19

697 30 2
                                    

"W-what happened?" hinihingal kong tanong kay Shey nang makapasok ako sa SC Office. "H-Hey Shey, I'm asking you."



Ilang beses naman itong napakurap at hindi makapaniwalang tiningnan ako bago aligagang pinaupo ako sa couch at nagmamadaling inutusan si Calista na ikuha ako ng tubig.



"Gago, bakit ka andito?!" bulalas nito at kaagad pinainom sa akin ang inabot ni Calista na bottled water. "A-ano okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"

"What's happening Shey?" nagtatakang turan naman ni Calista.



I closed my eyes for a while dahil hinahabol ko pa ang hininga ko, ramdam ko pa din ang bahagyang panginginig ng katawan ko. I thought I'll not survive! Silang dalawa lang ang andito ngayon sa office, mukhang busy ang ibang officers dahil last day na ngayon ng Sportsfest. Wala naman talaga akong balak umattend, kung hindi lang dahil sa tawag ni Shey tungkol kay Pres.



"Where is she?" I asked ng medyo umayos na ang pakiramdam ko. "Tell me what happened, Shey."

"Malalagot tayo nito kina Ate Mia." mahinang untag ni Shey bago pabagsak na naupo sa tabi ko. "Okay ka na? Ang rupok mo din, ano?"

"Just tell me what happened." naiinip ko nang turan, "Calista? What happened to Pres?" baling ko kay Cali dahil mukhang wala akong mapapala kay Shey. Mukhang nagpapanic na din kasi ito.



Nilingon muna ni Calista si Shey bago tumikhim at nagsalita.



"Kanina kasi during the morning program, biglang nagkaroon ng power interruption habang nagbibigay si Tito Bernard ng speech as one of the guest speakers. Actually, hindi na naman sakop ng SC ang tungkol doon, naka-assign iyon sa Univ maintenance and utility staffs. And nagbigay na rin kami ng advice sa kanila before the event na ihanda ang generators in case of unexpected power interruption. But sad to say, 16 minutes pa ang lumipas bago nila napagana. Tito Bernard was furious at si Kirsten ang napagbalingan in front of the students. She was humiliated." mahabang turan ni Calista.

"She's in her office, actually kanina pa, hindi pa siya lumalabas. We tried to talk to her pero nasisigawan lang kami." sumbong naman ni Shey. "I called you kasi akala ko tatawagan mo lang, hindi ko naman ineexpect na susugod ka dito!"



Tumayo ako at naglalakad na palapit sa pinto ng opisina ni Pres, pero muli akong tinawag ni Shey.



"May isa pang problema, Valencia. Kung makakausap mo siya ng maayos, ikaw na ang mag inform sa kanya." seryosong wika ni Shey.

"What is it?"

"Hindi makakarating ang drummer/vocalist ng bandang magpeperform mamaya." saad nito. "We're currently conducting an on-the-spot audition, pero as of now, negative pa." problemadong turan pa nito. "The board members will be there later, as well as Kirsten's father."

"Just continue the audition." wika ko at hinawakan na ang doorknob ng opisina ni Pres. "Talk to you later." I quietly entered her office and muling isinara ang pinto. "Pres?" Tulog ata si Pres, nakaunan kasi ang ulo nito sa magkabilang braso na nakapatong sa kanyang table.

"Leave." malamig nitong tugon na ikinagulat ko, hindi pa rin ito nag-aangat ng ulo. "Leave me alone, please."



Napakamot ako sa noo ko, tatalikod na sana ako kasi leave nga daw, pero naalala kong medyo pasaway pala ako at lumapit pa lalo sa gilid niya.



"Did you eat?" I asked at kinalabit ang braso nito, "Pres."

"I said le—-Averill?" nakasimangot itong nag-angat ng ulo, medyo magulo ang buhok, mapula at namamaga ang mga mata, maya-maya'y bahagyang umawang ang bibig nito at ilang beses ding kumurap nang marealize na ako nga ang nasa harap niya. "Y-You're here."



TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now