Chapter 7

11 3 0
                                    

I admire my reflection and realize how much I adore this dress. Napangiti na lang ako at kinuha na ang aking bag and phone.

I check my phone, and I see a message from Elisse. Nawala naman ang ngiti ko sa nabasa kong text from Elisse. She is unable to attend since she must attend to other urgent matters. Nalungkot naman akong bigla, gusto ko pa naman ipatikim sa kaniya ang ginawa kong pancake.

It's okay with me, I merely replied to her message. Itinabi ko na lang sa bag ang aking phone at lumabas nang aking kwarto.

Sumalubong naman sa akin si mama na may dala pang walis at pandakot. For sure, ay mag general cleaning nanaman ito. Gusto ko man siyang tulungan ay hindi pwede sayang naman itong suot ko na damit. Gusto ko na rin kasi talagang mabasa ang mga kaganapan sa Two Worlds.

“Oh, ang ganda naman ng anak ko! Saan ba ang punta mo sweetie?” saad naman ni mama.

“Nasabi ko na po sainyo kagabi pa ma.”

“Ay ganon ba. Makakalimutin na talaga ang mama mo.” Napatawa na lang ito at napakamot sa kaniyang ulo.

“Sige, ma! Alis na po ako, sandali lang po at uuwi rin po ako agad.”

“Osige, sweetie mag-iingat ka ha!”

Nagbeso na lang ako kay mama at pumunta na sa ako sa kusina para makuha ang pancakes na dadalhin ko.    Sinilip ko naman ang box upang icheck kung maayos pa ang design. Mabuti naman at hindi nagulo. 

Sayang at hindi makukuha ni Elisse itong para sa kaniya. Sigurado akong magugustuhan niya ang design nito.

Nang masigurado ko na wala na akong nakalimutan ay umalis na ako ng bahay. Sumakay na ako agad trike dahil hindi naman kalayuan ang lugar na pupuntahan ko ngayon. Nasa kabilang barangay nga lang ito. Mabuti na lang talaga at malapit lang, kundi ay hindi ako tutuloy na mag-isa.

Sinabi ko kay manong driver kung saan ang pupuntahan ko at mabuti naman at pamilyar siya sa lugar.

Ilang minuto lang ang naging biyahe namin at tumigil na si manong sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Nang bumaba ako ay iniabot ko na kay manong ang bayad.

Ilang beses pa akong napakurap ng aking mata. Akalain mo yun sa malaking bahay pala siya nakatira. Doble kasi ang laki ng bahay na nasa harap ko kaysa sa aming bahay. May kalakihan din ang bahay namin kaya namangha ako sa bahay na nasa aking harapan. Mababa lang gate nila kung kaya't tanaw ang bahay.

Napa-isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako, inabot na kasi ako ng hiya. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy na at nagdoorbell. Halos naka dalawang pindot ako sa doorbell  kaya lang wala pa rin lumalabas.

Napaisip tuloy ako kung dito ba talaga  nakatira ang lalaking iyon. Pinagtripan ata ako ng loko na iyon ha. 

Bumilang muna ako hanggang sampu kung wala pa rin lalabas ay aalis na ako.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Walo

Siyam at

Samp---

Napatigil na lang ako sa pagbibilang ng bigla na lang may lumabas na tao. Napakunot naman ako ng noo ng hindi ang lalaking nakilala namin kahapon ang lumabas.

Nang palapit nang palapit ang lalaki ay parang pamilyar ang mukha nito. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita. Matangkad ito at nakasalamin. Parang nagkita na talaga kaming dalawa, hindi ko lang maalala kung saan.

Nakayuko lang ito at hindi pa ako tinitignan. Nasa tapat na siya ng gate at doon niya lang iniangat ang kaniyang tingin.

Ilang minuto rin na nagkatitigan kaming dalawa. Napagtanto ko na kung saan ko siya nakita.

“Ikaw?”sabay namin na sabi.

Napatigil naman kaming dalawa at sabay na rin kaming napatawa. Siya lang naman yung lalaking tumulong sa akin noong nadapa ako sa back door ng building ng college.

Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit. Ngayon ko lang din napansin na may pagka-chinito ito kapag tumatawa.

