Chapter 6

9 3 0
                                    

"Hello sunshine!"

Bungad ko pagkabukas pa lang ng aking mata. Nakakangiti akong bumangon at nag-inat ng aking katawan. Tinignan ko ang alarm clock na nasa side table ng aking kama.

Napangiti na lang ako ng makita na mas maaga pa akong nagising ngayon kaysa sa mga nakalipas na araw.

Excited na talaga akong makuha yung copy ng Two Worlds. Mabuti nga at nakatulog pa ako kakaisip kung ano ang nangyari sa kwento.

Iniligpit ko muna ang aking higaan, tinupi ang kumot at isinalansan ang mga unan ng maayos. Sunod, nagtungo na ako sa bathroom at nag-ayos ng aking sarili. Nagsipilyo, naghilamos ng mukha at naghugas ng aking katawan.

Nagpalit na rin ako ng damit. All I want to do is make our breakfast for today. Nagmamadali akong bumaba at sakto naman na hindi pa nagigising si mama.

Nakangiti akong nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang cabinet na puno ng mga ingredients. Nakatayo lang ako sa harap ng mga ingredienta habang iniisip kung ano ang masarap na lutuin.

Ilang minuto rin ata akong nag-isip kung anong lulutuin. Nagningning na ang mata ko ng makaisip na ako ng aking lulutuin.

Kinuha ko na ang mga kailangan kong ingredients sa paggawa ng pancake. Kumuha ako ng harina, itlog, baking powder, sugar, salt and milk for the base of pancake. Then I also picked up chocolate bars, whipped cream, butter, vanilla and sugar to make different syrup for our pancakes.

Kumuha na rin ako ng mga tools na kailangan ko sa pagluluto. Isinalansan ko ang mga ingredients at sinimulan ko na ang paggawa ng pancakes.

Nagsimula muna ako sa paghalo-halo ng mga dry ingredients and tapos ay hinalo ko na rin ang mga liquid ingredients. Make sure na isang way lang ang galaw ng kamay mo sa paghahalo and after I make sure na tama na ang consistency ng mixture ay nagprepare na ako ng pan. Tikman ko pa ang mixture to make sure na tama lang ang lasa.

Keep in mind na dapat mahina lang ang apoy para hindi masunog ang ginagawang pancakes. I scoop the pancake mixture and add it to the pan.

Tinakpan ko naman ito at hinintay na maluto. Naamoy ko na nga ang mabangong aroma ng aking niluluto. Nakakagutom naman itong amoy na ito.

Nakarinig naman ako ng yabag ng paa na pababa ng hagdan. Napangiti na lang ako, siguro nagising si mama sa amoy ng aking niluluto.

"Hey, sweetie. Ang aga mo naman today?"

Halata sa hitsura ni mama na kakagising lang nito at nagmamadali itong bumaba. Gulo-gulo pa kasi ang buhok nito at bahagya pang nakapikit ang mata. Natawa na lang ako sa hitsura ni mama.

"Nagprepare lang po ako ma ng breakfast natin. You can go back to your room po and tatawagin ko na lang po kayo if tapos na akong magluto," saad ko. Napatango na lang si mama at muli ng umakyat para bumalik sa kanilang kwarto.

Inihango ko naman ang naluto kong pancake at inulit-ulit ko lang ang process ng pagluluto.

Nakaluto ako ng 10 big pancakes. Next, ay gumawa na ako ng chocolate syrup. I melted the chocolate bars and filled it with condensed milk. Afterwards, I obtained the consistency I want. I put the syrup in the piping bag and start to decorate some of the pancakes. I create some emoji out of it.

I also try making the caramel syrup using butter,vanilla and sugar. Nang magawa na ako ng caramel syrup ay nagstart na ulit ako mag decorate ng pancakes. Yung mga natira naman na pancakes ay whipped cream ang aking nilagay.

Iniligpit ko muna ang mga ginamit ko na tools and ingredients. Ayoko naman na maabutan ni mama na makalat ang kaniyang kusina.

Nang matapos akong maglipit ay nagsimula naman akong magprepare ng mga plates, fork and bread knife. I arrange it accordingly. I also make some juice for mama and me, hot choco for my brother and coffee for papa.

As soon as I was done setting the table, I grinned.

Nagkapag tabi na rin ako ng dadalhin kong pancake for Elisse and pancake for the guy na pupuntahan namin. Nakakahiya naman kasing pupunta kami ng empty handed, kami na nga ang mang-aabala. Mabuti na lang ay may mga cute packaging kami sa bahay, mahilig kasi si mama na magpabaon sa amin ni Blaze ng mga foods na kaniyang niluluto.

Nagmamadali naman akong pumunta ng room nila mama and papa para sabihin na ready na ang lahat. Ginising ko na rin si Blaze, nakasimangot pa nga ito noong una, pero ng marinig na nagluto ako ng pancake ay nagmamadaki itong tumayo. Pabirito kasi nila ang luto ko, sabi nga ni mama namana ko raw ang galing niya sa pagluluto.

I absolutely love to cook. Minsan nga ay mas gusto pa nila ang lasa ng luto ko kaysa sa mga restaurants. May specialty is carbonara. Si Elisse nga ay laging nagrerequest sa akin na paglutuan ko raw siya ng carbonara. Gusto niya raw kasing malaman kung totoo ang sinasabi ng pamilya ko na masarap akong magluto.

Lagi kasi siyang nahuhuli at nauubusan ng carbonara. Lagi kasing nauubos nila ang carbonara lalo na si Blaze, sobrang hilig nito sa carbonara.

Napanganga naman sila sa food presentation ko and table setting. Para nag-iwan kasi ng hotel presentation vibes ang paghahanda ko. Napaupo na lang sila at hindi maalis ang tingin sa lamesa.

"This looks tasty and appealing. Nakakahinayang naman itong kainin," komento naman ni mama. Nagtawanan na lang kaming lahat.

Before we eat nag lead muna si mama ng prayer then we started to eat peacefully.

Nang matapos kaming kumain ay napahawak sila sa kanilang mga tiyan.

"Looking forward kami sa mga sunod mong lulutuin anak. Napakahusay mo talaga magluto," komento naman ni papa habang hinihimas pa ang kaniyang tiyan.

Nagustuhan din nila ang mga tinimpla kong drinks para sa kanila. Tamang-tama raw ito sa panlasa nila at sobrang sarap pa nga raw. Nagrerequest nga sila na magluto raw ulit ako bukas dahil linggo naman at wala akong pasok.

Si mama na ang nagvolunteer para maghugas ng mga pinagkainan namin. In fairness hindi ako inasar ngayon ni Blaze. Dapat ata ay lagi ko na silang paglutuan para maiwasan ko na rin ang pang-aasar ng bunso kong kapatid. Nakadalawa pa nga itong pancake dahil sarap na sarap nga daw siya sa pancake na niluto ko.

Umakyat na ako para bumalik na sa aking kwarto. Maghahanap pa kasi ako ng damit na isusuot. Ibinilin ko na rin kay mama ang dadalhin kong pancakes.

Ngayon nandito na ako sa harap ng mga damit ko. Napili ko na lang magsuot ng simpleng blue dress, blue doll shoes and I will partner it with a black sling bag.

Perfect!


Napaupo na lang ako sa aking kama para makapagpahinga. I checked my phone and hindi pa nagmessage si Elisse. Siguro ay natutulog pa itong si Elisse. Tanghali na kasi ito nagigising tuwing weekend.

Age GapOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz