16

238 7 0
                                    

"SIR Kyron andiyan na po si Maam Viviane" bungad sa kanila ng guard nasi Mang Alisto.

"Sige mang Alisto, salamat" sagot niya rito sa lalaki.

Habang si Alexa hindi alam kay kung bakit malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Natatakot siya dahil alam niyang ina ni Kyron ang dumating at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito pag nalaman nobya siya ng kanyang anak. Nabigla siya nang hinawakan ni kyron ang kanyang nanginginig na kamay.

"Okay kalang Hon? , nanginginig ang kamay mo" tumango naman siya dito pero sa loob-loob niya ay nenerbyos siya.

"Wag kang mag-alala Hon mabait si Mommy sigurado ako magugustuhan ka non." ngiti na lang ang naging sagot niya sa kanyang nobyo habang patuloy ito sa pagmamaneho.

"Surprisee SON!" malingaw-ngaw nitong salubong kay Kyron na ngayon yumakap sa kanyang ina.

"I really miss you Son!" bigkas nito habang nakayakap.

"I miss you too Mom" sagot din niya sa kanyang ina tsaka kumalag sa pagkakayakap.

Puno ng saya ang puso ng Babae na muling mahagkan ang kanyang anak. Ilang buwan din sila walang pagkikita dahil nga sa pagpapatakbo nito sa kanilang company nasa US, paminsan-minsan lang din itong tumatawag sa telepono upang magkaroon ng kumunikasyon sa anak. Mangiyak-ngiyak niyang muling niyakap si Kyron lat ganon fin ang binata sa kanya.

"Where is Dad, Mom?" tanong niya sa kanyang ina.

"Andoon pa anak, alam mo namn iyon na hindi umaalis hanggat mayroong pang dapat ayusin. Pero wag kang mag - alala son susunod din yon pagwala ng problema sa company natin" paliwanag nito kay kyron.

"Oh may kasama ka pala anak, who is she?" pagtatanong nito nang dumako ang tingin kay Alexa.

Tumabi naman si Kyron sa kanyang nobya at hinawakan nito ang nanginginig na kamay ni Alexa.

"Mom, she's my girlfriend, soon to be wife" sagot namn niya sa kanyang Ina with a big smile in his face.

Si Alexa naman hindi mapigil ang kaba habang tinitingnan nito ang Ina ng kanyang nobyo. Nang pumunta ang tingin ni Viviane sa kanya halos mahimatay siya dahil sa takot at kaba dahilan upang ang kanyang tuhod ay manghina. Dahil sa mahigpit ng pagkakawak niya sa kamay ni Kyron hindi siya natumba bagkus hinawakan siya ng knyang nobyo sa beywang nang nahalata na ang kabyang katawan ay puno ng tensyon.

"She looks beautiful son and I remember someone from the past, what is your name Iha?" ngumuti naman si Alexa habang nakatingin ito sa kanya.

"Alexa Madrigal po maam" sagot niya sa babae na ngayon nakatulala sa kanya.

"Mom, ok ka lang ba?" tanong ni kyron sa ina nang mapansin ito na biglang natulala at walabg response sa kanyang nobya.

"Yeah Im ok son, dont worry, hali na kayo para kumain nagluto na ako kanina-kanina lang dahil sa miss ko nang magluto." tila balisa ito sa kanyang sinasabi.

"And Alexa Welcome to our family" ngiti nitong sabi kay Alexa, na ngayon hawak ang kanyangg kamay.

"Salamat po, Maam" ngumiti naman siya dito at nabigla siya dahil sa bigla nitong pagyakap sa kanya.

"Wag mo na akong tawaging Maam, just call me Mommy total as my Son says magiging asawa ka na niya" at iginiya naman siya nito papunta sa dining upang kumain.

Hindi maipinta sa mukha ni Alexa ang galak ng kanyang nadarama dahil hindi siya makapaniwala na tatanggapin siya sa pamilya ng kanyang nobyo. Inaamin niya na natatakot at nahihiya siya dahil sa wala siyang maipagmamalaki katulad ng mga bagay na mayroon ang kanyang nobyo at pamilya nito. Subalit laking tuwa niya na nataggap siya  kung ano at mayroon siya ngayon at kailanman hindi niya iyon itatapon.

"Mayroon ka pa bang kapatid Alexa?" tanong sa kanya.

"Yes po, Mom, Raphael po ang pangalan"

"eh nasaan siya ngayon?" tanong muli sa kanya.

"Andoon po sa bahay ng kaibigan ko?" tumango naman si Viviane sa kanya. Alam ni Alexa na kinikilala siya nito dahil ito rin ang nagyayari sa mga palabasa ng kanyang napapanuod.

Marami pang katanungan ang itinanong sa kanya ni Viviane, paminsan minsan idinadaan ito sa biro na lalong nagpa ingay sa kanilang pagsalo salo. Hindi niya mawari na marunong pala ito sa mga biro dahil sa unang exprsyon niya dito ay tila suplada, mataray at mata-pobre dahil sa mga suot nito at sa mukha puno ng kolorite subalit nawala lahat iyon nang nakikila na niya ito ng lubusan. Inaamin niya na naging judgemental siya sa ina ng kanyang nobyo. Naging madali ang pag komportable ni Alexa sa ina ng kanyang nobyo na siyang dahilan upang sumabay na rin siya sa mga kwelang usapan ng mag ina.

"Hon, are you okay?" nang mapansin ni Kyron si Alexa na tulalang nakatitig sa kanya. Dahilan upang bumalik siya sa saril.

"Ah oo nman, Im okay hon, masaya lang ako ngayon dahil sa tanggap ako ng mommy mo." ngumisi siya dito.

"I told you mabait si mommy and I know na tanggap ka non, kaya wag kanang mag-alala, Hon, okay? Beside wala namang maggawa si mommy kundi tanggapin ang pagmamahalan natin dahil mahal na mahal na mahal kita" pinisil niya ang pisngi ng kanyang nobya bago ito hinalikan sa labi.

"At mahal na mahal rin kita, Kyron" hinawkan rin niya ang mukha ng kanyang nobyo at dahan dahan pumalapit ang kanyang mukha at muling dumampi ang kanilang mga labi sa isat-isa.




VetBert23

Club Series #1:UNDER PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon