16

670 44 9
                                    


"H-ha?"


She sighed and faced me. Seryoso ang mukha nito kaya ramdam ko ang dobleng pagbilis ng tibok ng puso ko. Sinubukan ko ding bawiin ang kamay kong hawak nito pero hindi niya ito binitiwan, bagkus ay lalong hinigpitan.


"You're not ready for this?" she carefully asked. "Averill." tawag pa nito. "I have feelings for you. I like you."


"W-what? Y-You like me?" parang tangang wika ko.



Pres nodded at mataman pa ring nakatingin sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga dahil para akong aatakihin sa puso. Gusto ko lang namang kumain ng buffalo wings, bakit may nangyayaring confession?!


"I—"

"Valencia! Let's go na! Mamaya na kayo mag bebe time diyan!"



"Hoy Valencia, hindi ito mukbang. Magsalita ka naman!" sita sa akin ni Shey, bago muling bumaling sa screen ng Ipad. Consistent sa pagiging istorbo talaga itong si Shey! "Salamat po sa Malacañang, salamat po sa lahat ng Avenatics na walang choice kundi panoorin lang kumain ang kanilang idolo. Ganda lang po talaga ang ambag niya ngayon."



Ngumuso naman ako at binaling ang atensyon sa pagbabasa ng mga comments. Hindi ko naman napansing natulala na pala ako kanina, nawala sa isip kong nasa Kumu live nga pala kami ni Shey. Kasalanan ito ng isang babaeng nananahimik sa tabi ni Calista!



"Thank you po sa lahat, manood po ulit kayo ng games namin next week." turan ko nang mapansin ang pag-ulan ng congratulatory messages. "Thank you din po sa pagdaan dito sa Kumu live ni Shey, sa lahat po ng nagbabagsak, salamat po. Ang lahat po ng dias for today's live ay ilalaan po namin sa lahat ng nasalanta ng bagyong Karding."


"Yes guys, kaya wag po kayong mahihiyang magbagsak. You can post questions too regarding Valencia, she'll answer it guys. Sulitin niyo na." segunda ni Shey. "Later on, magpapaakyat po kami ng limang lucky fans para makapag papicture kay Valencia. Gusto niyo yern?"



Sa Kumu talaga lumalabas ang pagiging maarte nitong si Shey. Hindi niyo natatanong pero medyo sikat na streamer ang babaeng ito. Hindi lang halata. Bale pangalawang guesting ko pa lang ito sa stream niya, my first was during her debut stream.



"Okay lang po kami ni Elie, thank you for asking, guys." sagot ko. "Nasaan siya? Maybe in her condo." wika ko pa bago muling binalingan ang kinakaing buffalo wings. "Did you eat na Avenatics? Kumain din po muna kayo while watching."


"Bukod sa Avenatics, kasama din natin ang AveLie shippers." wika ni Shey. "Halos lahat ng comments about sa inyo."


"Guys, kalma." natatawa kong tugon. "Thank you sa lahat ng supports niyo but I'll say this once and for all, Elie and I are just friends. Palulubugin ko na po today ang barko niyo."

TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now