“What are you doing here?” pang-uusisa naman nito. Sinabi ko sa kaniya kung ano ang pakay ko at kung ano ang nagyari kahapon. Napatawa na nga lang ito at napakamot sa kaniyang ulo.

“Gusto mo bang tumuloy? Kung gusto mo naman ay tatawagin ko na lang ang pinsan kong si Noah para makuha mo na ang kailangan mo.”

Umalis na ito at naiwan naman ako sandali na naghihintay. Ang bait talaga nito at ang gaan niyang kausap. Hanggang ngayon nga lang ay hindi pa rin ata ako nakakapagpakilala sa kaniya. Siguro mamaya na lang kung lalabas ulit siya. Balak ko rin kasi ibigay sa kaniya itong isang pancake.

Napangiti na lang ako, ewan ko ba ang gaan ng loob ko sa kaniya. Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko ng matanaw ko na pabalik na si Finn kasama ang pinsan niya na may dala ng Two Worlds book. Parang nagningning ang mata ko ng makita ang libro.

Pagkabukas pa lang nila ng gate ay iniabot na agad nitong Noah yung libro, 'di man lang ako nito binati.

“Hey, Noah. Don't be rude, you must properly great her.” Sermon naman nitong si Finn sa kaniyang pinsan.  Wala naman nagawa ang isa at binati ako.

“Hey,--” naputol naman ang sasabihin nito at napagtanto ko na ito na ang chance ko para magpakilala sa kanila.

“I'm Adriana Lorelei Atienza, 'Lei' for short.” Pagpapakilala ko at ngumiti.

“Okey, Lei.” he said. 

“So, your name is Lei. Great to know you, you can call me Finn and he's my cousin Noah Crisostomo.”

Napatango na lang ako, iniabot ko naman sa kanilang dalawa ang box na may laman na pancakes.

“So what is this?” Noah asked. Samantalang si Finn ay agad na tinanggap ang box.

“Pancakes!” magiliw ko namang sagot sa kaniya.

“I don't eat pancakes.” Pagsusungit naman nitong Noah. Ang arte naman ng isang ito. Sinimangutan ko na lang siya at bumaling kay Finn na binubuksan na ang box.

Nang makita naman ni Finn ang laman ay agad itong nag thumbs up. Iniabot ko na lang din sa kaniya ang isa pang box.

“This is also yours to keep.” iniabot ko sa kaniya ang isa pang box.

Aabutin na sana ni Finn ang isa pang box ng pancake. Nagulat na lang kaming dalawa ni Finn ng biglang hablutin ni Noah ang box sa kamay ko. May sapak ata ang isang ito, kanina lang ay ayaw niyang tanggapin ang binibigay ko. 

Napairap na lang ako sa inakto nitong Noah na ito. Napaismid na lang din si Finn.

“Perhaps I enjoy eating sweets.” Pagpapaliwanag nito at tinalikuran na kaming dalawa ni Finn ng hindi nagpapaalam.

“Thank you pala dito sa pancakes!” Muli nanaman siyang ngumiti.

Nakakasilaw naman itong ngiti ni Finn. Mapapangiti at mapapangiti ka talaga kapag si Finn ang kausap, hindi katulad ni Noah sungit.

“Ang galing mo naman magdesign.”

Sinilip ko naman kung anong design ang nakuha niya, ito yung boy na design. Nagpigil naman ako ng tawa ng mapagtanto na napunta kay Noah ang pancake na para kay Elisse. Ang design lang naman nito ay hello kitty, paborito kasi ni Elisse ang hello kitty.

Nagpaalam na rin si Finn dahil may kailangan pa raw itong gawin. Nakasakay na rin naman ako ng trike. Mabuti na lang talaga at maraming dumadaan na sasakyan dito. Nang makasakay na ako ay doon na ako napahagalpak ng tawa.

“Ma'am, okay lang ho ba kayo?”

“Opo manong, pasensiya na ho kayo may bigla lang kasi akong naalala na nakakatawa.”

Pinigilan ko na ang pagtawa at baka isipin pa ni manong na may sapak ako sa ulo.

Age Gapजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें