Chapter 59:Rehab

716 41 2
                                    

Gab's POV

hindi 'to pwede,hindi ako addict at never akong magiging addict kailangan kong makatakas dito dahil for sure gagawin ni Dad yung sinabi niya papadala niya ako sa rehabilition center hindi ko makakaya yon

Umalis si Dad ngayon ang kasama ko sa loob ay si Irene lang dahil yung tatlo nagulat din sila.Damang dama ko yung pag-alala sa mga yakap niya

"Adi help me,hindi ako addict" iyak kong sabi sa kanya

"kailangan kong makatakas dito" dagdag ko dito at kumawala sa mga bisig niya.Tinignan ko siya sa mga mata

"Sorry Gab but I'm not in your side this time,kailangan mong magparehab para hindi ka na lumala" sabi ko dito

"Lumabas din yung totoo na hindi mo rin ako kakampihan,,you know me well Irene.Kilalang kilala mo ako naniniwala ka din na kaya kong gawin yun?,kulang na nga lang pati paghinga ko iupdate kita" sigaw ko habang umiiyak

"Gab hindi naman sa ganoon,kakampi mo ako sa lahat kaya nga pinipili ko kung anong makakabuti sayo" sabi nito sa akin

"kakampi kita sa lahat? mukhang hindi naman ata nangyayari yan ngayon Irene dahil ang totoo wala ni isa sa inyo ang naniniwala sa akin" iyak na sabi ko

"I'm so sorr.." hindi pa niya nasasabi ay pinutol ko na ang sasabihin niya

"Get out of my room" sigaw ko kaya agad pumasok si Manang,Greggy at Loren

"insan calm down" sabi sa akin ni Loren

"ayoko kayong makita,get out" sigaw ko pagtapos binasag yung mga gamit na nasa gilid ko hanggang sa magkasugat ako sa may bandang wrist at malalim ito

"mas mabuti pang iwanan muna natin siya" sabi ni Manang

"I'm always here for you Gab" huling sambit ni Irene bago lumabas

Nakita kong kinocomfort siya ni Greggy sa pamamagitan ng pagyakap dito.

Kailangan kong makaalis dito kaya kahit masakit pa ang balikat ko,tumayo ako atsaka pumunta sa banyo.Andito naman yung damit ko bago ako mabaril kaya ito na lang ang susuotin ko.

Pumasok ako sa banyo ng room ko at doon sinuot yung damit palabas na ako ng kwarto ng marinig ko ang malakas na boses ng nagkwekwentuhan at sa tingin ko sila loren kung kaya sumilip ako hindi pa man ako tuluyang nakakasilip ng makita ko si Daddy na may mga kausap at bigla siyang napalingon sa akin

"that's her" sabi niya pagtapos naglakad papunta sa restroom yung babae at ilang lalaki

bago ko pa man isarado ang pinto nakalapit na sa akin ang mga lalaki at pinilit nila akong inilabas mula sa restroom.May sinuot silang damit sa akin.

"You can't do this to me,Dad please!!" umiiyak kong sabi sa kanya dahil inilalabas na ako ng mga lalaki

"para sayo rin yan anak,mahal ka ni Daddy.Pagbalik mo ayos na ang lahat" sabi nito habang nilalayo ako ng mga lalaki

inilabas ako sa room ko at nakita ko si Irene na nakayakap kay Greg habang umiiyak

"please,alagaan niyo siya para sa akin" sabi ko kay loren

"we will" sabi naman ni Loren at Manang

Hindi alam ni Greg na may namamagitan sa amin ni Irene.Iiwan ko si Irene at sa pagbabalik ko magiging masaya kaming dalawa.

To be continue

My Professor,My LoverWhere stories live. Discover now