Chapter 14

3 2 0
                                    

“Foundation Day Preparation P2”

Naayos na nga ng mga boys ang aming tent at pansamantala muna silang nagpapahinga. Kami naman mga girls ay nag gugupit ng mga pang-design namin for pur booth.

Meron din available na mga standee ng sikat na character ng mga comica for photo booth.

Ngayon naman ay naggupit ako ng mga coupons na ibibigay para sa aming mga customers na bibili ng aming kape.  Si Elisse naman ay busy na nakikipag-usap kay Spencer habang naggugupit ng mga stickers.

Napangiti na lang ako iba kasi ang spark ng ngiti nitong dalawa parang may mabubuong something. Happy naman ako sa friend ko dahil halata sa mata nito ang saya.

Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko at baka mainggit pa ako sa katamisan noong dalawa.

Habang busy ako sa paggupit nagulat na lang ako ng may biglang tumabi sa akin.

Napatingin na lang ako sa katabi ko na nakangiti. Ano bang merom sa lalaking ito at lagi na lang nakangiti. Dahan-dahan naman akong napaurong ng maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito nanaman kasi nagloloko itong aking puso.

Pilit ko na lang sinuklian ang ngiti nito.

“Baka pagod kana diyan, gusto mo tulungan kita?” Saad nito at kinuha sa balak nitong kuhanin ang papel at gunting sa aking kamay.

Napahigpit naman ang hawak ko sa mga ito dahil na rin sa kaba at ang lapit kasi nito ni Finn at mas lalo lumalakas ang tibok ng puso ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng magdikit ang aming mga balat at nagtama ang aming mata. Mabilis pa sa alas kwatro  na humiga ako at gumulong palayo.

Nakita ko naman na nabigla ito at sa huli napa hagalpak na lang ito ng tawa.

Nang lumingon ako sa paligid halos lahat sila ay nagpipigil ng tawa. Akalain nito 'yon nakita ko pa nga si Noah na nakangiti. Bagay pala sa kaniya ang ngumingiti.

Napailing na lang ako at nakisabay na lang sa kanilang pagtawa. Super nakakahiya talaga ng ginawa ko. Sana lumubog na lang ako sa aking pwesto. Inilapag ko na lang ang mga hawak ko at dahan-dahan akong tumayo.

Tumalikod na ako at mabilis na umalis. Nakakainis naman kasi talaga itong sarili ko, ako na ang nagpapahamak sa aking sarili.

Nang malayo na ako ay binatukan ko ang aking sarili. Baka mamaya isipin ni Finn na nilalayuan ko siya.

“Aisssh, Nakakainis naman!” sermon ko naman sa aking sarili.

Nabigla naman ako ng may biglang tumawa sa likuran ko. Grabe ang kaba ko akala ko sumunod si Finn. Wow, medyo assuming ang person.

Nang nilingon ko ito si Elisse lang pala at grabe pa itong makahagalpak ng tawa, naka hawak pa nga ito sa kaniyang tiyan.

“Ano 'yon ginawa mo kanina Lei. Acrobatic kana ba? Akalain mo flexible ka pala besh.”pang-aasar naman nito sa akin.

Inirapan ko na lang siya at sinamaan ng tingin. Ito talagang bruha na ito nakakainis ang tawa. Kung iba ang makakarinig ay  siguradong maiinis sa tawa niya, mabuti na lang talaga at best friend ko siya.

Nang humupa na nag pagtawa nito ay inakbayan na lang niya ako. Napangiti na lang ako, alam kong sumunod lang ito sa akin dahil nag-aalala lang siya sa akin.

Tumigil ito sa paglalakad at in-inspection kung nasugatan ba ako. “Okay ka lang ba? Hindi ka naman ba nasugatan?” nag-aalalang saad nito sa akin.

Naisipan ko naman lokohin itong kaibigan ko.

Itinuro ko naman ang siko ko at sinabi na nasakit ito. Nagpout na lang ako para mas maniwala ito sa arte ko.

Nanlaki naman ang mata niya at agad tinignan ang siko ko. Napansin ko nga na medyo namumula ito.

“Dadalhin kita sa clinic, mamaya may bali ka na pala.” Natataranta nitong saad. Nakonsensiya naman ako bigla at pinitik siya sa kaniyang noo.

“Huyy, joke lang ano ka ba. Ako pa ba, flexible ata 'to.” Pagyayabang ko naman sa kaniya.

Tinaasan naman ako nito ng kilay at kinurot sa aking tagiliran. Napatawa na lang kaming dalawa ni Elisse. Para kaming mga bata na naghahabulan.

I love Elisse so much, I'm grateful that she's my friend. Without her, I'm not sure I can make it through my high school life.

Tumigil na ako sa pagtakbo dahil nakaramdam na rik ako ng pagod. “Bumalik na tayo sa booth Elisse para matapos na tayo ng maaga.” Pag-aaya ko sa kaniya.

Tumigil na rin ito at hinihingal pa. Inakbayan na lang ako nito at ganoon na rin ako sa kaniya habang nakangiti kaming dalawa habang naglalakad. 

Usap lang kami nang usap dalawa at hindi namin napansin na may makakasalubong na pala kami. At ayon na nga may nakabungguan na nga ako.

“Sorry po,” naibulalas ko na lang.

Nang tignan ko naman kung sino ito ay napawi ang ngiti sa aking labi. Sa lahat ba naman ng makakabangga ko ay si Stella pa at ang kaniyang mga alipores. Bahagyang natapon sa damit nito ang hawak niyang inumin.

For sure, sisirain nanaman nito ang araw ko. Wala naman itong ibang ginawa kundi sirain ang maganda kong araw.

“Sorry my ass!” Pagsisimula nitong magtaray.

Napapikit na lang ako sa at nagpipilit na huwag magalit ayaw ko kasi masira ang araw ko ng dahil lang kay Stella and her minions.

“Sorry, Stella. Hindi ko naman sinasadiya.” Pagpapaliwanag ko naman sa kaniya.


“Stupid ka talaga Adrianna Lei!” sinigawan na ako nito.

Marami naman na ang lumalapit nakiki-tsismis kung anong nangyayari. Kahit kailan talaga ay agaw eksena itong si Stella.

“Hoy anong stupid ha! Gusto mo nanaman sigurong mabawasan ng buhok no!” Pagsingit naman ni Elisse at itinago pa ako sa kaniyang likuran.


Nagulat naman ako sa mga sunod na nangyari. Bigla na lang kasi hinablot ng mga alipores ni Stella si Elisse at pinagtulungang awayin. Lalapitan ko na sana ang kaibigan ko ng bigla akong harangan ni Stella.


Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko na talaga alam bakit ako ang pinag-iinitan nitong si Stella.


Lalampasan ko na sana ito ng bigla na lang nitong ibuhos sa akin ang hawak niyang inumin. Nataranta naman ako dahil sa lamig na rin dahil binuhos na nito lahat sa akin ang coffee amoy na amoy ko na halimuyak ng kape.

Napakagat na lang ako sa aking labi pinipigil ang mapaiyak. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tuwang-tuwa naman itong si Stella sa kaniyang ginawa.


“Are you happy now?”Hindi ko naman na napigilan pang itanong ito sa kaniya.

“Nope! Not done yet.”

Bigla naman nitong iniangat ang kamay niya umasta na sasampalin ako. Naipikit ko na lang ang mata ko, nagulat kasi ako sa lahat ng nangyari at hindi ko alam kung anong dapat ireact.


Narinig ko pa ang mga “woah” sound ng mga nasa paligid pero wala naman akong nararamdaman na sakit sa aking pisngi.

Naidilat ko na lang ang aking mata at nakita ko na lang ang likod ng isa lalaki. Napaayos naman ako at nakita ko na hawak nito ang kamay ni Stella.


“Who the hell are you? Get your hands off me!” Halata sa boses nito ang inis.

Hindi naman binitawan ng lalaki ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. Napakunot na lang ang noo ko dahil pamilyar ang lalaking ito.

“I said let go!” Sumigaw nanaman ito.

Nanlaki na lang ang mata ko ng makitang natumba si Stella, bigla na lang din kasi siyang binitawan ng lalaki at na out of balance siya. Nagtawanan naman ang ibang nakakita.

Naglapitan naman ang mga alipores ni Stella at tinulungan itong tumayo.

Nang mapagtanto ko naman kung sino ang lalaking ito ay napatakip na lang ako sa aking bibig. Hindi kasi ako makapaniwala na siya pala ang tumulong sa akin.

Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon