8

776 42 10
                                    


T A L A


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang logo ng three-storey-building na nasa harapan ko. It's been two years simula ng maitayo ito at hanggang ngayo'y tila kumikinang pa rin sa kanyang paningin.



"Bakit ngayon ka lang?" salubong sa akin ni Manager 2 pagpasok ko pa lang ng opisina niya. "Kanina pa kita pinapupunta dito hindi ba?" taas-kilay pang tanong nito.



Nakanguso naman akong naupo sa harap ng table nito.



"Napasabit lang Manager 2, ano bang agenda natin today?" tugon ko at pilit isinisiksik sa kasuluksulukan ng utak ko ang babaeng nagngangalang Liv at ang lalaking kasama nito ngayon.



Marahas akong napahinga at napakunot. Bakit parang masyado akong affected? Hindi naman kami close, kanina nga lang kami nakapag-usap ng matagal. Hindi rin naman dapat big deal na may iba pa palang taong tumatawag sa kanya ng Liv, hindi ba?



"Para saan iyon, Manager 2?" tanong ko dito habang sapo ang noong pinitik nito.


"Mukha kasing hindi ka matatapos sa pakikipagtalo sa sarili mo." wika nito. "May nangyari ba?"



Umiling lang naman ako at umayos ng upo.



"Ano bang pag-uusapan natin? May problema ba?" I asked at pinipilit ang sariling mag-focus!



Pinagmasdan muna ako nito bago kumunot at sumeryoso.



"About the exhibit, are we gonna use the paintings in the shop?" tukoy nito sa mga paintings na nakadisplay sa first floor ng coffee shop. "May mga space pa naman for them if ever."


"Hindi na." turan ko. "Anim lang naman iyon, hindi ba? Mas okay na sila dun for public viewing.. may mga customer din kasi na iyong paintings ang binabalik-balikan."


"Okay noted." then she paused and looked at me. "About the new painting.." tila nagdadalawang-isip na wika nito. "Oh, nevermind."


"Was it bad?" I asked her. "It symbolizes hope. I wanted to express my feelings that day when I woke up without those nightmares." I smiled a little. "I tried to hold on, but it's actually fading. That was the only day it happened. Nitong mga nakaraang araw, I intentionally work my ass off to have a good night sleep pero bumalik lang sa dati. Waking up in the middle of the night while gasping for air, the feeling that someone was watching me, the throbbing pain behind the scars." napakagat ako ng labi while playing with my fingers. "I want to remember that day through that painting."


"I-I understand." Manager 2 muttered. "But Ave, don't push yourself. You're getting better."


TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now