agad naman hinablot niya ang pagkain dahil sa kanina pa kumukulo ang kanyang tiyan dahil sa guton na nadama. Walang sabi-sabi inupakan niya ang nakahaing pagkain sa kanya halos hindi niya maalintana kung anu ang kanyang ginagawa. Aaminin niyang ngayong lang siya nakaramdam ng ganitong gutom na halos ilang buwan wala siyang kain. Hindi naman niya inintindi ang mga titig ng pamilya niya na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Hon, take it slow para namang hindi ka kumakain ng ilang week niyan" diwa ng kanyang nobyo.

"Tsee, paki alam, eh nagugutum ako eh" inis nitong bulyaw sa nobyo.

"Lumayo ka nga! Ang baho-baho mo!! " dagdag pa niya. Lumayo namn ng kaunti ang kanyang nobyo. At muli niyang inupakan ang pagkain.

Samantala si Nay Belen naman hindi mawari ang kanyang pagtataka sa kinikilos ng dalaga. Di hamak na ngayon lang niya ito nakita nagka ganito ang dalaga pakiwari'y niya ito ay nagdadalang tao subalit hindi niya muna pangunahan ang dalaga dahil gusto niya na ang dalaga mismo ang makatuklas nito.

"Anak, gusto mo nito?" pag abot niya sa dalaga ng manggang hinog.

"Opo nay, ang bango nito"ngiti sa labi ang hatid ng dalaga nang pumukaw ang amoy nito.

At muli sinunggaban na nman ang pagkain na lalo nagpataka sa kanyang nobyo na kanina pa pinagmamasdan ang mga gawi ng kanyang nobya. Ito sanay niyang pigilan at sabihin na hinay-hinay lang sa pagkain ngunit pakiwari na huwag nalang niyang pakialaman sapagkat baka naman siyay pagalitan nito at mas lalong mainis sa kanya. Kaya pinabayaan niya na lamang ito at bumalik sa kanyang ginagawa.

Habang ang kapatid naman ni Alexa na si Dodong hindi mai uga-uga sa pagkain dahil sa kagustuhan na nitong pumunta sa dagat at muling maligo. Subalit kung gaano nito kagusto na maligo ganon din ang kagustihan ni Alexa na wag na nitong papuntahin sa tubig dahil mag didilim na rin dahilan upang lumongkot ang mukha nang kanyang kapatid.

Kasama ng kanyang kaibigan na si Kristine at Lero ay pumayag rin ang dalaga na papuntahin uli ang kanyang kapatid sa dagat. Kampanti naman siya rito dahil nga na kasama nito ang kanilang kaibigan.

"Bumalik agad kayo ha, Kristine baka magkasit niyang kapatid ko 'wag mong hayaan na masyadong magbabad doon." mahabang bigkas sa kaibigan.

"Oo namn Besh, ako nang bahala sa kapatid mo... Oh halika na kayo!" agad naman tumakbo ang kanyang kapatid papunta sa dagat kasunod nito ang kanyang kaibigan at si Lero. Napailing nalang ang dalaga sa nakita at muling bumalik sa pagkain.

Nagsasalubong ang araw at karagatan. replika nitong liwanag sa tubig galing sa araw ang tumamatama sa kanilang mga mukha habang pinag-mamasadan nila ang palubog na araw senyalis na magdidilim na. Habang kaakap siya ng kanyang nobyo mula sa likuran sabay nila tinitingnan  kung paano lumobog ang araw at unti unting lamunin ng dilim ang liwanag.Ramdam din nila ang humahaplos na malamig na hangin na tumatama sa kanilang mga balat. Hinigpitan siya ng yakap sa kanyang nobyo dahil sa ramdam narin nito ang lamig na siyang na pansin ng kanya g nobyo kaya mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayap upang panatiliin ang init sa kanilang mga katawan.

Minuto rin ang itinagal nila sa ganong sitwasyon hinintay na lumubog ang kabuuan ng araw. Ngayong tanging alon at hangin ang maririnig sa paligid kita rin ang unti-unting pagdilim ng paligid dahilan upang ginawin ang dalaga.

Nang napansin ng kanyang nobyo na naginginig siya agad na napag desisyonan na ayain pumunta sa kanilang silid upang magpahinga o di kaya naman matulog na. Hawak kamay nila ngayong binabay-bay ang daan tungo sa kanilang kwarto. Bago pa mn na dumating sila sa kanilang silid kita nila kung gaano ka ingay ang mga tao sa tabing dagat, musika, sayawan at hiyawan ang naririnig hula nila na ito ay mga lasing na. Gayon pa man ipinagwalang bahala na lamang nila ito at muli nag lakad papunta sa kanilang kwarto.





VetBert23

Club Series #1:UNDER PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon