Chapter 12

3 3 0
                                    

“New Club”

Ayon na nga nagkaroon ng screening para maging member ng club. I did a great job naman dahil mahilig talaga ako sa comics.

Nahuli nga ang ibang applicants na wala naman pala alam tungkol sa comics. Umamin sila na gusto lang nila sumali dahil kay Noah and Finn at iba pang mga gwapo at magaganda na members.

Disappointed ang ang president ng club which is Finn dahil sa mga reason ng mga bagong applicant.

And ayon na nga namili na sila ng mga bagong member at isa na nga  ako sa napili.

Halos sampu na lang nga ata ang nakuhang bagong member ng club. Nalaman ko rin pala na kung ano ang sinalihan mong club ay ito na ang permanent na club mo hanggang sa maka-graduate na kami ng college.

Ayos na ayos naman iyon sa akin dahil for sure may chance akong makahanap ng magandang babasahin. Inaalala ko nga lang ang kaibigan kong si Elisse na sumali sa Taekwondo Club.

Hindi pa ito ulit nagmemessage sa akin kung nakapasa na ba ito. Napangiti na lang ako at naisipan na ibalita kay Elisse kung anong club ang aking sinalihan.

Sigurado akong maiinggit iyon kapag nalaman na may ganito palang klase ng club.

Nag-hintay lang ako magreply ito at wala pa rin itong reply. Napataas na lang ang kilay ko dahil sa pag-snob sa mga message ko.

Si Elisse kasi ay yung tipo ng tao na sobrang bilis magreply kahit ano pa ang kaniyang ginagawa.

Tinabi ko na lang muna ang phone ko sa aking bag at naghintay na lang sa sunod na gagawin namin. Katabi ko ang iba pang mga bagong member. Nagmeeting pa kasi ang mga officer ng club kasama ang dean's secretary. Kami naman ay naiwan lang dito sa classroom.

Narinig ko nga lang na parang kulang pa raw sa menber itong club at umiisip sila ng paraan paano mapupunan ang pwesto.

Bored na bored naman ako habang naghihintay. Wala kasi akong makausap dahil mga seryoso itong mga katabi ko, kung nandito lang sana si Elisse.

Palipat-lipat na lang ako ng tingin sa kanan at kaliwa ko. Kung minsan naman ay magbrowse sa aking social media accounts. Hindi pa rin ako nakakatanggap ng message kay Elisse.

Ibinalita ko na rin sa kaniya na may kulang pang member itong club.

Ilang minuto lang ay tumunog na ang phone. Dali-dali ko naman binuksan ang phone ko. At ayon na nga nagreply na si Elisse.

“Papunta na kami diyan!” saad nito sa kaniyang mensahe.

Napakunot na lang ang noo ko at sino naman kaya ang kasama nito. Tapos na kaya ito sa pag-apply sa taekwondo club na gusto niyang salihan.

“Sino naman ang kasama mo?”

“Basta, hintayin mo ako!”

Itinago ko na ang phone ko sa aking bag at sakto naman na dumating na sila Finn at ibang mga officers ng club. Isinara naman nila ang pinto ng room at nagsimula na rin naglagay ng upuan sa aming harapan.

Nang makaupo na nga ang mga ito ay nagsimula ng magsalita ang President ng club which is Finn. Ang ibang officer naman ay may kaniya-kaniyang ginagawa, meron nag notes ng meeting meron gumagawa ng props ang iba naman ay nagdrawing.

Ang aastig naman talaga ng mga members ng club na nasalihan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti. Sobrang excited kasi ako sa magiging experience ko dito.

“Hello, I apologize for the inconvenience. As we discussed during our meeting with our dean's secretary. We need to get two more members so that we can get our budget for our foundation day program.” Magalang at mahinahon na pagpapaliwanag ni Finn. Napatango-tango na lang kami habang nakikinig sa kaniyang sinasabi.

May nagtaas naman ng kamay na bagong member.

Agad naman tumigil si Finn sa pagsasalita at hinayaan ang iba na makapagsalita.

Tinanguhan niya lang ang babaeng nagtaas ng kamay at nagsimula na itong magsalita.

Nabaling naman lahat dito ang aming tingin, curious kung ano ang itatanong nito sa aming mga officers.

“I wanted to ask lang po, what if we can't recruit more members?”

“If we are unable to find more members, we will have fewer budgets every year. Less budget, less comic books than we are able to provide.”

“Okay, Thank you!”

Less budget, less comic books.

Nakakalungkot naman talaga, sana ay mahanap pa kaming dalawang member. Naexplain na nga rin pala sa amin na we are able to create our own comic books. Usually, ang paggawa ng comic books ay by pair or trio.

Naku, kapag nalaman talaga ni Elisse na pwede kaming makagawa ng sarili namin na comic book ay siguradong matutuwa iyon. Pangarap kasi namin na makagawa talaga ng comic book, dahil may story na kaming nabubuo sa aming isipan. Kulang nga lang kami sa husay sa pagdrawing, sana maipareha ako sa magaling magdrawing.

Nasabihan na rin kami na after foundation day ay magkakaroon daw kami ng official na orientation and training.

Bongga naman pala itong nasalihan kong club. May mga ganito pala na club, bongga naman itong school na ito.

Explain lang nang explain si Finn at nakikiusap na tulungan sila na makahanap ng members. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Wala naman kasi akong ibang kakilala pa bukod kay Elisse.

Napabuntong- hininga na lang ako, gusto ko kasinv makatulong sa paghahanap ng members. Halata na kasi aa mukha nitong si Finn ang pagod. Sa dami kasi ng students na nag-apply kanina ay sampu na lang ang natira na qualified applicant.

Alam ko na napagod ito sa pakikipag-usap ang interview ng mga applicant. Hindu ko nga nakita na kumain na ito, dahil tuloy-tuloy lang sila sa kanilang ginagawa.

Nang mapatingin naman ako sa gawi ni Noah ay napangiwi na lang ako. Akalain mo 'yon na maintain niya ang poker face niya the whole time. Ang seryoso nyarn.

Napaiwas naman ako ng tingin ng lumingon ito sa aking gawi.

Palihim ko naman sinesermonan ang sarili ko sa aking isipan. Bakit ba kasi tinitignan ko pa itong si Noah. Halata naman na susungitan lang ako nito ulit.

Closing speech na ni Finn ng bigla na lang bumukas ang pinto ng room. Napanganga na lang ako kung sino ang niluwa ng pinto.

Naka taekwondo uniform lang naman kasi si Elisse at may kasama siyang isang lalaki na taekwondo uniform din.

Ang bongga naman ng entrance nitong kaibigan ko, agaw eksena ang bruha.

“How can we help you? I guess you're in the wrong room.” Naiilang naman na saad ni Finn, halata na nagulat ito sa biglaang pagdating ni Elisse.

Kahit kailan talaga ay hindi marunong kumatok itong si Elisse.

Umiling-iling naman si Elisse at itinuro pa ako. Napatingin naman silang lahat sa akin.

“She's my friend.”

“Nandito ako dahil gusto kong maging member ng club na ito. Ito naman si Spencer mahilig din siya sa comic books and gusto niya rin sumali.” Diretsong saad nitong si Elisse.

Napatango-tango na lang lahat dahil super persuasive nitong si Elisse. Ang vibes niya ngayon ay “Pick me or else!”

Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Finn. Mukhang matatanggap sila Elisse. Mamaya talaga ay kakausapin ko itong si Elisse, aalamin ko kung bakit hindi siya natulot sa taekwondo club.




-----

Merry Christmas mga mahal!<3

Age GapWhere stories live. Discover now